CHAPTER 10.5: CHITCHAT 101
(A/N: Nikky at the right side --->)
Gwynn's POV
"Oh? bat ang aga mo atang umuwi ngayon?" Yan ang unang narinig ko mula kay yaya pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay.
Lumapit ako sa sofa tsaka inilapag ang bag ko at pumunta sa kwarto ko. Di ko na pinansin si Yaya, pagod ako ngayon. Pagod na pagod and at the same time, GALIT.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga na agad ako sa malambot kong kama at pinikit ang aking mga mata.
Gusto kong matulog, gusto kong kalimutan ang nangyari kanina, gusto kong maramdaman ang maging masaya, hindi ang galit.
Antok na antok na ako pero di ako pwedeng matulog dahil marami pa akong projects at assignments na gagawin, dagdag mo pa yung may long quiz kami bukas kaya kailangan kong magstudy. Grabe. Nakakapagod pala ang maging matalino? Dagdagan mo pa yung pagiging maganda. Nakakapagod noh?
Idinilat ko yung mata ko at sabay non ang pagbangon ko tsaka umayos ng upo sa kama ko. Tinignan ko yung wall clock, 4:36 pm na, kailangan ko ng tapusin ang lahat na dapat tapusin kasi gusto kong matulog ng maaga.
Tumayo naako at kumuha ng mga damit sa closet ko tsaka pumasok sa cr upang magquick shower at magbihis. Pagkatapos ay lumabas naako ng cr, hinanap ko yung suklay ko sa kwarto ko kaya inikot ko yung mata ko sa paligid ng kwarto ko at ayun! Nasa taas ng cabinet, lumapit ako sa cabinet. Kinuha ko yung suklay tsaka nagsimulang suklayin ang buhok ko.
Lumabas naako ng kwarto ko at bumaba na, nakita ko si yaya na naghahanda ng snacks para sakin or let's just say, para samin. Lumapit ako sa sofa at umupo.
Kinuha ko yung bag ko at kinalkal iyon, kinuha ko dun ang assignment notebook ko, books at notes ko tsaka inilapag iyon sa mesa na nasa harapan ko lang.
Pagkatapos, kumuha ako ng ballpen sa bag ko tsaka nagsimulang sagutan ang mga assignments ko. Di naman masyadong mahirap sagutin, matalino ata to!
Nakita ko si yaya na lumapit saakin, bitbit ang isang tray na may lamang dalawang sandwich at orange juice. Nilapag niya iyon sa kabilang mesa na nasa harapan ko lang din.
"Hoy." Tawag ni yaya saakin kaya napatigil ako sa pagsasagot at tumingin sa kanya.
"Oh?" Malumanay kong sabi.
"Problema mo?" Tanong niya at sabay nun ang pag-upo niya sa sofa at pagkuha ng juice at ininom.
BINABASA MO ANG
ONE WISH --♥ON HOLD♥--
General FictionIsang simpleng babae na nag ngangalang Gwynn Mendoza ay nakipagpustahan sa kanyang mga kaibigan. Isang imposibleng pustahan pero gagawin ng lahat sila lang ang manalo. Eh ang premyo lang naman ay may one wish sila. Kahit anong wish, kahit gusto mo m...