Wala Na Sila, Zen.

325 16 0
                                    

A las tres na ng hapon at naisipan ko nang magluto dahil para sa 30 tao ang iluluto kong ulam. Ang hatol ng buong klase: Sinigang. Buti na lang dahil nakakapagod magluto ng pansit at iba pang putahe na gusto ng klase. Nakakatuwa na ako lang ang mag-isa sa lutuan ngayon. Makakapagluto ako nang matiwasay.

Nagsaing muna ako ng 12 kilong kanin. Nilagay ko na agad sa isang kalan na binili pa ng school para sa okasyong ito. Maghihiwa na rin ako ng mga rekado, maliban sa baboy na napahiwa na sa palengke kanina. Nagpabili ako ng taro o gabi para lumapot nang kaunti ang sabaw. Tapos sampalok naman ang gagamitin kong pampaasim. Ayaw ko kasi nung mga nabibili sa tindahan. Ipiprito ko pa ang karne para naman malutong kapag kinagat ito. Naibabad ko na rin sa toyo at calamansi juice ang baboy. Ang bongga lang dahil may deep frier pang binili ang school. Ginamit ko na rin at saka nagprito. Nang maprito ko na ang lahat, saka na ako naggisa ng bawang at sibuyas, kaunting luya na rin para parang may oregano na paganap. Tapos saka ko na rin nilagay ang tubig at pinakulo ko muna. Nilagay ko na rin ang mga pinritong karne. Nilagay ko na ang sitaw, labanos, at iba pang mga sangkap. Nilagyan ko naman ng pandan ang kumulong kanin para mabango.

Natapos ko na rin ang sinigang na baboy. Tinikman ko at manamis-namis ang pagka-asim. Ito ang sinigang para sa akin. Napangiti na lang ako at pakanta-kanta pa. Pinapakuluan ko pa nang kaunti at saka ko na pinatay. Sandali pa at naluto na rin ang kanin. Kinumusta naman ako ni Mrs Garvo.

"Zen, tapos ka nang magluto?"

"Opo."

"Wow! In two hours, natapos kang magluto ng sinigang para sa 30 heads?"

"Sanay po kasi akong magluto nang pangmaramihan. Kaya kailangan ko rin pong tingnan ang oras."

"That is great! By the way, I called the boys to help you prepare."

"Sige po."

Nakita ko si Tee na nakasando at shorts lang. Hindi ko pa siya nakikita sa ganitong pananamit. Natuwa lang ako. Ang guwapo niya lalo! Pero mas natuwa ako nang sinusundan niya yata ang amoy ng niluto ko.

"Master! Ikaw lang ang magluto?" bungad na lang ni Kilo.

"Oo. Mas gusto kong nagluluto nang mag-isa."

"Naku, kung sabagay, baka maraming lalake ang bigla na lang lumuhod sa harap mo at mag-alok ng kasal."

"Ikaw talaga, Kilo!"

"Bakit? Totoo naman, Master. Nakakagutom na kaya ang niluto mo. Gusto ko nang kumain."

"Basta, paalala ko lang sa inyo: masisira ang diyeta ninyo. Tatlong araw lang naman tayo rito."

Natawa na lang ang mga lalake dahil karamihan sa kanila ay mga laman ng gym. Kita naman sa mga katawan nila. Siyempre, si Kenichi, kahit anong kain ang gawin e payat pa rin.

"Kenichi! Chance mo nang tumaba, 'tol!" pang-uuyam sa kaniya ni Tani.

Natutuwa lang ako sa kanilang lahat ngayon. Grabe. Sila na rin ang nagsalok ng mga ulam at kanina sa malalaking mangkok na may sari-sariling serving spoon.

Nagsilabasan na silang lahat. Kami na lang ni Tee ang naiwan dito sa kitchen area.

"Zen, how are you?"

"Maayos naman. Ikaw ba, nasiyahan ka ba sa paglangoy sa dagat kanina?"

Pakamot-kamot pa siya sa ulo niya.

"Oo, sobra."

"Parang hindi ka naman masaya?"

"Wala ka kasi... este... hindi man lang kita natulungan dito."

"Ayos lang naman, Tee. Basta makakain lang kayo, keri na ako ro'n."

"Basta, I got your back. I am here."

Mahaba Ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon