CHAPTER 6.5: WHO'S THAT GUY?
"Oh? Bat ang tagal mong umuwi ata ngayon?" Hulaan niyo sino nagsabi niyan. Ang nagsabi lang naman niyan ay ang magaling kong kapatid. Kung makapagsalita akala mo kung sino ang mas matanda =________=
"Walang pakealamanan sistah!" Sabay lapag ng bag ko sa sofa. Grabe! Kapagod ngayon araw ah? Ang daming nangyayari! Buti nalang hindi ako binawian ng buhay kundi mumultuhin ko kayo!
Di joke lang. Kay ganda ko namang multo? ^_^
"Ewan ko sayo ate! Kumain ka na para naman gumanda ka kahit konti lang. Geh bye!" Sabay akyat sa kwarto niya.
Ang lakas ng loob niyang sabihin yun ah. Ano sa tingin niya saakin? Kamukha si Mahal? Ha! Pwes siya kamukha niya si Mura! Kainis! Maganda kaya ako noh! Diba?
Sabihin niyong hindi. Papaslangin ko kayo =_______=
Anyways, umakyat na rin ako sa kwarto ko para magbihis. Nag quick shower ako kasi ang lagkit lagkit na ng maganda kong katawan. Sino bang tangang hindi magshoshower kung nahimatay ka sa cr? =_____=
Cr pa ng mga lalake. (_ _ ")
Pagkatapos kong magshower, nagsuot ako ng simpleng T-shirt at simpleng short na hanggang tuhod. Short parin ba tawag don? Dapat long na ang tawag kasi nga diba hanggang tuhod na siya? -_____-
Bumaba naako pagkatapos at nakita ko si Yaya na kumakain na. Nung nakita niya ako, bumati siya pati na rin ako. Magalang ata to noh! at maganda pa ^______^
Umupo naako sa bakanteng upuan at bago ako kumain nagpasalamat muna ako sa Panginoon sa lahat ng blessings na binigay niya saakin for short nagpray muna ako. Maka-Diyos ata to! ;))
Nagsimula naakong kumain. Syempre noh! Nagrereklamo na yung mga alaga ko. Sino bang hindi gugutomin kung wala kang kain kain simula tanghali? Snack kumbaga. =_=
"Oy! Bat ang tagal mo umuwi ha?" Tanong nitong friend ko. Kaibigan po kami nitong yaya namin noh! Kasing edad ko nga lang to eh. Pero mas maganda ako! Haba ng hair ah! ^___^
"Basta." Tipid ako sa words, bat ba?
"Hmpf! Bat ayaw mong magshare? Makasarili ka ah!" So ako na ngayon ang makasarili? =_______= Wow ha! Big word! Eh binigyan ko nga siya ng mga damit na hindi ko na sinusuot tapos makasarili paako?
Okay sanang sabihin mo nalang na 'Makasariling maganda' See? Okay na okay paako niyan. =_____=
"Whateverrrrrr!" Hinabaan ko pa talaga yung R para masarap pakinggan. Try niyo kaya?
"Ewan ko sayo!" Sabay tayo niya at nilinis yung mga kalat niya, "Ay! Nakalimutan ko, di ka na pala namin tinirhan ng soft drinks, bili ka nalang!" See? Siya yung makasarili. =______=
"Nakakainis! Eh 6 pm na noh! Baka kidnapin ako! >O</" OA na kung OA. Ganyan talaga ako, di kasi ako lumalabas pag gabi.
BINABASA MO ANG
ONE WISH --♥ON HOLD♥--
General FictionIsang simpleng babae na nag ngangalang Gwynn Mendoza ay nakipagpustahan sa kanyang mga kaibigan. Isang imposibleng pustahan pero gagawin ng lahat sila lang ang manalo. Eh ang premyo lang naman ay may one wish sila. Kahit anong wish, kahit gusto mo m...