Chapter 28

2.3K 79 3
                                    

Unti unti itong lumapit sakin na para bang may gagawing masama kaya tulad ng ginawa ko sa kaniya para tumigil siya sa paglalakad hinarang ko ang mga kamay ko para pigilan ito..

Napapikit naman ako ng marealize na hawak ko ang dibdib niya..Sh*t!

"Ah ehem! Pwede ba wag kang lumapit!"

"Finally hindi na nakakunot yang noo mo..I hate seeing your face when you do that, you look ugly"sabi nito sabay poke sa noo ko..

Ang kapal talaga ng mukha niya! Panget ka! panget! Gusto ko sanang sabihin yan pero baka ako pa mapahiya -__- "Oh? Tapos? Anong gusto mong gawin ko? Aba! Ikaw ang mag-adjust! Ako ba ang nakakakita? Diba ikaw? Pumikit ka kung ayaw mong makita, at isa pa hindi ako panget! Alam mo bang madami akong tagahanga sa village namin? Hah! At alam mo ba? Walang wala ka sa mga yun! Bwisit!"

Nakakaasar talaga siya! Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ng panget! Totoo yung sinabi kong marami akong tagahanga sa village namin at totoo din walang wala siya sa mga yun, well pwera lang sa mukha dahil ayaw ko man sabihin pero mas gwapo siya kumpara sa mga yun pero wala akong paki! Mas mababait at gentleman naman ang mga yun pwera lang yung mukhang adik na iba -__-..

"Hey! Anong walang wala ako sa mga yun?! For your information nangunguna ata ako sa listahan ng mga gwapo at mayayaman kaya impossible yang sinasabi mo! If I know nagsisinungaling kalang!"

"Hahaha nagpapatawa ka ba? Kung oo pwedeng tumawa? Havey na havey ka eh! Nasabi ko lang naman na mas angat sila kasi mababait sila di tulad mo na wala ng ibang magawa kung di mang-api at manakit ng damdamin!"sabi ko at umalis na..

Bwisit na hinayupak yon akala mo kung sino! Eh ano kung gwapo siya? Wala namang good atittude at ano naman kung mayaman siya? Kung saksakan naman ng panget ng katauhan niya! Pwe! Bad trip siya!

Lord bakit niyo po ba pinagtagpo ang landas namin? May na gawa po ba akong masama? Huhu Feeling ko tatanda ako ng maaga, gusto niyo po ba yun? Edi wala ng magkakalat ng kacutan sa mundo oras na tumanda ako huhuhu..

Hays sana talaga di ko na siya nakilala puro sakit sa ulo ang dulot niya sakin >__<

I want a peaceful life!

After ng first subject pumasok na ako sa klase ayaw ko ngang mapaoffice at magkarecord sayang ang pinaghirapan ko kung nangyari yun..

"AC MY LOVE!!!"sigaw ng pamilyar na boses..Ano pa nga bang bago? Syempre si Kenjie yun with his irritating voice and callsign..

"Saglit lang akong nawala may bago ka nanamang tawag sakin? Tiyaka pwede ba wag ka ngang sumisigaw nakakahiya ka!"

"Eh Ac my- este Ac namiss lang naman kita masama ba yun?" He say with matching pout..

"So anong pinapalabas mo na araw araw mo akong miss? Naku baka inlove kana sakin hah wag uy di tayo talo"pagbibiro ko sa kaniya, kung may sakit sa ulo syemre meron ding stress reliver haha..

"Ac alam kong cute ka pero hindi kita type.....pero kung mapilit ka talaga pwede na din hahahahhaha"

May toyo din ang isang to tsk! tsk!..

"Wateber!" Pangsasawalang bahala ko sa sinabi niya..

"Yieeeh! Kinilig ka na niyan? Naku! Sabi na eh gwapo talaga ako at walang makakaresist sa gwapo kong mukha hohoho" tuwang tuwang sabi nito..

"Mangarap ka! Hindi kita type wag kang magalala pss! Makakahanap ka din ng katapat mong kolokoy ka, so just wait and see"

Mali ako alam ko namang nahanap na niya ang katapat niya hehe anong akala niya di ko napapansin? Ugok siya hahaha

When Ms.Nobody meets Mr.Popular [COMPLETE]Where stories live. Discover now