CHAPTER 46

1.8K 49 0
                                        

Third Person's P.O.V

Masayang nagsalo salo sina acielle,kaisser at ang lolo at lola nito. Habang kumakain ay hindi maiwasan na mapatitig si kaisser sa sinisinta.

"Naku acielle malulusaw kana! Tumitig ba naman ang isa dyan!" Parinig naman ng lola nito na talagang kinareer ang pang aasar sa apo, pero mahal na mahal naman niya ito.

"Huh? Sino po mamita?"takang tanong naman ni acielle na walang ka malay malay sa paligid. Sa sobrang sayang nararamdaman nito ay hindi niya maiwasang mag isip ng malalim.

"Sino pa nga ba? Edi yung apo kong patay na patay sayo!" Hindi talaga papahuli ang matandang babae sa pakikipag kulitan sa mga ito

Nakaramdam naman ng hiya si acielle at pasimpleng tumingin kay kaisser na hindi pa din nagiiwas ng tingin. Parang napako na nga ang tingin nito sa kaniya.

"Hahahahaha nakakatuwa na talaga ang mga kabataan ngayun! Dati ay hindi ko man lang matitigan ang magandang mukha ng mamita niyo pero kayo malaya niyo itong nagagawa haha!" Natutuwang sambit naman ni papsi.

Agad nanamang nakaramdam si acielle ng hiya at mataman na tumingin sa nobyo at sinimangutan ito. Nginisian lamang ito ng lalaki at nag patuloy na sa pag kain. Sa wakas!.

Ng matapos ang mga itong kumain ay agad ng umakyat ang magkasintahan at nakaramdam si acielle ng kaba! Magkasama ba naman silang matulog ni kaisser! First time niya lang kasi ito! Ang may makasamang lalaki sa kwarto ang malala pa nun boyfriend niya pa! Nakakailang talaga! Sabi niya sa isip isip.

"Ah ano mauna ka ng mag shower"sabi ni kaisser sa kaniya. Tumango naman ito bilang sagot.

Nagkaripas ito ng takbo at tinungo ang banyo. Nagdasal ito na sana ay layuan ito ng tukso dahil baka may magawa itong mali pero syempre joke lang yun wala pa sa isip ng dalaga ang gawin yun.

"Tapos na ako. Ikaw naman"sabi ng dalaga ng matapos. Nakabihis na ito bago pa man ito lumabas.

"Sige. Matulog kana. Dun nalang ako sa sahig hihiga dun kana sa kama"sabi nito. Tumango ang dalaga at agad na tinakbo ang higaan. Sobrang sarap sa feeling dahil sa lambot ng kutson. Pinipilit nitong matulog pero wala talaga! Hindi ito makatulog kaya naman inantay na lamang niya si kaisser pero patago, nagkukunwari itong tulog na.

"I'm really happy na sa wakas napakilala na din kita kila mamita! Ang tagal din nilang nag antay na may mapakilala ako sa kanila na babaeng mamahalin ko habang buhay"narinig nitong sabi ng binata na ngayun ay naka upo sa gilid nito.

Hindi nito mapigilang mapangiti dahil sa kilig.

Naramdaman nitong dumampi ang labi nito sa noo kaniyang noo at humiga na din sa sahig.

Makalipas ang ilan pang minuto at hindi pa din makatulog ang dalaga. Iniisip kasi nito kung maayos bang makakatulog si kaisser sa sahig o baka naman baka hindi ito komportable. Hindi na talaga mapakali ang dalaga at agad na bumangon at sinilip ang binata.

Laking gulat nito ng makitang dilat na dilat pa din ang binata. Mukhang hindi din ito makatulog.

"Ah ano kasi. Komportable kabang dyan ka na kahiga?"pagtatanong ng dalaga.

"I'm fine as long as your comfortable too"sambit naman ng binata. Iniisip kasi ng binata na baka hindi ito maging komportable pag may katabi itong lalaki kaya na isipan nitong sa sahig nalang matulog. May manipis naman na fome iyon kaya ayos lang pero baka sumakit pa din ang katawan nito dahil hindi talag ito sanay.

"Ah ano kasi. Pwede ka namang tumbi nalang sakin?"sabi ng dalaga. Kumunot ang noo ng lalaki.

"Hindi kaba ma iilang pag tumabi ako sayo?"tanong ng lalaki pabalik.

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now