Mahal Kita.

315 11 2
                                        

Nag-usap na kami ni Leo. Naawa ako sa kaniya dahil alam niya raw na sa una pa lang daw ay talo na siya kay Tee. Sinabi ko sa kaniya na mahal ko rin siya, ngunit bilang isang kaibigan lamang. Mahirap para sa akin na gawin 'yon pero kailangan. Ayaw kong umasa siya sa wala. Ayaw ko ring magdusa siya dahil lang sa pinahaba ko pa ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

"Zen, okay ka lang?" pansin ni Ate Sarah.

"Hindi po."

"Bakit naman?"

"Pakiramdam ko po kasi nakasakit ako ng damdamin ng iba."

"Paano?"

"Kasi sinabi niya sa akin na gusto niya ako, pero sinabi ko na hindi siya ang nilalaman ng puso ko."

"Ano ka ba naman? Ayos lang 'yon, Zen. Mas mabuti nang sinabi mo kaysa hindi. Mas mahirap 'yon."

Inakbayan na lang ako ni Ate sabay haplos sa buhok ko.

"Tandaan mo: Hindi kalabisan ang pagsasabi ng totoo. Iyon ang nararamdaman mo. Hindi rin naman masama na may napupusuan kang isang tao. Inakala niya na ikaw na ang para sa kaniya, pero iba naman ang nilalaman ng puso mo. Nakalaan ka para sa iisang tao na kapareho mo rin ng nararamdaman."

"Ate, salamat."

"Keri lang, Zen."

Alam ko naman sa puso ko na si Tee ang gusto ko. Siya lang talaga at wala nang iba. Iba lang talaga ang pakiramdam kapag nakasakit pala ng damdamin. Hindi ko naman intensyon na gawin 'yon. Ang sa akin lang kasi, kaibigan ko rin siya – si Leo. Mahalaga din siya sa akin. Ayaw kong nakikita na nasasaktan siya nang dahil sa akin.

Kapag ganitong may tinik sa dibdib, naglilinis ako. Pakiramdam ko doon lang mawawala lahat ng ito. Kaya naman naglaba na lang ako ng mga damit ng buong pamilya. Naglinis ng bawat kuwarto. Matapos ang apat na oras, ito na ako sa kama at nakahilata. Pagod. Walang ibang kayang gawin kun' 'di ipikit ang mga mata at matulog.

Sa gulat ko, nagising na lang ako nang biglang tumunog ang telepono. Si Tee pala ang tumatawag.

"Hello, Zen?"

"Magandang hapon, Tee."

"Kumusta ka?"

"Ito, hindi ako mapalagay."

"Bakit?"

"Kasi nasaktan ko si Leo."

"Zen, okay lang 'yon."

"Paanong naging ayos lang ang gano'n? Nakasakit ako ng damdamin."

"I know that. Pero isipin mo rin ang sarili mo. 'Yan ka naman."

"Ang hirap lang ng ganito."

"I'm here outside your house. Gusto pa naman kitang makausap."

"Talaga?"

"Oo. Maghihintay ako rito."

"Sige, sige."

Bumaba agad ako at dumiretso sa tarangkahan. Naroon nga si Tee at naghihintay. Kasama niya si Leo. Naluha na lang ako bigla.

Niyakap ko si Leo at hindi ko na lang napigilan ang sarili ko.

"Patawad, Leo. Patawad. Hindi ko sinasadya."

"I know, I know. Hindi mo naman kailangang mag-apologise. Alam ko namang si Tee talaga ang gusto mo. Umasa lang din naman ako. Always remember that you deserve better than me. I realized that I am not the one you need. It's this motherfucker."

"Sorry talaga, Leo."

"Okay lang. Ikaw talaga. Isang iyak mo pa, aasa na naman ako."

"Pare, alam mo naman siguro," pagsingit ni Tee.

Mahaba Ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon