Lumipas ang mga buwan at nagsipagtapos na kami. Masaya ang mga naging pagtatagpo. Maliwanag ang paligid. Napuno ng ngiti at pagkasabik ang buong lugar. Nang matapos ang seremonya ay nakita ko na rin ang buong pamilya ni Tee. Matagal na raw niya akong gustong makita dahil nagbago na rin daw an pakikitungo sa kaniya nito. Nakita ko rin ang mga Kuya niya. Si Kuya Teo pa lang ang nakita ko sa tinagal-tagal na naming magkasintahan nitong si Tee.
Kasama ng Mama niya ay nagluto ako ng mga putahe. Si Tita Guia na nasa edad kuwarenta i nuwebe na. Halatang laki sa isang pamilyang Tsino sa Binondo dahil sa kutis-porselana. Gusto ko ang kutis niya dahil maayang tingnan. Gusto niya pala ang marunong magluto. Bilang Kapampangan ako, pinagmamalaki ko talagang magaling akong magluto. Mukhang napasubo agad ako sa unang pagsabak sa mga maaring pagsubok nito.
"Zen, anak, kumusta naman kapag kasama mo si Tee?"
"Sa totoo lang po, masaya."
Nagbahagi ng kuwento si Tita Guia. Bakas pa rin ang takot sa bawak pagbigkas niya, na tila kahapon lang nangyari. Napakaraming nangyari sa kanilang pamilya. Hindi niya rin naman maitatanggi na isa iyon sa mga dahilan kung bakit lumaking may pagkasuwail si Timoteo. Ang kuya niyang si Doroteo naman ang tumayong kaagapay ko noon sa mga pangyayari. Kung minsan talaga, hindi maiiwasan na mawasak ang isang pamilya. Alam kong napakadalang ng mga ganitong pangyayari, ngunit ang epekto ay maaaring mag-iwan ng marka."
Walang na siyang pag-asang magbabago pa si Tee. Pero sa tuwing ako ang bukambibig niya kapag nagsasalu-salo sila, doon niya napagtanto na kailangan niya pala ng iisang tao na iintindi sa kaniya. At pinagpapasalamat sila sa akin. Sa totoo lang, hindi na kailangang magpasalamat pa ni Tita. Si Tee na rin ang nagsabi na binago niya ang kaniyang sarili. Doon pa lang, siya na ang namili ng mga bagay na kailangan niyang gawin o baguhin sa sarili. Sa tingin ko rin sadyang kapag patanda na, kailangan din talagang baguhin ang ugali.
"Siyanga, Zen."
Nang matapos na namin ang pagluluro ay naghain na kami nang makakain. Nakita ko na naman ang mga Kuya ni Tee. Hiwagang-hiwaga sa hitsura ko. Marahil ay gawa na rin ng kulay kape kong buhok at kutis kong kasingputla ng bagong timplang gatas.
"Zen, Babe, mukhang masarap ang niluto mo, ha."
"Oo naman. Kung hindi ko ba sasarapan ang luto, kakainin mo rin ba?"
"Depende."
"Asus, Timoteo. Kilala ka namin. Walang sinisino ang tiyan mo," pagbibiro pa ni Kuya Teodoro sa kaniya.
Nagpatuloy ang biruan nilang lahat. Makikitang tawa lang nang tawa si Kuya Doro. Si Kuya Teo naman ang promotor sa pang-aasar kay Tee. Halos magkakahawig silang magkukuya, kung tutuusin. Pare-parehong malalaking mama na bilugan na singkit ang mata at matatangos ang ilong, tapos makakapal nang bahagya ang labi. 'Yun lang, pare-pareho ang ketong at sapak. Bigla namang nagsaway si Tita.
"Sige na, at kumain na tayo."
Habang kumakain ay nag-uusap lang kaming lahat. Bigla namang may pumasok na isang babae – si Ate Teodora, ang kakambal ni Kuya Teodoro. Ang lupit lang ng ganito. Sa totoo lang. Siya ang pinakakahawig ni Tita Guia. Matangkad na babae. Chinitang-chinita. Naiinggit ako sa tapang na dala niya sa sarili. Wala kasi akong ganoong kompiyansa.
"Wow! May pagkain!" bulalas niya.
"Nandito na ang matakaw. Wala na," pang-uuyam ni Kuya Teodoro.
"Kuya Doro, huwag mo akong sisimulan."
Inirapan niya ito at saka nilapag ang bag sa isang mesa sa tabi ng sofa. Umupo na siya at halatang hapong-hapo. Kagagaling lang pala niya sa trabaho. Wala pa yatang tulog dahil nangangalumata pa. Pinaupo na siya. Natulala na lang siya sa akin. Hindi pa niya kasi ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Mahaba Ang Gabi
Fiksi UmumAng nobelang itong ay nangangailan ng maigting na pagsubaybay ng mga nakatatanda't mga eksperto. (R-16) Si Zen, isang ulila at lumaki sa lugar kung saan ang nagtatagong dulo ng mundo - ang impyerno sa ibabaw. Ang talinhaga ng buhay ay nananatiling m...