Nang makauwi na ako hindi ko maiwasang mapaisip kung anong nangyayari kay Kaisser bigla ata siyang bumait at hindi lang yun parang may nagbago sa mga mata niya the way na tignan niya ako. Don't get me wrong kung ano man yang iniisip niyo hindi yun yung tinutukoy ko (A/N: Ikaw lang naman nagiisip ng ganyan Haha!) So yun nga parang may nagbago kasi sa mga mata niya parang may nakikita siyang hindi ko nakikita hay! Basta yun na yun haha..
"Bakit ba iniisip ko pa yun? Wala lang yun okay!" Sabi ko sa sarili at nagtalukbong ng kumot..
"Ah eh achii sino kausap mo?"nagtatakang sabi ni Bunso, agad ko namang tinanggal ang pagkakatalukbong at pasimpleng ngumiti sa kaniya at nagtalukbong ulit..
Omo! Nakakahiya ka Acielle! Ano bang nangyayari sayo?..
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil na din siguro sa pagod, bukas ko nalang proroblimahin yung part time job ko.. Sana lang talaga..
KINAUMAGAHAN nagising ako dahil sa ingay ng alarm ng cellphone ko (Poor lang po kasi ako at wala kaming orasan) Feeling ko magigung maganda ang araw ko ngayun lalo na't nakatulog ako ng maayos..
Nagsimula na akong magaayos para pumasok pero bago yun kumain muna kaming magkapatid at tulad ng dati hinabilinan ko siyang inumin ang gamot at huwag masyadong magpagod..
"Achii meron pong sasakyan sa labas!" Nagtaka naman ako sa sinabi ng kapatid ko..
"Baka sa kapitbahay lang yan at nakiparada lang hayaan nalang natin bunso"sabi ko naman at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan..
Naku naman! Dapat ba magpabayad na ako sa mga pumaparada sa tapat namin? Sayang pera din yun..
"Achii! May lumabas na gwapong lalaki!!!" Nagtititili na sabi ni bunso..wait! Gwapo daw?..
"Gwapo? Nakakapagtaka naman yun eh wala namang anak na lalaki sila Nanay Felidad?" Sino naman kaya yun? Masilip nga..
Lumapit ako kung saan nakapwesto ngayun ang kapatid ko.. Totoo nga! May sasakyan ngang nakaparada sa tapat namin pero gwapo? Baka sa iba lang kasi para sakin hindi -__- akala ko naman kung sino na si Bato lang pala.. Wait?! SI KAISSER?! Ano namang ginagawa niya dito? Waaah! What to do? What to do?
"Achii kilala mo ba siya? Bakit parang gulat na gulat ka?"tanong ng kapatid ko..
Wait chill lang baka naman di ako ang pinunta nito masyado naman akong pilingera kung ganun..
"Ah eh oo kilala ko siya classmate kami hehe"sabi ko at bimalik na sa dating ginagawa..Wew!
Napainom naman ako dahil sa feeling ko may nakabara sa lalamunan ko ng magsalita ang kapatid ko.
"Achii gusto mo po ban-" Nasamid naman ako dahil sa tanong nito.."Ehem! H-huh? Ano bang sinasabi mo dyan bunso haha nagpapatawa kaba?? Naku ako magkakagusto dun? Kahit pumuti ang uwak never magyayari yun! Hahahaha grabe ka magj-joke bunso hahaha nakakatawa!"sabi ko with matching palo pa saking binti..
"Ah eh achii wala naman po akong sinabing gusto mo siya eh hihi" Ano? Wala daw kasasabi niya lang kaya yun naku kabata bata palang eh makalilimutin na si bunso haha..
"Kasasabi mo lang kaya kanina bunso hehe" hindi naman ako namali ng dinig diba? Diba?
"Achii wala akong sinabing ganun, ang sabi ko kung gusto mo bang papasukin ko siya kasi achii ang init init sa labas"
Okay hindi ko alam kung paano ko ieexplain ang sarili ko pero ang masasabi ko lang sa sarili ko ang SYONGA KO! Malay ko bang yun pala yung sinasabi niya..

YOU ARE READING
When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]
FanfictionThis story is a fan fiction. This story is for those people who love SungHyun (Sungjae & Sohyun. I was inspired because of them kaya ginawan ko sila ng story kaya dun sa mga na second malead syndrome dyan basahin niyo na to! Lol! Promise sa istoryan...