Sabi nila kapag namatay na ang tao, ibig sabihin wala na sila sa mundong ibabaw at dalawang lugar lang ang pwede nilang kabilangan, langit o lupa.
pero paano kung nakakilala ka ng taong ang katawang lupa ay nasa mahabang pagkakatulog ano nga bang tawag sa kanya? taong nakikita mo pero hindi nakikita ng ibang tao, nahahawakan mo pero hindi nahahawakan ng ibang tao, naririnig mo, pero hindi ng ibang tao?
pero paano kung yung taong yun, ay yung taong dati ay kinaiinisan mo at kinakailangan nya ng tulong mo? tutulungan mo ba sya o babalewalain mo na lang? pero paano kung makilala mo ang tunay na sya at nalaman mo kung anong klaseng buhay ang pinagdaraanan nya? will you feel sorry for him\her? will you pity him\her? or will you start to fall for that person?
This is a work of fiction. Names, Characters,business, place ,event and Incidents are iether the products of Authors Imagination or Used in a fiction manner. Any resemblance to actual persons,living or dead or actual events is purely coincedental.
CHAPTER 1
Hi ako si Ayaka Shane Mendoza Aya for short senior high sa St. Lucas Academy.
normal lang naman akong estudyante, pero hindi normal ang pakikitungo ng iba sa akin, kasi daw mukha raw akong si sadaku with big eye glassess
" look at her para syang si sadaku"
" yeah, sadaku with eye glassess" saka sila nagtawanan.
" tara na nga umalis na tayo dito baka mamaya kulamin pa tayo nyan eh"
saka sila nagtatakbo palayo sa akin. isa pa pala kaya walang gustong lumapit sakin para akong living dead. hindi naman ako patpatin pero nagmumukha akong bangkay dahil sa kulay ng balat ko. ewan sabi ng lola ko pinaglihi daw ako ng mama ko sa raddish kaya ito ang kulay ko at dahil na rin sa hairdo ko na hanggang pwet na ang haba. ayaw ko kasing paputulan dahil matampohin ang buhok ko nag pa-fly away eh kaya eto mukha na talaga akong si sadaku kulang na nga lang lumabas ako sa Tv.
naglalakad na ko ngayon papuntang classroom ko at syempre habang naglalakad ako ngayon papuntang classroom maraming napapatingin sa akin hindi dahil sa maganda ko kundi dahil sa ang weird ko. hindi ko na kailangang mag sabi ng excuse me dahil kusa silang tumatabi.
malapit na sana ko sa classroom ko ng biglang may tumamang kung ano sa likod ko, at to be honest masakit yun.
" ay sorry ha, dumulas kasi sa kamay ko" sabi ng lalaking to sa harap ko. ah kilala ko ang lalaking ito. sya lang naman ang nagiisang prinsipe kung ituring sa school na to at anak ng may ari ng school na to. bukod kasi sa mayaman ay talaga namang nakakaakit ang kgwapohan nya matalino pa at napakarami nyang sinasalihang sports kaya naman kilala at pinupuri sya dito sa school isa lang talaga ang nakakasira sa kanya.
ang hangin na nagmumula sa katawan nya na lumalabas sa bibig nya. kaya ayaw ko sa kanya.
" oh natulala ka na? na inlove ka na ba sa akin? kung sabagay sino bang hindi magkakagusto sa akin di ba?" sabi nya saka nagwink sa akin.
oh di ba? sabi ko sa inyo eh, walang kasing hangin ang isang to, ni hindi ko nga alam kung saan nya kinukuha ang hangin nya sa katawan. hindi na lang ako nag salita at di ko na lang din sila pinansin at naglakad na lang ako paalis sa lugar na yun.
" masyado ka namang pahard I know bibigay ka rin naman" sabi nya saka nagtawanan kasama nung iba pa nyang mga kasama.
pagdating ko ng Classroom tahimik na ang lahat hindi na nakakapagtaka sa akin yun kaya dumiretso na lang ako sa upoan ko sa pinaka likod ang isolated area ng classroom.
well ok lang naman sa akin dahil mabuti nga yun dahil walang mang iisturbo sa akin.
Nung Lunch na syempre nagsilabasan na yung mga Classmates ko, ako na na lang ang natira lalabas na rin sana ako kaso napansin ko napaka kalat ng Classroom kaya naisip ko na linisin na muna yun bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...