Nakatunga-nga ako sa aking kwarto at Parang timang na umiiyak habang tumatawa.
Hindi ko naiintindihan kung bakit nagawa niya iyon sa akin, Bakit?
Bakit kasama niya ang babaeng 'yon? Akam na alam niyang kinamumuhian ko to the highest level ang bruhadilyang yon.
Hindi ko alam anong gagawin... Umiiyak ako dahil hindi ko matanggap na magkasama sila..Hindi ko matanggap na ang saya-saya nilang dalawa, Bakit? Bakit hindi niya sinabing nasa mall lang siya at Wala pala siya sa Makati para sa trabaho. Bakit siya nagsinungaling at piniling makasama ang manlolokong babaeng 'yon kesa sakin?
Tumatawa ako dahil bitter ako... Shit.
Lahat nalang idadaan niya sa charms niya..May-Pa-Demure-Demure pa Ahas naman pala. Fck Frances Di ka ba pwedeng mawala sa earth? Hindi ba pwedeng pumunta ka sa ibang lupalop ng Planet Earth para hindi ko makita ang pangit kong mukha?
Pikit-Mata kong Hiniling na sana hindi totoo ang aking nasilayan kahapon.
Pilit kong hindi iyon alalahanin dahil unti-unti na akong nakararamdam ng Pagkasikip sa aking dibdib.
Hindi ko lubos na maintindihan kung ano ang rason para makipagkita si Jasper Kay Frances,
Bahagya akong napaupo sa gilid mg aking malaking Higaan, Itutulog ko nalang ulit 'to sa gayon hindi ko maramdaman ang sakit na nadarama ng aking puso.
~•Jasper•~
Pinaghandaan ko ang araw na ito.. Ito na ang araw na ipagtatapat ko ang aking matagal na hangarin, Ang makasama siya panghabang buhay.
Sabik na sabik na akong makita siya, Isa at kalahating araw ko na hindi nasisilayan ang kaniyang mukha,
Tumingin muli ako sa harap ng salamin upang masigurong presentable at pogi akong haharap kay Janessa.
Bigla akong nakabahan, May Nararamdaman akong hindi mabuti...Siguro ang alinlangan.. Na baka.. Hindi siya papayag sa aking alok,
Mahal namin ang isa't-isa at sa tingin ko dumating na kami sa takfdang oras upang maikasal, Nakita ko noon ang pagkasabik niyang makuha ang bouquet galing sa Newly wed bride sa tuwing may dadaluhan kaming pag-iisang dibdib.
Tsaka makakaya ko na siyang buhayin, Nang hindi nangangailangan magpatulong sa iba.
--------
Hindi ko matanggi ang Kaba na nararamdaman ko ngayon, Sinubukan kong kumatok pero walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan ang pintuan. Tss...Napakacareless talaga nitong babaeng 'to, Delikado na ang Panahon ngayon, Baka pasukin pa siya ng mga Magnanakaw.
Agad akong dumiretso sa kaniyang kwarto.
Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto ng kanyang silid.
Hindi inasahan ang nakita ko.. Janessa..
She's breathing hardly at pawis na pawis na siya..At nayukom ang kamay niyang nakahawak sa kanyang dibdib.
Sht. What's Happening?
Hindi ko alam ang gagawin ko..Nakapikit parin ang kaniyang mga mata..
Kapit lang Janessa.
Agad akong pumara ng Taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na Ospital.
----------
"Jasper, Nasaan si Jessa?" Tanong ni Tita Jean, Agad silang pumunta rito nang nabalitaan nila ang nangyari "Nasa loob po" Magalang na sagot ko..
"Iho, Anong nangyari kay Janessa? Bakit inatake muli ang kanyang puso?" Tanong ni Tito Frank.
"Sa totoo lang po, Hindi ko rin alam..Hindi ko alam kung bakit nangyari ulit yon...Wala akong ideya" Sagot ko kay tito frank
Na-fr-frustrate ako. Hindi ko kayang makita siyang ganoon ang kundisyon, Parang.. Natatakot ako na baka ako angbrason na nagkaganon siya,
Di ba sabi ng Doctor noon na safe na siya? na maliit na lang ang tyansang atakihin muli siya sa puso?
Lumabas si Tita sa isang silid kasama ang Isang Doctor, "The patient is now recovering, Medyo stable na ang Kondisyon ng puso niya, Pero iwasan lang niya ang stress. Mahirap na kapag atakihin siya muli, Its very dangerous.. She's really fragile, Ingatan niyo ang pasyente." Sabi ng Doctor, He excused his self at Pumasok na si Tita at Tito sa silid na kinaroroonan ni Jessa
"Anak? Ayos ka na ba?" Isang maliit na tango ang binigay niya bilang sagot sa tanong ni Tita
"You! Get Out! I dont want to see your face!" Sigaw niya... Ako?
"Wait. Ano? Bakit?" Sagot ko, Nalilito ako sa mga nangyayari..
"Leave me alone you lying bastard!"
Hindi ko alam ang gagawin ko, Ano ang ginawa ko? Bakit galit siya sa akin? Wala akong magawa, Nanatili akong nakatayo doon
"Iho, Umalis ka muna para sa ikabubuti ni Jessa" Tugon ni Tito sa akin, Wala na akong magagawa..para sa ikabubuti ni Jessa.
Kahit gusto kong unawain at malaman ang dahilan ng kanyang galit sakin hindi ko magawa...
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart (Under Renovation)
Roman d'amourIm Janessa Marguelle Espinosa, im a BROKEN HEARTED GIRL sawi ako sa pag-ibig, Not once but twice, but this man came and tried to fix everything, including my heart, He did fix it but was I ready to open it for him? Could I learn to love him, despite...