Nagmadali akong umuwi galing sa simbahan. Sumakay agad ako sa dyip pabalik sa kalye ng bahay namin. Nakakakaba. Nakakabahala. Pakiramdam ko ay binibiro lang ako ni Ate Dara. Kahit na tumatagaktak na ang pawis ko ay sige pa rin ako sa paghihintay.
Napapaisip na nga ba ako kasi wala naman siyang alam sa kanilang dalawa. Kaya sa tingin ko, totoo ngang naroon sila ngayon.
Nang makarating na ako sa kalye namin ay nabanaag ko na lang mula sa tarangkahan si Ate Dara. Naroon siya at nakangisi pa na parang aso. Sinalubong niya na ako at halatang tuwang-tuwa sa akin.
"Ang ganda mo talaga, Kapatid!" pang-uuyam niya pa sa akin.
"Ate naman! Hindi naman po ako gusto ng dalawang 'yon. Baka nga po ikuwento nila sa iba na may gusto ako sa kanila," angal ko sa kaniya.
"Hindi naman sila mukhang gano'n. Ang gagalang nga, e. Baka nagpapa-impress lang sa amin."
"Malamang sa malamang ay gano'n na nga po."
"So, tinatanggap mo na rin ang katotohanang may mga manliligaw ka?" pagbibiro niya na naman sa akin.
"Ate Dara naman, e!" atungal ko pa.
"Hay, naku! Ikaw talaga. Kung wala ka namang gusto sa kanilang dalawa, puwede mo namang sabihin na hindi. Pero ramdam ko na mahihirapan ka kasi ikaw 'yung tipo na hindi nilalayuan ng mga tao."
"Sa totoo lang, ang hirap po ng ganito. Hindi po kasi ako sanay sa mga ganitong kaganapan."
"Bakit? Wala bang nanligaw sa iyo dati?"
Napabuntong-hininga na lang ako. "Ate, wala pong ganoon pagdating sa akin dahil nga po ang pangit ko."
"Tumigil ka diyan sa pagsasabi mong pangit ka. Ano pa kami kung pangit ka, uod?"
Nagtawanan na lang kaming dalawa at nang marating na namin ang likod bahay, naroon nga... sina Tee at Leo, naka-dekuwatro pa at mga nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Magandang umaga sa inyo," bati ko sa kanila.
"Magandang umaga rin!"
Parang nagpapaligsahan pa sila sa pagbati sa akin. Nabanaag ko na parang ang sama ng titig nila sa isa't isa.
"Oo nga pala. Naparito kayo?"
"Kasi... wala lang. Gusto lang kitang makita," sabi ni Leo.
"Sus! Kanina diyan, ang dami mong stolen pictures niya. Tapos ngayon, tameme ka," pabubunyag ni Tee sa kaniya.
"Ikaw rin kaya. In-add mo nga sa Facebook kasi naghahanap ka ng pictures niya," pagbubunyag din ni Leo kay Tee.
"Lul! Kaibigan ko 'yong tao. 'Di kagaya mo, tirador ng mga magagandang babae at bading sa Recto."
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa habang papaupo pa lang ako. Mantakin mo ba namang walang preno ang mga bunganga nila.
Umubo na lang si Ate Dara.
"Kayong dalawa, ha. Kung ang ipinunta niyo lang dito ay ang mag-away sa harap ng kapatid ko, lumayas na kayo," saway niya sa dalawa.
"Pasensya na po," sabay nilang sabi.
"O, siya, papasok muna ako sa loob at maghahanap lang ako ng cookies at maiinom."
"Ate, ako na lang po."
Patayo na ako nang pinigilan niya ako. "Zen, marami ka nang masyadong ginagawa rito sa bahay. Get some rest and talk to them, okay?"
"Opo." Tapos ay tumango na lang ako.

BINABASA MO ANG
Mahaba Ang Gabi
General FictionAng nobelang itong ay nangangailan ng maigting na pagsubaybay ng mga nakatatanda't mga eksperto. (R-16) Si Zen, isang ulila at lumaki sa lugar kung saan ang nagtatagong dulo ng mundo - ang impyerno sa ibabaw. Ang talinhaga ng buhay ay nananatiling m...