Paalala: Ang larawang ginamit ay depiksyon lamang po para sa pangangatawan at mukha ni Tee. Ang pangkalahatang karapatan ay nasa may-ari ng larawan.
Muntikan na akong madulas sa dinner kagabi. Aminado ako sa sarili ko na may nararamdaman na talaga ako kay Zen. Hindi ko nga lang alam ang sasabihin nina Phil kapag nalaman nila 'to. Wala na akong iba pang naiisip kung papa'no ko 'to i-o-open sa kanila kun' 'di aminin na sa kanila.
Tinawagan ko si Phil. I told him that I'd meet him after I finished hitting the gym. But the question is: Why Phil? Sa lahat kasi ng kabarkada ko, siya lang ang hindi aloof sa mga bading. Mantakin ninyong may girlfriend pero hinalikan ang kaklase naming bading as his wish at the time. He was just curious, he said. Tapos nalaman ko pa na bisexual pala si Bea. Kaya naman pala okay lang. Ang nakakagulat pa e nalaman ko mismo kay Phil na sini-ship pala siya nito sa ibang bakla sa campus. Game naman ang gago, kaya nalalait na bading, pero tatawanan niya lang kasi wala siyang pakialam.
Treadmills na para akong hamster.
Buhat dumbbells.
Hatak dito.
Squats.
Push-ups.
Hanggang sa natapos ko na ang mga pinapagawa ni Coach Joe, agad-agad naman akong naligo. On my own amusement, I followed the two guys in front of me and they are pinching each other's butt. Bakit natutuwa ako ngayon sa ganito? Samantalang dati e isumpa ko na ang mga bading. Pero ito ako ngayon, nahuhulog na kay Zen.
Puñetang buhay 'to.
Naligo na lang ako at saka nagbihis. Tinawagan ko agad si Phil. Nakaalis na ako sa gym at saka sumakay ng LRT papuntang Gilmore. Tagaktak na naman ang pawis ko dahil sa kaba. Naghahalo ang lamig at init sa katawan ko ngayon. Natatakot na naman ako sa ganitong kaputanginahan e. Aamin na ba ako kay Zen? Pag-iisipan ko muna siguro. Baka naman kasi hindi niya rin ako gusto dahil wala pa rin siyang tiwala sa akin.
Nasa Robinson's Magnolia na ako. Nakita ko si Phil na nakaupo sa malapit sa isang food stall. Bumili na rin pala siya ng makakain.
"Bro, you're here," aniya.
Umupo na ako at nagpunas ng pawis. Nakakakaba na kasi ang ganito. Ngayon pa lang ako nahulog sa kapwa ko lalake. Bakit ganito? May mali na ba sa akin? Lahat ng mga naiisip ko, baka si Phil ang may sagot.
"What did you call me for?" tanong niya.
"I want to talk about something... gay?"
Kumunot ang noo niya.
"What do you mean?"
"I would just like to ask how it feels to like another guy?"
"Oh, you mean..."
He points at us. Hindi ko rin alam ang isasagot ko, kaya tumango na lang ako. Naghahanap pa rin ako ng mga salitang sasabihin ko. This is so crucial to me. I still need to pass through his judgment.
"I knew it," aniya.
"How?"
"Kay Zen ba 'to, bro?"
"Yeah."
"Well, bro, ang masasabi ko lang is you need to really know where your heart swings. It is a hard decision to go through."
"How can I get through with this?"
"You need to know if your intention for him is true. Baka mamaya out of awa lang ang nararamdaman mo."
"Aaminin ko na. I am always jealous when he is with Leo. I want to be that guy who would make him happy. I want to be the person that can make him feel safe and sound. There, I said it."
BINABASA MO ANG
Mahaba Ang Gabi
Ficção GeralAng nobelang itong ay nangangailan ng maigting na pagsubaybay ng mga nakatatanda't mga eksperto. (R-16) Si Zen, isang ulila at lumaki sa lugar kung saan ang nagtatagong dulo ng mundo - ang impyerno sa ibabaw. Ang talinhaga ng buhay ay nananatiling m...