CHAPTER 26

2.4K 82 5
                                    

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo feeling ko mabibiyak ito..Hindi naman ako uminom para sumakit nalang ito ng ganun ganun lang Aist! Napaka malas ko talaga kahit kailan..Wait! Tama!

Nasapul pala ako ng bola at dinagdagan pa ng aleng iyon grabe kung may premyo lang siguro ang pagiging malas naka-jackpot na ako -___-

Bumangon ako mula sa higaan ko..Mabuti't dito ako natulog ngayun at hindi sa kung kaninong bahay ay mali mansyon pala..

Waaah! Late na pala ako!! Naku naman nakalimutan ko pa talaga bwisit bakit wala man lang nang gising sakin?!.. Agad na akong bumangon para magpalit na, second period nalang ako papasok tsk! Sira na ang record ko umabsent ako kahapon dahil sa kadahilanang natamaan ako ng bola at ang nakakaasar pa dun nakalimutan ko! At wala man lang nagpaalala na may pasok kami! Malalagot talaga ako nito tapos late pa ako! Wala na talaga!

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at wala ng tao sa baba panigurado na kapasok na si bunso at hinatid na siya ni tito..

Pumara na ako ng tricycle at sinabi kung saan ako baba, sa paradahan ng jeep syempre..

Ng makarating na ako sa school ay agad akong tumakbo pababa sa jeep at akmang papasok na ng harangin ako ng guard..

"I.D?"sabi nito sa akin at agad ko naman itong ibinigay..

Tumingin ito sa student record at hinanap ang pangalan ko pero sigurado naman akong wala akong pangalan dun perstaym ko kasing malate..

"Hmm wala kang record sa akin kaya siguro hindi kita mamukhaan... Sige na pumasok kana pero sa susunod na malelate ka pa hindi na kita papapasukin, Pero bago ka pumasok sa room mo pumunta ka muna sa dean office para magreport okay?"

"Maraming salamat po.. Hindi na po mauulit hehe"sabi ko at agad ng tumakbo papunta sa locker ko ng maiwan ko na ang mga iba kong gamit..

Hmm makapunta nga muna ng locker room bago pumunta sa dean office, ambigat kaya ng dala ko..

Tahimik akong naglakad papuntang locker para walang makarinig sa akin kahit na sino lalong lalo na ang mga matataas ang katungkulan sa paaralang ito..Habang naglalakad hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano tulad nalang ng multo na kinakatakutan ko talaga..Wala naman sigurong multo na bigla bigla nalang susulpot at sasakalin ako tama? Waaah! Lakas kasi makaapekto ng mga horror movie eh! Pati utak ko dinadayo!..

Alam nyo yung feeling na pilingera ka? De joke lang..Pero seryoso na nga, Alam nyo ba yung feeling na feeling mo may nakatingin sayo? Yun ang nakakaasar talaga! Hindi ko tuloy alam kung may nakatingin ba talaga sakin o wala  >__<

"Hmm"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay na yun..Omo! Baka dito na ako makakita ng totoong multo? Huhu yoko na po!!..Halos manlamig na ako at mamawis
dahil sa sobrang kaba..Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad at akmang tatalikod na palabas ng locker room ng biglang may humila sa akin papunta sa pinakakasulok sulokan ng locker room at dun na talaga ako kinabahan feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba..

"Sssh don't shout"

Sabi ng boses at hinawakan ng mahigpit ang kapulsuhan ko..

Waaah! Hindi naman siguro siya mamamatay tao noh?! Tell me!

May narinig akong mga yapak ng paa na parang nagmamadali pa..

"Sigurado ba kayong may nakita kayong mga estudyante pakalat kalat dito?"

Rinig kong sambit nang boses ng babae..

"Opo Dean! Nakita ko pong may pumasok dito kanina"

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now