CHAPTER 4: RUN RUN RUN

1K 20 0
                                    

CHAPTER 4: RUN RUN RUN

Nandito ako ngayon sa rooftop. Nagtatago malamang, eh ano pa ba? Pagkatapos sabihin ni Limber ang mga linyang yun, nagsisimula naakong magpanic kung saan dapat ako magtago, ganyan, ganito, dyan ek ek chuchu blah blah blah.

At buti naman nagfufunction din ang mga utak ng mga kaibigan ko at binigyan ako ng idea kung saan ako magtatago at DITO MISMO ANG SINASABI NILA!

Wala akong kasama. Lunch break na. Kumakain na yung lima kung kaibigan or let's just say, iniwan nila ako. Dito lang ako kumain sa rooftop, nagpabili lang ako kina Stacy, Hera, Limber, Nikky at Emily ng pagkain at pagkatapos nun, wala na sila! AS IN, PARANG MAGIC! =_______=

Tapos na pala akong kumain. Kanina lang, baka kasi dumating yung mga barkada ni Andrew at nakita ako, patay ako kasi wala akong energy dahil di ko naubos yung pagkain ko kaya nagmamadali akong kumain kaya maaga akong natapos. Nandito parin ako sa isang sulok habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri ko. Grabe! Ang init dito, di naako makahinga! >O<

Inaayos ko na yung sarili ko tsaka tumayo at lumapit sa railings.

Ang hangin. Ang sarap ng simoy ng hangin. Feeling ko para akong isang magandang anghel habang tinitigan ang buong campus at habang yung mga hangin ay hinihimas ang aking balat.

Nagulat ako nung nakita ko si, SINO PA NGA BA YUN?! Pakshet! Pumasok yung tatlong barkada ni Andrew dito sa building na to! AS IN DITO SA BUILDING NA PINASUKAN KO PARA MAKAPUNTA SA ROOFTOP!

Pano kung papasok sila dito? Pano kung makita nila ako? Pano kung gawin din nila ang ginawa ko kay Andrew? Pano kung..

WAAAAAAAAAHHH! \>O</

Iling-iling. Wag mong isipan yun Gwynn. Papanget ka niyan, pero KINAKABAHAN TALAGA AKO!

Dali dali kong kinuha yung bag at sinabit iyon sa kanan at kaliwa kong balikat. Lumapit ako sa pintuan pero bago ko pa mahawakan yung knob, umikot na yun. Kinakabahan ako, gusto kong madisappear ngayon pero impossible. Gusto kong mainvisible ako. Gusto kong mawala ako sa kinatatayuan ko!

Agad akong kumilos at nagtago sa isang sulok. Tinaas ko yung dalawa kong binti at niyakap yun.

Nanginginig naako. Kinakabahan. Natatakot. Kinakabahan at natatakot sa maaaring mangyari.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga tawanan. Napapikit ako ng ilang segundo. Gusto kung panaginip nalang to, alam na alam kung sila yung barkada ni Andrew, memorize ko na boses nila pero pangalan, hindi.

Unti unti kong minulat ang mata ko at nagulat na lang akong makita ang apat na barkada ni Andrew. AS IN GANITO ⇨ O_________O ⇨ \OoO/

Agad akong napatalon sa gulat at tumayo.

"What's up Princess?" sabi nung naka hood jacket na lalake.

Ang init ng Pilipinas tapos NAKAHOOD?!

Bago paako makatakas, pinalibutan nila ako. As in yung nagform sila ng circle tapos ako yung nasa gitna. TRAP.

[NOW PLAYING: THE STAR BY EXO]

~~~ 

eodumi jinhan supeul jina hayan 

byeori naeryeo on sesang imi da 

teukbyeolhal geosdo hanado eopsneun bam 

na gogael deun dwi na nunbusin

~~~

ANO NA ANG GAGAWIN KO?! TUTUNGANGA LANG BA AKO DITO?!

ONE WISH --♥ON HOLD♥--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon