Paalala: Ang larawang ginamit ay para lamang sa depiksyon kung ano nga ba ang histura ni Zen. Ang lahat ng karapatan sa gamit o pagsasa-ayos nito ay nasa kumuha pa rin ng larawang ito.
Ang dami ko na rin palang naiwala. Parang nung isang beses lang e may girlfriend pa ako, pero ngayon ni may mag-alaga sa akin ay walang gumagawa. Ako na rin ang may kasalanan dahil kusa kong nilalayo ang lahat ng tao sa akin.
Isang sorpresa na lang ang dumating sa hospital room ko. Si Zen may dala-dalamg basket ng mga prutas na maaari kong kainin. Tapos may dala siyang isang kahon ng green tea. Ipapainom niya yata sa akin. Ayaw ko pa man din ng tsaa. Pero dahil siya ang may dala, iinom ko.
"Magandang hapon sa iyo. Napaano ka?" tanong niya habang nilalapag ang mga dala doon sa mesa.
"Na-sprain ang binti ko tapos nasugatan pa. Pagkasipa ko kasi tumama sa bakal ng gym equipment."
Lumapit siya sa akin.
"Mag-ingat ka sa susunod. Hindi maganda kapag nasasaktan ang katawan. Masasanay 'yan."
"Parang tayo lang 'yan. Alam kong gusto mo si Tee."
"Hala, hindi."
"Huwag mo nang itanggi."
"Sige na. Bahala ka na sa gusto mong isipin."
Kumuha siya ng upuan. Umupo siya at hinaplos niya ang buhok ko. Naaalala ko tuloy ang lola ko kapag inaalagaan niya ako tuwing may sakit ako. Hindi lang tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko e may kaibigang nagmamahal at nag-aalala sa akin.
Sa totoo lang, sa lahat ng hindi ko inisip na pupunta rito ay si Zen pa. Nahihiya nga ako kasi nakikita niyang mahina ang katawan ko.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Parang hindi mo naman alam. Nalaman kong na-ospital ka, sabi ng coach mo, at pinatawag niya pa ako dahil gusto mo raw na pumunta ako rito. Sakto naman at gusto ko sanang ibigay ang mga prutas na ito para magpasalamat sa iyo."
"Sa akin? Bakit?"
"Kasi kayo-kayo pa lang nila Vanne, Henry, at Tee ang naging kaibigan ko rito sa Maynila. Ang dami kasing bully, e. Pero pinipilit ko na lang ngumiti para masaya pa rin ang buhay ko."
"By the way, thank you."
"Ah... walang anuman."
Napansin kong nautal siya. Ramdam ko e kapag nakakarinig siya ng English words mangangatal na lang siya. Malimit ko lang siyang marinig magsalita nito. Madalas na Tagalog ang ginagamit niya. Pero nakikita ko na marunong pa siya ng ibang lenggwahe. Baka lang talaga mas komportable siya sa Tagalog.
"Oo nga pala. Kumusta school? Okay ka naman ba? Wala ka bang problema?"
"Maayos naman ang mga score ko sa quiz noong nakaraan."
"Buti ka pa, ang talino mo."
"Ikaw rin naman, a. Maalam ka sa bawat galaw ng pangangatawan mo."
"Pero ito ako ngayon, nakahilata at parang baldado."
"Ayos lang 'yan. Madalas namang may nangyayaring aksidente. Mag-ingat ka na lang sa susunod."
Ang dami na pala naming napag-usapan at hindi na namin namalayan na gabi na pala. Napapaisip pa rin ako kung bakit narito pa rin siya. Tapos na ang visiting hours. Baka dumating na sina Mama at Papa mamaya.
"Zen, 'di ka pa ba uuwi?"
"Wala naman yatang magbabantay sa 'yo. Ako na lang sana para naman hindi ka mahirapan."
BINABASA MO ANG
Mahaba Ang Gabi
Ficción GeneralAng nobelang itong ay nangangailan ng maigting na pagsubaybay ng mga nakatatanda't mga eksperto. (R-16) Si Zen, isang ulila at lumaki sa lugar kung saan ang nagtatagong dulo ng mundo - ang impyerno sa ibabaw. Ang talinhaga ng buhay ay nananatiling m...