AYA
andito ako ngayon sa Library since may Vacant kami ngayon dahil mag mimeeting ang mga teacher ngayon para sa gaganaping school fest, at dahil ako bilang isang looner at walang friend dito sa school, dito na lang ako dumiretso sa library para pag aralan tong lecture na sinulat ko sa math.
" mali yan" sabi nya sa akin.
" anong mali? pano naman naging mali yan eh sinunod ko lang naman tong instruction dito" sabi ko.
" basta mali yan wala ka bang tiwala sa akin? pati yang formulang ginamit mo mali yan"
napaisip naman ako sa sinabi nya since alam ko naman talagang matalino sya kaya I admit the defeat.
" ok fine? so ano palang tamang sagot dito?" tanong ko sa kanya.
" ganito" sabi nya at saka ay sinabi nya sa akin yung tamang formula na dapat gamitin sa problem na yun, inisa isa nya rin yung step sa operation na yun.
and then binigyan nya ko ng sample problem at pinasagutan sa akin.
" oh tapos na" ibinigay ko sa kanya yung papel na sinagutan ko at chi-nek nya naman yun, nakita kong tumango tango sya at saka tumingin sakin.
" fast learner ka pala, tama lahat" sabi nya at sa sobrang tuwa ko nakalimutan kong nasa library ako.
" ang galing tama ako!! tama ako!!'
" Miss Sino bang kausap mo dyan, hindi mo ba alam na library to?" sita sakin nung librarian.
" sorry maam" pinaikot nya lang yung mata nya, ang sungit naman pag tingin ko kay Jaydon tatawa tawa pa.
" tawa ka pa dyan?"
" sorry"
ng matapos kami sa library ay lumabas muna kami saglit sa school para bumili ng materials na gagamitin ko mamaya sa activity project namin, pabalik na sana kami ng school ng biglang mag ring yung phone ko kaya hinanap ko yun sa bag ko, sa kakahalungkat ko sa Cellphone ko sa bag nabangga ko yung isang babaeng mukhag anak mayaman may dalang frappe at natapon yun sa damit nya.
" oh my God!! look what have you done miss!!"
" ay naku sorry po"
" bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo eh!" sabi nya nakuha nya naman ang atensyon ng mga dumaraan kaya napapatingin sila sa amin.
"sorry"
"peste naman eh kakabili ko pa lang nito namantyahan na agad ang mahal mahal pa naman nito!" reklamo nya pa.
" look miss, hindi ko matatanggap yang sorry mo bayaran mo to kung hindi papaexpelled kita sa --- ouch!! whats that!?"
nagulat ako ng biglang may lumipad na lata at tumama yun sa ulo ng babaeng ito.
" saan galing yun? sinong nagtapon nun?" singhal nya pa.
nakita ko si Jaydon na nasa tabi ng basorahan at may lata sa paanan nya tapos bigla nyang sinipa yun at tumama nanaman sa babaeng kaharap ko ngayon.
" aray!! hoy sino bang nambabato sa inyo dyan ha!?" habang busy sya sa kakahanap kung sinong nambato daw sa kanya may biglang nanghila sa akin at tumakbo kami paalis sa lugar na yun.
" haaa~~~haa~~~" halos maubusan ako ng hininga ng tumigil kami sa isang lugar.
" ok ka lang?" tanong nya sa akin na parang hindi man lang sya napagod.
"pambihira...ka..naman..
kailangan ba.. talagang tumakbo tayo ng ganun kalayo? haa~~~"" ay oo naman para hindi sya makahabol" sabi nya.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...