CHAPTER 15.5: EX ON TV

710 23 2
                                    

CHAPTER 15.5: EX ON TV

Nakauwi naako ngayon sa bahay, galing lang ako sa school. Nung nasa park kasi ako, eh napagdesisyunan kong bumalik sa school kasi nga diba naiwan ko yung bag ko. Kawawa naman yung bag ko kung di ko babalikan tsaka isa pa, baka nag-aalala yung mga kaibigan ko kaya nagpakita ako sa kanila.

Nung bumalik naman ako sa school, mga tanong agad ang salubong ko galing sa mga kaibigan ko, nag-aalala nga sila sakin, ito lang naman po ang tinanong nila: kung okay lang ba daw ako, san daw ako galing, ba't di daw nila ako macontact, ba't di daw ako sumasagot sa text nila, at marami pang iba. Sinagot ko naman isa-isa yung mga tanong nila at pagkatapos nun, di na nila ako kinulit pa kasi alam kong alam nila na wala ako sa mood. Buwisit kasi yung Andrew na yon! Kaya ayon ang resulta ng pagkasabog ko sa galit.

Kakatapos ko lang pala magdinner at ngayon ay nandito ako sa living room nagpapahinga. Napagod akong kumain eh. Joke lang. Seriously, napagod talaga ako. Ewan ko ba kung bakit ako napagod. Nakahiga lang ako sa sofa habang tinitignan yung ceiling.

Habang nagpapahinga, naalala ko tuloy yung mukha ni Belle, napakafamiliar kasi, parang nakita ko na sya dati or? Ah ewan. Baka naghahalucinate nanaman ako. Baka imagination ko lang to.

*riiiinnngggg*

Ops! Yung telepono nagriring. Dali-dali naman ako bumangon at sinagot yung teleponong ayaw magtigil kakaring. Nangleleche kasi kaya sinagot ko na.

"hello?" sagot ko sa telepono na halatang naiinis.

[Hello anak? Si mama mo to!] nung narinig ko sa kabilang linya yung boses ni mama, nag-iba agad yung expression ko. From naiinis na mukha to masigla. Rhyme diba?

"Ma! Kumusta na po?" Masigla kong tanong. Kasi nga masigla naako.

[okay lang anak. Okay lang kami ng papa mo. Kayo dyan? Kamusta na kayo?]

"Okay lang din naman ma. Ma, pasalubong, ha?"

[Syempre naman. Ano gusto mo?] Naexcite naman tuloy ako sa tinanong ni mama.

"Cellphone po! Puhlease?" Nagpuppy eyes paako ah kahit di naman makita ni mama. Eh diba sinira ng 5stars na yun yung cp ko, kaya nagpabili ako kay mama. Sana pumayag Lord!

[Ha? Diba may cp kana anak?]

"Uhhh, kasi ano... Ano ma.. Uhmm," sasabihin ko ba kay mama? Okay fine. Sige na nga, "nasira po yung cp ko!" sabay lip bite ko.

[Napakaclumsy mo naman, anak. Osige, bibilhan kita pero dapat pagbutihin mo yung pag-aaral mo ha?] Omg! YASS!

"promise!"

[Good. Ay teka anak, anong gustong pasalubong ng kapatid mo?]

"Ewan ko. Malay ko ba." Malay ko ba don na may toyo sa utak ng kapatid ko. Haha.

[Tawagin mo nga at ibigay mo sa kanya yung telepono.]

"Teka lang po, ma," sabi ko sabay layo sa telepono sa bibig ko, "CESCA! CESCA!"

"Sandali lang po!" Narinig kong sagot ng kapatid ko galing sa kwarto nya.

Ilang segundo ang lumipas, nakita ko rin yung bubwit kong kapatid na bumababa sa hagdan hanggang nasa harapan ko na sya.

"Yes, ate kong maganda?" Himala at kinoplement ako ng panget kong kapatid.

"Si mama gusto ka kausa--" Ay leche! Di pa nga ako tapos magsalita, hinablot agad yung telepono? Wow ah. Ang galang nya talaga. Pwede na syang bigyan ng ribon na respectful student. Mind the sarcastic tone.

Umupo nalang ako ng maayos sa sofa at ginising yung tv. Wala lang, boring kasi eh kaya manonood nalang ako. Di ko nalang pinansin yung kapatid kong masayang masaya kausap si mama. Wapaks (Wakang paki) ako sa kanya.

Palipat-lipat ako ng channel kasi naman po, walang magandang show! Wala akong pake kung masira tong remote control kakapindut ko. Basta makahanap lang ako ng maganda papanoorin.

Natigilan lang ako sa paglilipat ng channel nung may nakita akong pamilyar na mukha, tinigil ko yung kakapindut ko at pinagmasdan yung mukha na nasa tv. What the fish?! Sya ba to? Sya ba talaga to?!

OH MY GOSH! SYA NGA TALAGA!

"Ate, diba si kuya Joaquin yan? Artista na po ba sya?" Napalingon naman ako sa kapatid ko na kakatapos lang kausap si mama. Hindi pa rin pala nakalimutan ni Cesca si Joaquin.

Tama sya, si Joaquin nga yung nasa tv. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Ininterview sya ngayon ni Boy Abunda. Kailan pa ba nya gustong mag-artista?

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Si Joaquin ba talaga to?

"Joaquin, second to the last question for you tonight. May nagpapatibok na ba dyan sa puso mo ngayon?" Lumakas naman yung kabog ng dibdib ko nung narinig ko yung tanong ni Boy Abunda. Binalik ko yung atensyon ko sa tv. Ang laki ng binagbago ng mukha nya. Sana naman nagbago rin yung ugali nya. Ugaling mangbababoy ng tao. Leche sya! Punyeta. Naalala ko naman ang ginawa nya.

DUGDUG. DUGDUG.

Ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Joaquin. Kinakabahan talaga ako, ba't ba?

"Opo--" Sagot ni Joaquin.

Pinatay ko na yung tv kasi ayaw kong marinig kung sino sabay tayo at pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama.

Hindi talaga ako makapaniwala,

Si Joaquin Chucks talaga yon.

Yung taong binaboy ako at sinaktan ako ng todo.

Yung taong minahal ko.

Yung taong kinasuklaman ko.

Yung taong pinangarap ko noon.

At yung taong winasak ang puso ko.

A/N: vote, comment, and follow me!♥ dedicated kay @Ms_Masungit987 ;')

ONE WISH --♥ON HOLD♥--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon