CHAPTER 43

2K 63 1
                                    

Ac's P.O.V

Kumakain kami ngayun sa isang mamahaling kainan at ewan ko kung anong pangalan bigla namang kasing nag aya si Blazen dahil aalis na siya kinabukasan. Kakauwi lang namin galing school at masasabi kong bangag ako mag hapon dahil nadin sa sinabi ni Kaisser kanina. Nakakasakit ng puso mga madla sana feel niyo din para di lang ako yung nasasaktan no? Hirap kayang mag-isa. Charot!.

"Ang taas na siguro ng nalipad niyan" biglang pagsasalita ni Blazen kaya kinunutan ko siya.

"Pinagsasabi mo dyan?" Tugon ko at kinain ang masarap na pag-kain. Actually sabi ko kahit wag na dito kaso matigas ulo niya eh sabi niya minsan niya na nga lang daw ako ilibre sa labas aayaw pa daw ako kaya ayun pumayag nalang ako kaysa naman magtampororot yung isa dyan diba?.

"Sabi ko ang taas na siguro ng nalipad ng utak mo" ngumiti na lamang ako sa kaniya at tumango. Totoo din naman kasi.

"Iniisip mo ba siya?" Pagtatanong niya.

Lumingon muli ako sa kaniya at tinitigan ito sa mata. Ayaw ko lang maging insensitive.

"Pwede bang wag nalang natin pagusapan yan?" Naiilang na sabi ko.

"Then can I ask you to not think of him too? Oo selfish pakinggan pero kahit ngayung araw man lang na to itabi mo muna siya at ituon ang pansin sa akin. Can you?" He ask. Napayuko ako at pinapatay ang sarili ko sa isip. Tama nga naman siya. Siya ang kasama ko so dapat kaniya din ang atensyon ko.

"Ah sorry at oo naman kung yun lang ang mag papasaya sayo at hiling mo bago ka umalis of course kaya ko siya isantabi para sa isang kaibigan" tipid akong ngumiti dito at tinitigan.

How I wish na sana siya nalang ang una kong nakilala siguro hindi na naging komplikado ang lahat.

"Thank you Acielle" sabi niya at ngumiti na ulit. Thank God.

Kumain kami ng matiwasay at kung minsa'y nag uusap pa ng biglang may humawak sa may pulsuhan ko at hinila ako patayo.

"Ugh! Aray" napasigaw pa ako niyan.

"Dude nasasaktan siya" sabi ni Blazen na napatayo na din.

"K-kaisser? Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko.

Tinitigan ako nito at niyakap ng mahigpait na para bang ngayun niya lang ulit ito na gawa.

Lumingon ako sa side nito at nakita si Taniza na nakatayo at parang namdidiring nakatingin samin. Problema niya?.

"I came here para bawiin ang isang mahalang tao na pagaari ko" he finally said.

Naguguluhan man ay napangiti nalang ako.

"So ano magyayakapan nalang ba kayo dyan? Di ba kayo mag sasali?" Naiinip na sabi ni Taniza na nakahalukipkip na ngayun.

"Yeah right" rinig ko namang sabi ni Blazen sa likod ko.


"You two shut up!" Sabi ni Kaisser na hanggang ngayun ay di pa din bumibitaw mula sa pag kakayakap sakin.

"Ah eh pwede bang ano umayos na tayo kasi madami ng nakatingin nakakahiya naman" bulong ko dito.

Agad naman siyang lumayo at nakabusangot na hinarap ako.

"Wala akong pake elam sa kanila o kahit na sino" busangot na sabi niya.

Napangiti naman ako dahil nagkaroon nanaman ito ng bagong expression.

"Nice improving!" Kantiyaw ni Taniza.

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now