CHAPTER 42

1.8K 48 0
                                        

KINABUKASAN•

Kinabukasan tila ba nagbago ang lahat.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagmulat ng mata ko nagbago na ang lahat hindi ko alam kung ikakatuwa ko yun o ano.

"Acielleeee!!!" Dinig kong sigaw ni Rose.

"Ah eh ano nga yun?" Sabi ko. Napapala ng madaming iniisip.

"May naghahanap sayo" sabi nito sabang nguso pa sa bandang pintuaan.

"Ah sige thank you" sabi ko at tumayo na para tignan kung sino ang naghahanap sakin.

"Yow!" Bati ni Blazen sakin pagkalabas na pagkalabas ko palang.

"Oh ikaw pala. Anong meron at nagawi ka dito?" Tanong ko dito.

Ngumiti ito saglit at inakbayan ako.

"Tara libre kita" aya nito at naglakad na habang tangay tangay ako.

"Aish! Kamy mo nga! Bigat bigat eh!" Pabirong sabi ko dito at nginitian siya.

"Parang akbay lang naman eh. Tyaka baka last na to kaya sinusulit ko lang" napalingon ako dito at kinunutan ng noo.

Pinagsasabi niyang last na?.

"Haha basta! Baka masira lang mood nating dalawa eh mamaya ko na sasabihin, kumain muna tayo sa ngayun" sabi niya at kinaladkad nanaman ako. Buset talaga walang pinagbago akala pa ata nito lalaki din ako tulad niya hmp!.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami.

"Hmm kahit ano nalang! Lahat naman masarap eh" sabi ko.

"Pati ba ako kasama sa masasarap na yan?" Pabirong sabi niya. Agad ko naman siyang pinaghahampas. Buset talaga!.

"Haha biro lang naman!"sabi niya kaya tinigil ko na ang paghampas dito.

"Mamimiss ko talaga yang kasadistahan mo" out of no where niyang sabi.

"Bakit aalis kaba? Ikaw talaga oa ka kahit kailan eh!" Natatawang sabi ko at nagmamadaling umupo dahil ubusan na ng upuan.

"Hmm ako na ang kukuha ng pagkain natin dyan ka nalang" tumango ako dito at tahimik na nagantay.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid masasabi kong madami talagang nagbago. Una wala ng nambubully sakin o nagpupuna sakin, pangalawa tumahimik na sila scarlet at panghuli hindi ko na mahagilap ang grupo nila kaisser. Ewan ko pero masama ang pakiramdam ko sa nangyayari.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid biglang napadako ang tingin ko sa mga entrance ng canteen. Napatayo ako ng makita si Kaisser kasama sila Kenjie at kyle pero kung titignan sila parang may nagbago. Uso ba talaga ang nagbabago ngayun? Ang weird talaga.

Inantay kong dumaan sila sa table kung saan ako nakaupo at ng dumaan na nga sila agad akong humarang sa harapan nila.

"K-kaisser bakit di ka dumating?" Wala na akong pake kung nakakahiya itong ginagawa ko basta gusto ko lang talagang malaman kung bakit di siyaa dumating.

"Why? Importante ba ang pag uusapan natin para pumunta ako?" Madiin at may galit na sabi nito. Nasaktan naman ako sa sagot nito pero mas nasasaktan ako dahil hindi niya man lang magawang tumingin sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"H-huh?" Yan na lamang ang tanging nasabi ko dahil hinila ako ni kenjie palayo dito.

"S-sorry Ac sa sinabi ni Kaisser hang over lang yun. Tyaka sorry kung hindi muna kita papansinin hah? Pinagbabawal kasi si Pareng kai eh pero wag kang mag alala pag wala siya sa paligid kakausapin pa din kita".  Naguguluhan ko siyang tinignan.

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now