Ang Masokista at Sadista

4.9K 47 5
                                    

Nakaharap na naman ako sa screen ng laptop dito sa mesa ko, tinitingnan ang mga picture niya – ni Tee. Ang mga mata niyang mapupungay at singkit; ang matangos niyang ilong; ang labi niyang nanghahalina sa tuwing titingnan ko. Lahat ng iyan ang nakikita ko sa kaniya.

Alam kong dapat na akong tumigil sa kabaliwan kong ito, pero siya lang ang nagbibigay-saya sa mundo kong puno ng kalungkutan. Alam kong hindi ko na siya halos abot-tanaw, pero masaya na akong nakatingala sa kaniya na para bang isa siyang bituin sa langit.

Kinuskos ang mga mata ko at bigla na lang may kumatok sa pinto. Narinig ko ang boses at si Mama lang pala.

Sinara ko agad ang laptop ko nang makapasok na siya.

“Anak, kakain na tayo,” paanyaya niya sa akin.

“Susunod na lang po ako.”

Pagbaba ko ay napansin ko na naroon na ang mga Kuya at Ate ko, nakaupo. Inirapan na lang ako ni Ate Chai. Si Kuya Pen naman ay masama ang titig sa akin. Tanging sina Ate Dara lang, si Papa at Mama ang nagagalak sa akin. Sina Ate Sarah at Kuya Carlos naman ay halos hindi na ako tinitingnan.

“Pabebe,” bukambibig ni Ate Sarah.

“Ang arte-arte,” ani Kuya Pen.

Humingi na lang ako ng paumanhin at kumain na kami. Sina Mama at Papa naman ay nagkukuwentuhan. Sa totoo lang, halos silang lahat. Ako naman, ito at hindi nila napansin na matatapos na akong kumain.

Patuloy lang silang lahat sa pagdadaldalan, habang ako naman ay nakapaghugas na ng pinagkainan ko. Umakyat na lang ulit ako sa kuwarto ko at binuksan ko ulit ang laptop ko. Sa gulat ko na lang ay napansin kong may nag-add sa akin sa Facebook. Si Tee.

Ilang oras na akong nakatitig sa screen ng laptop ko at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako in-add. Pinipilit ko pa ring intindihin dahil 30 lang naman ang nasa friends’ list ko. Bakit kaya?

Para malaman ang dahilan ay in-accept ko na lang ang friend request niya.

Masaya na ako sa ganito at kahit papa’no ay may nagdurugtong na sa aming dalawa; kahit sa Facebook lang.

Pumasok na ako sa eskuwela at ang ganda ng sikat ng araw na bumabanda pa sa bawat dahon na nalalampasan nito. Nakatanaw lang ako mula rito dahil iyon na lang yata ang kagandahan na halos nagpapaiba ng nararamdaman kong masakit. Halos lahat sila ay nag-iingay at wala namang kumakausap sa akin.

Nilabas ko na lang ang notebook ko at saka nag-review ng mga notes na sinulat ko pa no’ng isang gabi. Tungkol ito sa laws of gravity. Tinitingnan ko pa rin mga notes ko nang biglang tumahimik ang klase. Alam ko naman na kung bakit.

Pumasok na pala si… Tee?

Naririnig ko na naman ang mga daldalan sa kamalasan ba naman ng pagkakataon ay wala nga pala akong katabi. Napatingala na lang ako sa kaniya at napansin ko na lang na nakaupo na pala siya. Nilibang ko na lang ang sarili ko at nilingon ko na lang labas ng bintana.
Bumibilis ko na lang ang tibok ng puso ko. Parang umiinit ang katawan ko, hanggang napayuko na lang ako dahil sa nahiya na lang ako.

“Excuse me,” pagtawag niya sa akin.

“Ano po ‘yon?” tanong ko naman.

“Do you have notes for laws of gravity?”

Inabot ko na lang ang notebook ko at nilabas ko na lang ang isang libro. Nagbasa na lang ulit ako. Ini-imagine ko na lang na masaya na rin ang ganito.

Tanghalian. Maulan na naman. Malamig ang paligid. Nasa shed ako at kumakain ng isang pirasong pan de sal habang nag-re-review. Napangiti na lang ako sa sobrang tamis at ramdam ko ang bawat kagat! Bigla na lang may mga umupo rito kasama ko.

Mahaba Ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon