CHAPTER 14: CAT FIGHT
(Emily Cruz on the right side ------>)
Nandito na ako ngayon sa school, dito sa room namin, nakaupo habang nagstu-study sa Science. Nakalimutan ko kasing may long quiz ngayon sa 2nd subject namin which is Science. Yeah right, ang saya noh? Buti pa yung mga kaklase ko, masayang nag-chichismisan pati nga to si Nadine, absent naman siya kahapon diba? Ahhh, baka may nag text sa kanya kahapon na may long quiz ngayon. Haaay buhay parang life kasi pag hindi mo na intindihan, you don't undersand.
Kainis naman toh! Ito talaga ang pinakaayaw ko sa Science pagdating sa quiz kasi kailangan mo pang imemorize ang symbol ng elements, atomic number, etc. Mahina pa naman ako sa pagmemorize!
"Ayan kasi, mas inuuna pa ang paglalandi keysa pag-aaral. Pathetic." di ko napansin na dumaan pala si Iris. Focus na focus kasi ako dito sa pag-aaral, aba syempre! Kahit maganda ako, may pakealam parin ako sa grades ko. Di ko nalang pinansin si Iris, masyado syang papansin, nakakairita kaya ang ginawa ko na lang ay nagpapanggap na hindi ko sya narinig kaya ayun, narinig ko nalang na nag 'hmp!' sya. Bahala nga sya sa buhay nya, masyado syang papansin. Di bagay, ewwww.
"Good morning class," hala patay! Andyan na pala si Sir Ventura! Tinago ko na yung table of elements ko at binati din namin si sir sabay upo ng maayos, aba syempre, maganda eh.
"Sorry class for being absent these past few days, nagkasakit kasi yung anak ko and timing pa naman na day off ng mga yaya namin kaya binantayan ko sya for 2 days, pero no worries, magaling na ang anak ko. So let's start our discussion," Sabi ni sir at pagkatapos nun, nagsisimula na syang magdiscuss, medyo na boboringan ako, di naman sa nagmamayabang, alam ko na kasi ang dinidiscuss ni sir, bukod sa pagiging maganda ko, advance pa yung utak.
***
\Class Dismiss/
Lumabas na ako sa room, paglabas ko, naabutan ko yung lima kung impaktang kaibigan na nakaupo sa labas ng room namin. Nung napansin nila yung beauty ko,
"Hoy! Ikaw! Halika ka nga dito," sabi ni Emily.
"Bilis!" sabi ni Hera.
"May ipapaliwanag ka pa!" sabi ni Limber.
"Magsabi ka ng totoo ah!" sabi ni Nikky.
"kundi lagot ka saamin!" sabi ni Hera.
Pero ang pinagtataka ko lang ah, akala ko ba ako lalapit? Ba't ngayon nandito na sila sa harapan ko? Mga panget nga naman sa mundong ito, panget na nga, bobo pa! Akala ko ba ako lalapit sa kanilang pagmumukha? Ay! Wag ka ng magtaka Gwynn pretty na drop dead gorgeous na uber sa kasexy, maganda ka kasi at alam naman natin yun, diba?
"oh? Ano bang ipapaliwanag ko? Aber?" sabi ko with taas kilay kasi nga maganda ako na halos mga bakla naging lalake dahil saakin, sa ganda kong ito? Sino bang hindi mahuhumaling?
"San ka kahapon?"
"ba't ka absent?"
"ba't hindi ka namin macontact?"
"ba't hindi ka sumasagot sa text namin?"
"may tinatago ka noh?"
ABA'T! ANG KAKAPAL DIN NILA!!! ANO AKO ROBOT NA MASASAGOT SABAY-SABAY ANG MGA TANONG NILA?!!! ANO AKO, ARTISTA?!! ALAM KO NAMANG MAGANDA AKO PERO WAG KAYONG MAGPAPAKABOY ABUNDA!! Pinipiga na nga yung ulo ko dahil sa quiz namin! Dinadagdagan niyo pa! Hmp!
BINABASA MO ANG
ONE WISH --♥ON HOLD♥--
General FictionIsang simpleng babae na nag ngangalang Gwynn Mendoza ay nakipagpustahan sa kanyang mga kaibigan. Isang imposibleng pustahan pero gagawin ng lahat sila lang ang manalo. Eh ang premyo lang naman ay may one wish sila. Kahit anong wish, kahit gusto mo m...