3

100 5 0
                                    

JAYDON

" wow pare! hindi ko ata kaya ipinta yang pagmumukha mo ngayon?" sabi ni James na kapapasok  lang dito sa private room ng bar nila. may sarili kasi silang bar house ng kuya nya at dito kami tumatambay kapag walang pasok.

" manahimik ka nga!" sabi ko naman.

" ano bang problema, parang salo mo ata lahat ng problema sa mundo ah" sabi nya pa.

ang hirap talagang patahimikin ng bibig ng isang to, napakadaldal parang babae.

" none of your business" sabi ko na lang, dahil ayaw kong mag kwento sa kanya ng mga bagay na tungkol sa akin.

" bahala ka nga, maiba na lang tayo, anong binabalak mo kay sadaku?"  bigla nyang tanong kaya parang nabuhay ata ang dugo ko.

" alam ko may binabalak ka sa kanya, ano yun?" sabi nya pa

" ungas! wala akong binabalak sa kanya, at kung meron man wala ka na dun"

" sus, mukhang nasapol ka na ni kupido, napapansin ko kasi mukhang masyado nyang nakukuha ang atensyon mo,intresado ka sa kanya no? sounds not really you. anyway suportado kita" sabi nya. pa at nag salute pa.

" ulol, ano bang pinag sasasabi mo umalis ka nga dito, di ako nakapag isip ng maayos" sabi ko.

" oh sya, aalis na, isipin mo na yang sadaku mo" sabi nya binato ko sya nung tsenelas sa gilid ko pero ang loko nakalabas na bago pa tumama yung tsenelas ko sa kanya.

pag labas nya, napaisip naman ako at napatanong sa sarili ko.

intresado nga ba ko sa babaeng yun? wala namang dahilan para magkaroon ako ng interes sa kanya, masyado syang wirdo at hindi ang tulad nya ang type ko, pero bakit ganito, feeling ko may kakaiba sa babaeng yun na nakakapokaw ng atensyon ko.

pag uwi ko ng bahay hindi ko inaasahan na makikita ko si dad sa bahay.

" aba, nakauwi ka na pala" sabi nya. hindi ko na lang sya pinansin at dinaanan ko na lang sya.

" sandali lang! wag mo kong tinatalikuran! " singhal nya sa akin.

" anong klaseng pag uugali meron ka! hindi ka ba marunong gumalang sa nakakatanda sa iyo?" sabi nya nakita ko namang lumabas si Aling Susan sa Kusina.

" dad, lasing ho kayo, ang mabuti pa ay matulog na lang kayo" sabi ko aalis na sana ko pero bigla nya kong pinigilan.

" at sinong tinatawag mong dad? ako? wala akong anak na tulad mo, mamamatay tao ka!" sabi nya. nakuyom ko ang kamao ko at nagpipigil ng galit ko. dahil hanggat maaari ayaw kong nagkakasagutan kami ni dad.

" Sir Tama na ho" saway ni Aling Susan.

" Aling Susan, Pabayaan nyo na lang ho sya" sabi ko at saka ako umakyat at pumasok sa kwarto ko, kaya ayaw kong umuuwi ng bahay dahil alam kong kapag nagkikita kami ni dad ganito ang eksena naming dalawa.

" Hoy bata ka mag usap nga tayo! buksan mo tong pinto!!" sabi nya saka ay kinalampag nya yung pinto ng kwarto ko, nag palit lang akong ng damit ko saka ko kinuha yung susi ng kotse ko saka ako lumabas ng kwarto ko. paglabas ko nakita ko si Dad at sinalubong nya ko ng suntok sa mukha at natumba ako.

" napaka walang mudo mong bata ka! hindi ko alam kung saan ka nag mana!" sabi nya sa akin.

" Sir tama na ho" sabi ni Aling Susan.

" Tumahimik ka! sino ka para sawayin ako?! katulong lang kita,! kaya lumalaki ang ulo ng batang yan dahil kinukunsente mo!"  singhal nya kay Aling Susan kaya hindi na ko nakapagpigil at sinagot ko na si Dad, hindi tamang pag salitaan nya si nanay Susan ng Ganun. kahit katulong lang si nanay Susan mas matanda parin sya kaysa kay Dad.

IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon