Revine's POV
Hindi ko talaga makalimutan 'yung nakita ko. Grabe, babaero pala ang lalaking 'yon. Gagawa na nga lang siya ng kabalbalan may naiwan pang ebidensya.
Magaling din e.
"Hoy kanina ka pa d'yan. Kanina ka pa tulala." sabi sa 'kin ni Nina "Anong meron sa 'yo?"
"Ah w-wala, may iniisip lang." sagot ko naman. Napatingin naman ako sa dereksyon ni Leigie
"May gusto ka ba d'yan?" nagulat naman ako sa tanong ni Nina
"Wala ah!" agad kong tanggi sakanya
Uwian na kasi namin, kaya nag aayos na kami ng gamit namin. Lumabas na 'yung lima. Lumabas na rin kami
"Pasabay." sabi ni Nil habang naka ngiti
"Sige ba!" si Lj
"Tara saan ka ba?" tanong ni karry kay Nil
"Sa village seven lang ako. Malapit lang dito. Madadaanan niyo naman 'yon kaya sasabay nalang ako sa inyo. Hindi kasi ako susunduin kasi nag bakasyon 'yung driver namin." sabi pa niya at pumunta na kami ng parking
Pag punta ng parking, tumigil muna kami sa tabi kasi kukunin ni Nina 'yung kotse niya. Ginala ko ang paningin ko, at nakita ko 'yung lima
Si Ghan at Drino ay sumakay sa kani-kanilang magagarang kotse. Grabe ang ganda ng kotse nila. Mukang mayaman. Edi sila na.
Inilipat ko naman ang paningin ko roon sa tatlo. Si Hirro, Ben at Leigie ay naka motor. Mukhang bagong labas na motor ang kay Leigie kasi ang ganda ng model. Ganoon din ang sa dalawa.
Nag suot na sila ng helmet at pinaandar na nila ang mga sasakyan nila na akala mo mga hari ng daan. Grabe lang..
Chill lang men.
"Mas gusto kasi ni Hirro, Ben at Leigie na nauusukan sila.." napalingon ako kay Nil kasi nakatingin din pala siya don "Para iwas daw sa traffic. Mga mainipin kasi 'yang mga 'yan. 'ung dalawa naman ayaw nila ng motor kasi mainit daw. Ayaw din nila 'yun kasi malapit sa aksidente." paliwanag pa niya
"Kahit naman naka motor 'yung tatlo hindi pa rin sila umiitim." para may nakakatawa sa sinabi ko. Natawa si Nil eh
"Mayaman kasi.." sabi niya
Dumating naman si Nina kaya sumakay na kami. Kasama si Nil. Doon siya sa passenger seat nakaupo.
Habang nag dadrive si Nina ay nag tanong si Kathina,
"Ano nga palang nangyari? Bakit mo nakaaway sila Drino?" tanong ni kathina kay Nil
"Mahirap mag paliwanag." ayun na lang ang tanging naisagot niya
"Mag kakaaway ba kayo?" si yennie naman ang nagtanong.
"Sabihin na nating, pa welcome nila 'yon sa akin." natawa pa siya sa sinabi niya
"Ang gulo mo kausap!" reklamo ni Lj
"Malulupit kasi ang magkakaibigan na 'yun..." sabi pa niya "Mahirap sila kalaban kahit may kahinaan din." dagdag pa niya
Nangunot naman ang noo ko sinabi niya.
Mahirap kalaban kahit may kahinaan.
"Ano namang kahinaan nila?" interesadong tanong ni Lj
"Huwag niyo nang alamin.." sabi niya "Itabi mo nalang d'yan Nina." turo niya sa may kanto.
Nang makarating doon ay inihinto ni Nina ang kotse. Bilib ako sakanya kasi natatandaan niya ang pangalan namin. At hindi siya naiilang sa pakikitungo samin.
![](https://img.wattpad.com/cover/165821929-288-k571089.jpg)
YOU ARE READING
That Gay is a Celebrity Heartthrob
Teen Fictiondate started: October 31, 2018. date ended: January 7, 2019.