Revine's POV
"Gusto kong tulungan mokong maging lalaki ulit." sabi niya
"Engot kaba?" sabi ko sakanya
Nandito pa din ako sa bahay na tinutuluyan ata niya to.
"Kung yun ang tingin mo, edi engot." tumingin siya sakin "kailangan mong makagawa ng limang kailangan kong gawin para maging lalaki. Syempre tutulungan moko para magawa yun. And isang linggo ko lang ibibigay sayo ang task mo. Kailangan may paraan kana para magawa ko ang limang bagay na papagawa mo sakin para maging lalaki ako, gets?"
"Engot ka nga.." bulong ko "bakit sakin ka nagpapaganyan? Lalaki bako?"
"Mas lalaki ka pa nga sa lalaki minsan, pero hayaan mo na. Ikaw lang naman ang nakakaalam nito. Magpatulong ka kung gusto mo." at kumindat pa siya.
Jusme naman!
-
Kathina's POV
Nandito kami ngayon sa unit, sabay sabay kaming naupo sa couch at pag uusapan namin si revine.
Kahit ako nagulat din sa nalaman ko. Hindi ko akalain na mag boboyfriend pala siya. At ang pinaka nakakagulat pa dito ay si leigie pa, eh nung ano lang namin nakilala yun.
"Diba sabi ni drino plano lang ang lahat." sabi ko sakanila kaya napunta sa akin ang tingin nila "Sinabi din ni revine na hindi niya boyfriend si leigie."
"Oo nga naman.." sang ayon ni karry "Pero hindi rin natin masasabi na ganon nga. Masikretong tao si revine. Baka pinagtatakpan lang nila ang relasyon nila ni leigie." dagdag ni karry
"May tiwala naman tayo kay revine," sabat naman ni yennie
"Ugali din kasi ni revine na pumasok sa gulo na hindi niya alam." mababakas ang inis sa muka ni Nina pero nangingibabaw pa rin ang pag aalala sakanya
Si Nina ang pinaka matapang na tao saming lima. Ayaw na ayaw niyang nadadawit kami sa gulo. She can handle us without any help. Kaso nga lang minsan matalas ang mga binibitawan na salita.
"Tingin niyo nag lilihim siya satin?" tanong ni Lj samin.
Si Lj naman ang pinaka childish. Ayaw niya ng may nag aaway samin. Pero siya yung nangaaway.
"Hindi rin naman aamin yun kapag may tinatago nga siya." sabi ni Nina
"Ah excuse me! May tumatawag sagutin ko lang." paalam ko sakanila at sinagot na ang tawag
--
- On The Phone -
"Hello sino to?" bungad ko sa tumawag
"It's me.." tinignan ko naman ang caller kaso number lang eh
"Huh?" - Ako
"Drino." nanlaki na talaga ang mata ko sa narinig ko
"P-paano.. Paano mo nakuha ang number ko?" - Ako
"Kinausap ko si Ms. Sy.. Kinulit ko siya na kung pwede ba niyang ibigay ang number mo kasi emergency lang." - Drino
Naginit agad ang mga pisnge ko at napangiti nalang ako basta basta
"Pwede ba tayong magkita? Susunduin kita. Alam ko na naman ang tinutuluyan niyo ngayon." at tuluyan na nga akong hindi mapakali dahil sa sinabi niya
![](https://img.wattpad.com/cover/165821929-288-k571089.jpg)
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Novela Juvenildate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.