Chapter 20

2.6K 110 6
                                        

Naglakad pa ako at naghanap ng matinong trabaho.Isinuot ko ang earphone ko at nagpatugtog..

Playing Song:I won't give up

' '

Habang nagmumuni muni hindi ko mapigilang mapaisip kung ano kaya kung huminto ako sa pagaaral? pero alam ko namang di papayag si bunso paniguradong gagayahin lamang ako nito .

'Kung tumanggap kaya ako ng labahin tuwing sabado't linggo sa mga kapit bahay pati na din kila tito? tama magandang idea dahil kahit papano kasama ko at mababatayan ko ang kapatid ko dahil hanggang tanghali lang naman ako sa karinderya dahil wala naman ng kumakain pagdating ng hapon..

Agad na akong nagtungo sa bahay kahit malayo sayang lang sa pamasahe at isa pa kaya ko naman magisa at tignan nyo naman naakay ko pa si bato mula sa bahay kahit malayo ito..Ganun kasi talaga pag nagtitipid.

"Oh Acielle! Ang aga naman ata ng uwi mo ngayun?"sabi ng isa sa kapit bahay namin dito sa amin..

"Ah kinansela ang klase aling pasing eh pati bukas kaya nga kung pwede po eh ako nalang ang maglaba ng damit nyo para naman po makadagdag iyon sa ipon ko sa pagpapagamot ni Aziel"nahihiyang sabi ko pa dito..

"Aba kung yan ang gusto mo sige pero sana'y di mo pabayaan ang sarili mo"nagaalalang sabi nito .

"Naku yakang yaka ko po iyan Aling pasing ako pa po ba?"biro ko dito..

(M/N: Sa mga hindi po alam ang word na yakang yaka ang ibig pong sabihin nito ay kayang kaya..Hehe yun lang)


"Haha napakamasayahing bata mo talaga at kamukhang kamukha mo pa ang iyong ina kung sanay nandito pa sila hindi sana kayo nahihirapan pero ito ang palagi mong tatandaan iha lahat ng bagay ay may dahilan marahil nangyari ang mga ito para mas mapalakas pa ang loob mo o nyong magkapatid, kaya sanay huwag mong hayaan na masira lang ito ng dahil sa mga problema dahil maaaring  mawalan din ng saysay ang pagkawala na iyon kung hahayaan mong lamunin ka nito"nakakainspired talaga ang lahat ng sinasabi nito..

Maaaring ganun nga talaga ang nakatakda para maging malakas kami/ako..Naiintindihan ko ang gusto nitong ipahiwatig na dapat huwag tayong papadaig kung ayaw nating may masayang muli..Napakalaking tulong na ang bawat salita na sinabi nito hindi man ako nagkaroon ng limpak limpak na pera na puno naman ako ng lakas at pagasa, Nagpapasalamat naman ako dito..



"Maraming salamat po Aling pasing"nakangiting sabi ko dito.."Naku walang ano man..Nga pala kailan mo gustong magsimula iha?"tanong nito at ngumiti din..

"Ah pwede po ako mamayang hapon dahil sa ngayun po kasi ay maghahanap pa po ako ng labahin haha kailangan po eh para kay bunso"sabi ko naman dito.."Napakasipag na bata mo talaga at mapagmahal, Napakaswerte naman ng boypren mo"natutuwang sabi nito...Boypren daw? Haha patawa si Aling pasing oh!."Naku aling pasing wala po akong nobyo"pagtatanggi nito.


"Talaga? Naku sa ganda mong iyan at kabaitan wala ka man lang nobyo?"gulat na sabi nito.


"Wala po talaga"pagtanggi ko pa ulit..

"Ganun ba?..Nga pala ipapadala ko nalang kay andoy yung mga labahin para di kana dumaan pa dito"suhestyon nito.

"Maraming salamat po Aling pasing!"magiliw na sambit ko dito.."Walang ano man iha., Sige na't lumakad kana ulot ng makauwi ka kaagad para makapagpahinga"saad nito.


"Sige po..Bye aling pasing"sabi ko dito..



Agad na akong naglakad para pumunta kila tita..


When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now