Katalamitam ko sa telepono si Kuya Jude noon habang naggagala kami nina Tee, Leo at Ate Jenny. Nagtataka ako kung bakit niya tinatanong kung nasaan kami. Sinasabi ko naman kung saan. Ewan ko ba, pero may kutob ako na may iba pang mangyayari ngayong gabi. Isa-isa na namang bumalik sa gunita ko ang mga kahindik-hindik na karanasan din ng ibang batang katulad ko sa Pampanga at Tarlac. Aaminin ko na ayaw kong maniwala na nasisikmura ni Kuya Jude ang makipagtawanan kasama ang mga kilalang pulis na sinasabing protektor ng mga iligal na pasugalan.
Iba ang hiwatig ng boses ni Kuya Jude, pero ilang beses ko nang narinig ang ganito niyang tono – malambing na tipong nag-aaya ng isang taong dadalhin niya sa dilim. Siguro ay lahat ng akala ko kay Kuya Jude ay mali. Ewan ko rin ba kung bakit tila handa ang katawan ko sa mga posibleng mangyari ngayong gabi. Nararamdaman kong kailangan nang wakasan ang ganitong danas.
Sa kabilang banda, nagtatawanan lang ang tatlo. Nagpapalitan ng mga kuwento ng kabataan nila. Hindi ako maka-relate, kaya ito at nasaktuhan pa ako ng tawag ni Kuya. Hindi ko lang masabi kina Leo ang lahat dahil alam naman nilang hindi naman nakakabagabag kapag kausap ko siya.
"Zen, Babe, kanina ka pa text nang text," pagtataka ni Tee.
"Si Kuya Jude kasi kinukumusta ako. Pupunta raw siya rito sa Maynila sa susunod na linggo."
"Talaga? E di masaya ka ulit."
"Oo naman. Siya kasi ang isa sa mga kaibigan ko."
"Siyanga naman. Basta, enjoy-in lang natin ang gabi. Sayang."
"Walang anuman, Babe."
"Okay lang."
Isa ito sa mga huling sandali na naalala ko bago ako nasadlak sa isa na namang karima-rimarim na tagpo sa buhay ko. Hindi lingid sa lahat na danas na danas ko ang panghahalay at panggagahasa. Masakit mang isipin, pero parang nakadikit na sa buhay ko ang ganitong karanasan. Pasalamat na lang ako at hindi pinararanas sa akin ni Tee ang ganoong kaganapan. Pero ngayon, nakatitig na lang ako sa kisame. Naririnig ko pa rin ang mga halakhak nilang dumadagundong sa lalim ng mga boses nila. Iyon ang iniwan nilang mensahe habang papalabas sila sa pinto ng kuwartong ito.
Parang kanina lang at nasa Gastambide kami, nagtatawanan matapos naming dumaan sa FEU. Nakabungisngi si Tee dahil natatawa pa siya sa mga kuwento ni Jenny – mga sabaw moments sa trabaho. Sa kabila ng liwanag ng kalye, parang unti-unting napapanglaw ang paligid. Iilang sasakyan at dyip na lang ang dumaraan. Bigla-bigla namang may humarang na Fortuner sa harapan namin. Lumabas ang limang lalake na pawang malalaki at malalaman ang pangangatawan. Balbas-sarado at malilinis ang gupit ng buhok, na siya namang ikinarimarim ng titig nila sa akin. Walang nagawa si Tee dahil binugbog na siya at si Leo rin ay nadamay. Si Ate Jenny naman ay sinapak nang malakas sa tiyan, at nakahandusay na lang siya. Iniwan siya sa daan. Sinapak ako sa tiyan na siyang nagpahina sa akin. Binuhat na rin nila ako papasok sa sasakyan.
Sinilid sina Tee at Leo sa likuran. Agad silang umalis at winarak nila ang damit ko. Narinig ko ang sinabi ng nagmamaneho – makakaganti na rin sila kay Tee. Pero ang nagpatulala sa akin nang sinabi nilang tiniktikan pala sila ng isang pulis galing Angeles. Nabanggit nila na Jude ang pangalan. Nanlumo ako dahil minamanmanan niya pala ako nang hindi ko alam. Hindi ko rin kasi mapagtiwalaan ang kutob – kadalasang mali ako.
Nararamdaman ko ang bawat latak ng laway nila at ang dampi ng mga tuyot nilang labi. May iba na amoy alak pa. Nakakasulasok dahil amoy suka pa ang isa sa mga humahalik sa leeg ko. Naririnig ko ang mga sumunod pa nilang sinabi. Papatayin nila ako dahil iyon na rin ang utos ni Kuya Jude sa kanila.
Natulala na lang ako sa isang banda. Tulog pa rin ang sina Tee at Leo na pawing nakagapos sa likuran nitong Fortuner. Tumugtog na naman ang Gymnopedie No. 1 sa isip ko. Ang kamunduhan ay walang pinipili kun' 'di ang mga inosenteng katulad ko. Buong buhay ko, madalas na nagmamakaawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Mahaba Ang Gabi
Fiksi UmumAng nobelang itong ay nangangailan ng maigting na pagsubaybay ng mga nakatatanda't mga eksperto. (R-16) Si Zen, isang ulila at lumaki sa lugar kung saan ang nagtatagong dulo ng mundo - ang impyerno sa ibabaw. Ang talinhaga ng buhay ay nananatiling m...