CHAPTER 2.5: ANONG MERON?

1.1K 25 1
                                    

CHAPTER 2.5: ANONG MERON?

20 minutes naako dito sa cafeteria. Actually, kanina lang ako tapos kumain at kanina lang dapat ako umalis pero tinatamad ako eh. Tinitignan ko lang ang mga estudyanteng bumibili dito at ang mga tindero at tindera. Feeling ko late naako sa klase. Ay hindi. Late na talaga ako.

Kinuha ko na yung bag ko at sinabit sa dalawa kong balikat, backpack po yung bag ko, ayaw ko kasi ng sling chuchurva na yan, masyadong girly, wala man lang kacool cool. Oppps! Di po ako tomboy, 100% babae po ako!

Lumabas naako sa cafeteria. Look to the left. Look to the right. Baka kasi makita ko yung mga humahabol saakin at dahil wala na sila, nagpatuloy naako sa paglalakad. Naglalakad ako ng mabilis patungo sa room namin, terror pa naman yung first subject namin. Lagot ako!

Nandito naako sa harap ng room namin. Relax Gwynn. Inhale. Exhale. Sabay pasok. Lahat sila napatigil sa pinanggagawa nila at napatingin saakin para bang isa akong aswang na nakatayo dito. Anong meron? Yung mga tingin ng iilan kong kaklaseng babae nakakunot yung noo.

Yumuko nalang ako habang naglalakad. Buti nalang wala pa yung first subject namin or buti nalang absent siya. Umupo naako sa upuan ko.

May iilan na nagbubulungan at nagtitinginan sakin. Teka, ano ba talaga meron? May dumi ba sa mukha ko? May muta ba ako?

Hinawakan ko yung mata ko baka sakaling may muta pero wala naman. Chineck ko rin yung ilong ko baka may kulangot, wala din. Hinawakan ko yung buong mukha ko pero wala akonh nahawakang dumi.

Ah bahala na. Hindi ko nalang sila pinapakealaman. Kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko pero naalala ko yung kanina. Pakshet! Wala na pala akong phone! So, 1 year akong walang phone? Ganun?! KAINIS!!! Sarap ipakain sa isang daang buwaya, ipasalvage sa sampung bakla at Ipasunog sa bombero ang ANDREW NA YOOONN!!

Chill Gwynn. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Wag na wag mo siyang hayaang bwisitin ang araw mo kahit na bwisit na nya.

At dahil wala akong ibang magawa, kumuha nalang ako ng 'Anger Healer' at ballpen.

Ano nga ba ang Anger Healer? Actually, isa siyang notebook na kulay white at pula na may nakadikit na Anger Healer. Diyan mo isusulat lahat ng mga hinanakit mo, parang diary kumbaga pero wala yang mga dear diary chuchuvlets eklavush at crush crush na yan. Puro galit lang at inis ang nakalagay dito.

Nagsimula naakong magsulat. Habang nagsusulat ako, di ko mapigilang mamula sa galit dahil naalala ko yung kanina. Bwisit na 5s na yun!

Oo. Tawag sa kanila ay 5s, cellphone lang ang peg?! hahaha. Kidding aside, 5s talaga pangalan ng grupo nila, since 5 silang lahat at mga STAR daw sila, for short 5s.

At dail uso yung mga groupies dito sa school namin, nakikigaya narin kami ng mga kaibigan ko. Alam niyo ano pangalan ng group namin?

6Y (read as SIXy) ang pangalan ng grupo namin. Kasi six kaming lahat at mga sexy. Hahaha pagbigyan niyo na mga kaibigan ko kahit ako lang sexy sa grupo hahaha.

TADA! Tapos na pala akong magsulat ng sama ng loob.

Quote

Bwisit na 5s na yun! Kala mo kung sino mas gwapo! Mas gwapo pa si Krisbabe ko! Mas gwapo pa exo don! Sarap nila ipakain sa sampung lion at iparape sa mga bakla. KAINIS! Porket mayayaman sila wala na silang pakealam na nasira nila ang simpleng cellphone ko? MAGBABAYAD SILA! IPAPAKULAM KO SILA KAY ALING LOURDES! BWAHAHAHA! Pasalamat yung ANDREW na yun na siya ang magiging susi para matupad ang hiling ko kundi pagbabayaran niya ako!

-Gwynn Mendoza

Pagkatapos kung magsulat at ibasa ulit yung sinulat ko, iniligpit ko na yung ballpen at Anger Healer.

ONE WISH --♥ON HOLD♥--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon