Marunong akong magtimpi pero hindi porke marunong na akong magtimpi aabusuhin na nila ang tulad ko. Oo't mayaman sila pero sa mundong ito walang mayaman at walang mahirap dahil lahat tayo ay pantay pantay lang sa tingin ng Diyos..
Nang makalayo na sa gulong iyon ay huminto ako saglit para magpahinga dahil sa pagod kakatakbo.. Hanggang kailan ba matatapos ang pagtakbo ko? Minsan iniisip ko kung hanggang dito nalang ba talaga ako sa puntong tinatakbuhan lahat ng mga mapag- matang tao, kasi nakakapagod na eh..
"That was good"hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino man ang nagsasalitang iyon dahil boses palang nito kabisadong kabisado ko na..
"Good? Sa tingin mo good yun hah? Halos ikamatay ko na yun tapos good!? Gusto mo bang ikaw ang patayin ko!? Alam mo iniisip ko kung minsan kung kaibigan din ba ang turing mo sakin tulad ng mga kaibigan mo! Pero mukhang mali ata ako ng iniisip dahil malinaw na malinaw na mula kanina sakin ang lahat! ISA KANG BATO! WALANG PUSO! Alam ko naman na dapat hindi ako nag-expect! Pero ugh! Umasa pa din ako! Pero ano? Sa huli ako pa ang nagmukhang tanga? Haha *huk* nakakatawa diba!?"galit na galit na sumbat ko sa lalaking nasa harapan ko ngayun..
Mali nga talaga siguro ako sa napili ko... Maling mali.
Agad na akong tumalikod sa taong iyon at nagmadaling maglakad. Bakit ganun? Bakit ngayun umiiyak ako samantalang kanina hindi ewan ko ba iba kasi yung feeling na binalewala ka ng isang taong mahalaga sayo, ang sakit eh..
Wait mahalaga? Mahalaga siya sakin?
'Kaya ba ganito nalang ako kung makareact sa tuwing may sinasabi siyang masama tungkol sakin? Kaya ba kahit na anong sakit ng mga salita na binabato niya sakin nananatili pa rin ako at tinuturing siyang kaibigan kahit na hindi ganun ang tingin niya sakin? Dahil nga ba talaga mahalaga siya sakin? Can someone tell me what is? Kasi maski ako naguguluhan na'
Hindi ko na ininda pa lahat ng tinginan nila at patuloy lang na tumakbo hanggang sa marating ko ang kadalasan kong pinagtatambayan.. Ano pa nga bang pupuntahan ng mga katulad ko edi sa garden..
Umupo ako sa isa sa mga bench at tahimik na umiyak doon..
Hindi ko ginustong maramdaman ito pero wala eh yun na yung tinitibok nito, siguro nga kailangan ko ng lumayo para hindi na mas lumala pa ito dahil kung hindi ako na mismo ang magdadala sa sarili ko sa kapahamakan at ayaw ko naman nun..
Ng matapos ako sa pagiyak ay dumaretso ako sa cr para maghilamos dahil mugto na talaga yung mata ko kakaiyak buti nalang talaga at walang masyadong tao at walang manggugulo sakin..
Di nagtagal ay dumating na ang uwian syempre ano pa nga ba ang gawain ko kundi maghanap ng mapapasukan dahil paubos na savings ko ayaw ko mang galawin yun nawalan na din ako ng choice dahil kailangan naming kumain lalo na yung kapatid ko na may sakit..
Naglalakad ako at nagbabaka sakaling may mapasukan man lang kahit na maliit lang ang sahod hindi ko din naman masisisi yung mga nagnenegosyo dahil mahirap nga namang tumanggap ng estudyante dahil nagagambala lang ang mga ito dahil sa hectic na schedule namin.. Hays buhay nga naman parang life..
May nakita akong nakapaskil na 'Wanted saleslady' agad kuminang ang mga mata ko at dali daling pumunta dun at hinanda na ang mga papeles ko at syempre ang sarili ko na din..
"Ah excuse me po.." sabi ko sa isang babae na mukhang may ari ng beauty product..
"Yes? What can I help you?" Okay this is it laban lang!
"Ah naghahanap po kayo ng saleslady diba po? Magaapply po sana ako" jusko sana naman pagbigyan niyo na ako huhu..
"Why?" Grabe isa siguro siya sa mga sinuwerte sa kagandahan! Jusko mukhang elegante atang itong napasukan ko baka di ako tanggapin..
"Eh?"
"Ah sorry what I mean is nagaaral ka sa Brian High right? Pero bakit gusto mong magapply?"ahh kaya pala dapat ba eh nagbihis muna ako baka pagkamalan ako nitong mayaman eh..
"Ahh scholar lang po ako dun kaya ako nakapasok.. Please po kailangan ko lang po talaga itong trabaho kaya sana po ay tanggapin niyo po ako"sabi ko..
"Do you have any idea about make up or any background?" Yun lang..
"Ah eh wala po pero madali naman po akong matuto sabihin niyo lang po kung ano ang dapat kong gawin pagsisikapan ko po"desidido na talaga akong makapasok dito malaking tulong din ito samin ni bunso..
"I like your fighting spirit so yes you can start tomorrow make sure na maraming bumili ng product hah at hindi mo na pala kailagang problemahin yung sched mo dahil itong store na ito ay inoopen lang kapag hapon kaya you can go to school pa"omo hindi lang siya dyosa! Mabait din ♡__♡
"Waaah! Thank you po! Thank you po talaga ng sobra"grabe ang saya ko dahil at last may nahanap na din akong work..
"Haha your welcome iha by the way what is your name?" Ay tungak! Oo nga no dipa pala ako nakakapagpakilala excited masyado eh..
"I'm Acielle Crein Gonza po" nagbow pa ako bilang paggalang..
"Well nice meeting you Elle, I'm Nathalia Gorge" crush ko na siya hehe..Natitibo pa ata ako ng di oras ah haha..Elle daw? Yiks minsan lang may tumawag sakin nan pero okay lang naman..
"Sige mauna na ako ah may dinner pa kasi akong pupuntahan.. By the way ingat ka" waah! Bakit ganun ang ganda niya lalo na pag ngumingiti!..
"Sige po ma'am thank you po ulit and ingat din po" syempre nginitian ko siya pabalik..
"Haha masyado kang formal elle you can call me Ate lia nalang.. Bye" grabe nung naghulog siguro ang kalangitan ng kabaitan gising na gising si ma- ate lia..nakakailang man na tawagin ko ang boss ko ng ate at may nick name niya pa pero wala naman akong choice kundi ang sundin nalang siya din naman ang nagsabi..
YOU ARE READING
When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]
FanfictionThis story is a fan fiction. This story is for those people who love SungHyun (Sungjae & Sohyun. I was inspired because of them kaya ginawan ko sila ng story kaya dun sa mga na second malead syndrome dyan basahin niyo na to! Lol! Promise sa istoryan...
![When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/143949548-64-k242020.jpg)