A/N:
Magandang balita mga meloreaders! Dahil sa sinisipag ako susubukan kong pahabain ang istoryang ito para hindi masyadong bitin.. Balak ko din sanang gumawa pa ng isang story kaya hinihiling ko lang na sana Magvote kayo ngmagvote para ituloy ko pa ito and please magcomment din kayo..
Yung lang! Thank you!😘
______________________
Ac's P.O.V
Hanggang ngayun ay hindi pa din ako makapaniwala na nagkakaganito ang kapatid ko, hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pangaraw araw na gamot ng kapatid ko at higit sa lahat pambayad sa hospital bill.. Feeling ko mabibiyak na yung utak ko kakaisip
"Iha umuwi kana muna kaya para makapagpahinga ka naman? Buong gabi kanang nandito wala kapang pahinga" sabi ni tita.. Tama kayo ng narinig magdamag ako dito at wala pa akong tulog.. Hindi ko lang kasi matanggap na nagkakaganito yung kapatid ko! Napaka bata niya pa eh!
"Hindi pa naman po ako pagod tita dito nalang po muna ako" pagtanggi ko at hinawakan ang kamay ng kawawa kong kapatid..
"Pero iha hindi kapa nakakapagpahinga! Ni hindi ka pa nga kumakain.. Magpahinga kana muna ako ng bahala sa kapatid mo hindi ko siya pababayaan"sermon sakin ni tita kaya wala naman akong nagawa kundi ang umalis para umuwi..
Hindi na pala ako nakapasok hayst! Mabuti siguro kung magbigay ako ng excuse letter para sa hindi ako maalisan ng scholar ship..
Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay agad na ako naligo at kumain tulad na din ng sabi ni tita..
Matapos kong kumain ay dumaretso na ako sa school para ibigay ang letter ko sa aming prof.
Habang nakasakay sa jeep hindi ko maiwasang magisip kung san ako kukuha ng pambili ng gamot at pambayad sa hospital bill ni bunso.. Ayaw ko namang humingi nanaman kila tito dahil sobra sobra na ang nabigay nila sakin at sa kapatid ko nakakahiya na..
At sa wakas na karating na din ako.. Break na pala ngayun panigurado nasa office na si prof..
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa office ni prof.
Kumatok ako bago pumasok pero wrong timing ata dahil may kausap ito..
Babae? Mukhang kasing edad ko lang ito at may magandang pangangatawan at kutis.. May pagkabrownish din ang kaniyang buhok..
"Oh Ms.Gonza? Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka din pumasok"sunod sunod na sabi ni prof.
Napalingon naman ang babaeng kausap nito and ang masasabi ko lang..
Sobrang ganda niya..
"Ah excuse lang Ms.West kakausapin ko lang ang student ko"paalam nito at agad na tumayo para kausapin ako.. Bakit parang kabait naman ni prof. Sa kaniya ang mas nakakagulat pa parang may paggalang sa mga mata nito.. Weird..
"Ms.Quez Gusto ko lang po sanang magpaalam dahil sa hindi pagpasok.. Gusto ko din po sanang ibigay tong letter na to para sa pag absent ko sana po ay naiintindihan niyo"magalang na sabi ko.. Binasa naman niya ito at kunot noong tumingin sakin..
"May sakit ang kapatid mo? Pero ba't ikaw ang aabsent? Hindi ba dapat siya lang? Meron naman siguro kayong magulang na magaalaga sa kaniya" nalungkot naman ako sa sinabi nito.. Yun na nga prof. Eh wala kami nun.. Gusto ko sanang sabihin yan pero mas pinili ko nalang na hindi..
"Ah wala na po sila Ms.Quez kami nalang pong dalawa ng kapatid ko"pinigilan kong pumiyok dahil ayaw kong kaawaan ako..
"Oh my! Sorry to here that, sige you can go now" nakikita ko sa mga mata nito ang pagkaawa kaya naman tumalikod nalang ako dahil ayaw kong kinakaawaan kami..
YOU ARE READING
When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]
FanfictionThis story is a fan fiction. This story is for those people who love SungHyun (Sungjae & Sohyun. I was inspired because of them kaya ginawan ko sila ng story kaya dun sa mga na second malead syndrome dyan basahin niyo na to! Lol! Promise sa istoryan...
![When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/143949548-64-k242020.jpg)