CHAPTER 45

1.7K 55 2
                                    

"So pano ba yan alis na ako? Nga pala pag may ginawa sayo yang lalaki na yan o pag sinaktan kaniya sabihin mo sakin at ako ang bahala na bigyan siya ng leksyon okay?. Bye acielle mamimiss kita!" He said. Lumingon ito sa kaliwa ko at lumapit kay kaisser.

Tumingin naman ako sa mga ito at ayon sa nakikita ko mukhang sinasabihan niya ito.Nagkamayan ang dalawa at pag kuway nag tanguan.

Nilingon pa ulit ako ni Blazen at binigyan ng isang matamis na ngiti na hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita.

Malungkot ako dahil sa umalis ang isa sa mga itinuring kong isang kaibigan at the same time pamilya. Nakakabigat sa kalooban lalo na at sarili ko sinisisi ko.

"Lets go" pag aaya sakin ni Kaisser na hindi man lang ako inantay.

Pasalamat siya at di ako nag sasawang intindihin ang pag ka oa niya.

"Wait!" Sabi ko at tumakbo papalapit dito. Pinaglapit ko ang aming mga palad at sabay na nag lakad.

Habang papuntang kotse pansin ko na ang pagiging tahimik at kunot noo ni kaisser na siyang ikinababala ko. Ano bang problema niya?.

"Hey! Ayos ka lang ba unggoy?" Pagtatanong ko.

"Yeah" maikling sagot nito at pinagbuksan ako ng pinto at pagkatapos at pumasok na din.

"Hindi ka mukhang okay"simangot na sabi ko.

"I'm fine okay?" Sabi niya at nag simulang mag drive. Hindi ko alam pero medyo na iiyak na ako. Oo na ako na yung iyakin! Hindi lang talaga ako sanay na ganto siya kung umakto. Tiyaka eto palang ang kauna unahang pag aaway namin. Kinakabahan ako.

Pilit kong tinatago ang aking pag iyak pero hindi nakatakas sa kaniya ang pag hikbi ko.

Nilingon ako nito at nagtatakang nakatingin sa akin at agad nitong hininto ang sasakyan nya sa gilid ng daan.

"Hey why are you crying?"Di mapakaling sabi niya. Agad lang akong nag iwas ng tingin dito.

"Kung iniisip mong galit ako sayo, hindi okay? May iniisip lang talaga ako. Sorry please stop crying"sincere namang sabi nito.

Tumingin ako sa kaniya pero lalo lang akong na iyak. Natatakot ako. Natatakot ako na baka marealise niya na hindi ako worth it.

"Please stop crying. Sorry kung pinag alala kita. Basta trust me nalang okay? I love you" sabi nito. Napatingin naman ako sa kaniya ng mag sabi ito ng I love you. Tila ba napawi lahat ng iniisip ko at nararamdaman ko kanina.

"I-i love you more" nahihiyang sabi ko at humikbi ulit.

Ginulo nito ang buhok ko at pinaandar na ang sinasakayan namin.Sumulyap ito saglit sakin at kinuha ang isa kong kamay para hawakan ito.

Holding hands kami mga madla.

"San tayo punta? Hindi na kasi ako pamilyar sa lugar na to eh" sabi ko ng ma pansing iba ang tinatahak naming daan.

"Just wait and see"sabi niya.Agad ko namang tinignan ang bawat madadaanan namin.

Napakaganda naman ng tanawin na nakikita ko. Nasa mga bukid bukid na kami kaya naman mas maganda ang simoy ng hangin. Ngayun ko lang na pansin na ang tagal na pala naming naka upo dito sa sasakyan.

"San ba kasi tayo pupunta?.Tiyaka ano pala yang mga gamit na nasa likod?" Pag tatanong ko. Nakakapagtaka lang kasi. Wala pa yang mga yan kanina.

"Its a surprise kaya bawal sabihin" nakangiting sabi niya.Sa wakas nakangiti na din ito ulit.

"Matulog kana muna malayo layo pa ang byahe natin." Sabi niya.

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now