Inangkin Mo Puso Ko

316 14 0
                                    

Nararamdaman ko na ang lamig ng simoy ng hangin habang naglalakad palabas ng bahay. Disyembre na kasi. Mas mahaba ang gabi kaysa sa umaga. Simbang Gabi na at laman na naman ng mga kalye ang mga nagtitinda ng puto bumbong at suman. May mga nagbebenta rin ng estampita at rosaryo. Palibhasa ay wala na ring pasok, ang mga kaedaran ko e parang fashion show yata ang pupuntahan. Ako lang ang nakaputing long sleeves at itim na pantalon.

Matapos ang misa, dumiretso na ako pauwi at saka nagluto ng agahan para sa buong pamilya. Napapangiti na lang ako habang nagluluto dahil naaalala ko pa rin ang mga sandaling kasama ko si Tee. Natatawa ako. Masaya. Maliwanag ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam.

Sinundo niya ako sa bahay.

Hawak-hawak ko ang braso niya at wala siyang pakialam sa mga nakakakita.

Nakangiti siya na parang walang hanggan.

Kumain kami sa labas at ang cute na rin pala. Sa laki ng katawan niya e nagagawa niyang maging kengkoy.

"Zen, putsa, no'ng isang beses na napadpad ako sa CR ng mga babae, grabe. That was the worst! Nagtilian silang lahat kasi naka-brief lang ako at akala ko CR ng mga lalake."

Kinuwento niya ang mga nakakatawang nangyari sa kaniya sa gym.

Ako naman itong nakinig e tawa lang nang tawa. Sa totoo lang, kung marupok lang din ako katulad ng iba, matagal na rin akong nahulog kay Tee. Ang galing lang dahil ngayon ko pa lang siya nakasama at marami na akong bagay na nagugustuhan sa kaniya. Sa mga naniniwala na hindi siya matalino, nagkakamali sila. Gusto niya rin pala ang pagbabasa. Hindi lang halata dahil karamihan din kasi ng mga kasama niya e hindi naman mahihilig sa ganoong bagay.

Sa totoo lang, pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa isang bookstore.

"Alam mo, Tee, dati rin akong trabahador sa bookstore?"

"Wow! Talaga? That's cool!"

"Oo naman. Kasi kapag reader ka, may kopya ka kapag may bagong labas na libro. Ewan ko lang kung ginagawa rin 'yon sa ibang bookstore. Doon kasi sa dati kong pinapasukan, mabait ang may-ari. Tsinay."

"Can I borrow some books?"

"Oo naman."

Marami kaming napag-usapan. Malamig man ay maligaya naman ako dahil napakapalad ko.

Matatapos na ako sa pagluluto nang bumaba na si Kuya Pen. Siya lagi ang halos kasabay kong magising.

"Good morning, Zen."

"Good morning din po."

Pinatay ko na ang kalan at saka nagtimpla ng kape para sa kaniya.

"Zen, kumusta naman ang date ninyo ng manliligaw mo kahapon?"

"Kuya naman."

"Naku, mukhang gustong-gusto ka no'n. Nagpapa-impress, e."

"Hindi naman siguro."

Inabot ko na ang baso ng kape para sa kaniya. Umupo na ako at si Kuya naman ang nasa kabisera.

"Kuya, sa tingin mo, gusto niya ako kahit na pangit ako?"

"Oo naman, Zen. Alam mo, sa una lang naman siya maa-attract sa hitsura mo. Kasi naman ikaw, bakit ka pinanganak na maganda?"

"Hindi naman, Kuya. Ako, maganda?"

"Oo kaya. Hindi na nga ako nagtataka kung bakit maraming nagtatanong sa akin sa gym kung sino ka. Binabalaan ko na ang mga katrabaho ko na hindi ka puwede. Siyempre, pipiliin ko na ang chinitong 'yon para sa 'yo. Alam mo bang nag-sorry 'yon sa akin isang beses?"

Mahaba Ang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon