CHAPTER 12.5: NIGHTMARE
Gwynn's POV
*Yawn* Inaantok naako dito sa rooftop. Eh sino bang hindi aantukin kung nandito lang kayo sa rooftop na hindi nagsasalita for 3 hours?! Panis na nga yung laway ko oh! -_-
Buti nalang at tapos naakong kumain ng tanghalian dito sa rooftop baka nahimatay naako dito at baka malipasan ng gutom, buti nalang hindi nangyari.
Nakaupo lang ako dito sa may railings. Nakayuko ako habang niyayakap yung dalawang tuhod ko kaya di ko makikita si Andrew kung ano pinanggagawa ng letseng taong yun!
Oo. Hanggang ngayon galit parin ako pero at the same time. Natatakot ako! Baka maghiganti nanaman siya, ayaw ko ng mangyari ang nangyari kanina! T_T
Walang imikan. Nakakabinging katahimikan kanina lang. Tanging hangin lang ang nag-iingay. Feeling ko tuloy wala akong kasama, kaya itinaas ko yung ulo ko at tinignan si Andrew kaya tumingin ako sa kaliwa.
Nakita ko si Andrew na nakahiga, ginawang unan ang bag ko at natutulog ng mahimbing. Sa totoo lang, ang layo namin sa isa't-isa, kung ako nandito sa dulo ng kanan, siya naman sa dulo ng kaliwa pero nakikita ko parin ng malinaw ang kanyang mukhang mahimbing na natutulog, para siyang anghel, para siyang batang walang kaalam alam sa mundo. Sana forever nalang siya matulog para maisip ko palagi na mukha siya anghel kahit sa totoong buhay, asal demonyo. -_-
Di ko namalayan na matagal na pala akong nakakatitig sa kanya pero di parin ako magsasawang tignan siya. Ang sarap kusutin sa pisngi pero kailangan kong magpigil, para sa kapanan ko! Aja!
Bahagya akong napangiti nung nakita kong kumunot ang kanyang noo, ANG KYUUUUT NIYA!
Oh sige na nga! Nagwagwapuhan ako sa kanya at nacucutan pero di ibig sabihin non na may lihim na pagtingin naako sa kanya, ASA! Ulol!
Ano nanaman ba tong pinag-iisip isip ko. Nababaliw na ata ako! Nahahawa na ata ako sa mga kaibigan ko. Tss
Maya maya'y nakaramdam ako ng antok kaya plano kong matulog dito. Di naman madumi dito eh, malinis pa nga. Siguro laging nililinisan dito ng mga janitor or janitress.
Humiga naako ng dahan-dahan. Ginawa kong unan ang aking dalawang palad, nung komportable naako sa aking pwesto, sinimulan ko ng ipikit ang aking mga mata, hanggang sa di ko namalayan, nakatulog naako.
- - - - - - -
"Gising!"
Naalimpungatan ako sa nagsalita. Kainis naman oh! Kitang natutulog yung tao! Pwede ba kayo tumahimik kahit isang araw lang? =_=
Nakapikit parin yung mata ko. Inaantok pa talaga ako. Gusto ko pang matulog! Gusto ko pang managinip ng magagandang bagay! Sayang! Napaginipan ko pa naman si Kris at ako naghohoney moon XD
BINABASA MO ANG
ONE WISH --♥ON HOLD♥--
General FictionIsang simpleng babae na nag ngangalang Gwynn Mendoza ay nakipagpustahan sa kanyang mga kaibigan. Isang imposibleng pustahan pero gagawin ng lahat sila lang ang manalo. Eh ang premyo lang naman ay may one wish sila. Kahit anong wish, kahit gusto mo m...