Ang Dagat, Si Tee, At Ang Mga Bagay Tungkol Sa Akin

469 13 0
                                    

Kagabi pa lang ay nakahanda na ang bag na dadalhin ko para sa outing ng buong batch. Sumama na lang ako kasi gustong-gusto ko talagang makakita ng dagat. Nagtataka na nga ba si Kuya Marcos na nagmamaneho ngayon kung bakit naiiyak ako.

"Kuya, ito lang kasi 'yung pinagdarasal ko sa buong buhay ko."

"Na alin?"

"Makakita po ng dagat."

"What? Hindi ka pa nakakapunta sa dagat?"

"Opo."

"Naku! Kung sinabi mo lang sana, noon pa lang e nagdagat na tayo. Pero no joke, hindi ka pa nakakita ng actual na dagat?"

"Opo, Kuya."

"Pasensya na kung busy kaming lahat. Babawi kami. Gusto mo magpunta pa tayo sa La Union para mas maganda ang dagat."

"Sige po, Kuya. Pero kung abala pa ho kayo, ayos lang po."

"Basta para sa 'yo, Zen, hindi kami magiging busy. Kung nagsasabi ka lang sana, wish granted na agad."

"Salamat po, pero ayos lang po talaga."

Nang maihatid niya na ako rito, bumaba pa talaga siya ng kotse para lang yakapin ako. Nararamdaman ko ang pagtanggap sa akin ni Kuya. Ito na 'yong pinakahihintay kong pagbabago sa buhay ko. Hindi na ako 'yung nabibiktima pa ng krimen dahil hindi ako tanggap. Ngayon ko pa lang naramdaman ang panandaliang kapayapaan.

"Zen, kapag may problema o magandang pangyayari, just call us."

"Opo, Kuya."

"Sige na. Papasok na ako sa trabaho. Enjoy your trip!"

Kumaway ako habang nagpapaalam. Nagngitian na lang kami sa isa't isa. Hanggang sa nakita ko na lang sina Henry at Vanne na papunta sa akin. Gulat na gulat sila nang malapitan na nila ako. Naalaala ko na lang na bagong gupit pala ako.

Si Ate Dara ang pumilit sa akin. Buti na lang at siyete ang gupit na napili ko dahil iyon daw ang pinakabagay sa mukha ko, ani Mama Barbie noong nasa Angeles pa ako. Si Mamu Rose ang gumupit sa akin kahapon.

"Wow, Zen! You really look amazing!" bulalas ni Vanne.

"Picture-an ko nga kayong dalawa," ani Henry.

"Sige," si Vanne.

Matapos 'yon e tiningnan namin ang picture. Ang galing kumuha ni Henry.

"Ang ganda nitong picture natin, Zen. Para akong may katabing anak ng AFAM e," si Vanne

"Grabe naman, Vanne. Hindi ba ako mukhang Pilipino?"

"Beh, sa hilatsa pa lang ng mukha mo, oo."

"Pero tanong ko lang, puwede naman sigurong lumangoy ng naka-leggings, no?"

"Oo naman, dagat 'yon, e," sagot ni Henry.

"Pero teka, pati ba naman sa dagat e mahaba pa rin ang suot mo, Zen? Beh, show some skin!" si Vanne.

"Ayaw ko, Vanne."

"Bakit?"

"Basta ayoko."

"Kung sabagay. Sa hubog pa lang ng katawan mo, mukhang maraming magkakasala."

"Sa payat kong ito? Hindi iyan, Vanne."

"'Yun na nga, e. Kahit na payat ka, balakangin ka. Some male hormones are hooting up! Tingnan mo na lang ang mga kumag na 'yon. They have been checking you out."

"Pero lalake rin ako."

"Instinct kasi, beh. Anything that is feminine-like would definitely be noticeable and could even catch their attention."

Mahaba Ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon