AYA
bored na bored na ko sa pakikinig sa instructor ko, ito kasi ang subject na talaga namang kinaayawan ko History, puro taon at kaganapan ang itinuturo nakakaantok, sabay mo pa ang instructor na nakakaantok din kung mag turo. kaya wala na kong nagawa kundi ang mag doodle na lang sa notebook ko.
at dahil nga sa naaliw na ko sa kakadoodle hindi ko na namalayan ang pag lipas ng oras at lunchbreak na, papunta na ko ngayon sa Cafeteria para kumain pagdating ko sa cafeteria pipila na sana ko ng biglang nagsialisan yung mga nakalinya at parang takot na takot sila sa akin.
" Thank you" yun na lang ang nasabi ko, may silbi rin pala ang pagiging weird ko sa paningin nila, tignan mo, hindi na ko nag hintay sa pila.
nung makabili na ko nag hanap na ko ng mauupoan at nakita ko yung nandun sa malapit sa exit sa pangalawang pinto, bale dalawa kasi ang entrance dito, yung isa yung main door na naka kunekta sa hallway at itong isa papunta sa garden so dito ako nakapwesto, gusto ko kasi sa bandang to dahil mahangin.
JAYDON POV
" pare! pare tignan mo si Sadaku" sabi sakin ni James at tinuro nya si sadaku sa table na lagi naming inuupoan.
" anong ginagawa nya dyan?" tanong naman ni Marco.
" ulol di mo ba nakikita?" sabi naman ni James. lumapit naman kaming tatlo doon at pinalibutan sya.
"hep! hep!" sabi ko ng magtangka syang umalis.
" kararating lang namin aalis ka na agad?" sabi ko. pero di sya nagsalita, talagang matigas ang isang to, marunong namang magsalita pero ayaw magsalita.
"alam mo, ang weird mo talaga no? di ka ba natutuwa na nilapitan ka namin?" sabi ko. pero tinignan nya lang ako ng masama at saka nagsalita.
" alam mo, mas gusto ko pang mag isa kesa ang makasama ko kayong tatlo" sabi nya saka umalis pero bago pa sya makaalis may pahabol pa sya.
" saka pwede ba,? wag lalaki masyado ulo nyo sa mga papuri ng iba, dahil sigurado akong ang iba dun hindi naman talaga totoo" sabi nya pa. saka ay tuloyan ng umalis.
" woah, tall ang tindi nun! ngayon lang ata may sumabotahe sayo" sabi naman ni James.
loko ang babaeng yun, ang hirap amohin, ano bang ginawa ko sa babaeng yun at parang ang init ng dugo nya sa akin.
" tumahimik nga kayo, bibigay din naman ang isang yun, pakipot lang yun" sabi ko pa.
kakaiba ang babaeng yun ah, na cha-challenge tuloy ako, parang gusto ko pa syang makilala.
" pero alam mo tol, may sikreto ako, nakita ko yan si Sadaku na nakaponytail without using her eye glasses, and ya'know what? hindi ka maniniwala, ang ganda nya tol" sabi ni James.
" weh? baka naduling ka lang James ang dami mo kasing babae baka iba na ang nakita mo" sabi naman ni Marco.
"really? "tanong ko pa.
" oo nga"
" wag mong sabihing naniniwala ka sa kanya Jaydon"
"well Lets see" gusto ko ring makita ang itsura ng babaeng yun, shes kin'da interseting.
AYA
here I am again on the way back home na, mag isa lang akong nag lalakad ngayon pauwi pero ok lang naman since sanay na ko. and while im walking nag eenjoy naman ako sa pakikinig ng mga music sa cellphone ko ililipat ko sana yung tunog ng may humablot sa phone ko. Oh no!
" Hoy!!" sigaw ko dun sa mag nanakaw at saka ko sya sinundan, hindi pwede napaka importante nun sa akin.
" hoy ibalik mo yan sa akin!! akin na yan!!" habol ko dun sa mag nanakaw pero ang pucha ang bilis. hindi pwede kailangan kong mabawi yun. habang hinahabol ko yung mag nanakaw may nakabanggaan ako and I think taga school ko rin.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
РомантикаLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...