AYA POV
napakarami nang nangyari simula ng dumating si Jaydon sa buhay ko, sa sobrang dami nakalimutan ko nang mag aral ng mabuti para sa final exam.
"ano ba Jaydon mamaya mo nga ako kulitin, nag aaral ako eh" sabi ko naman sa kanya.
" sabi ko naman kasi sayo, ako nang bahala sa exam mo, tuturuan na lang kita." sabi nya naman nag tatalo kaming dalawa dito sa kwarto ko kinukulit nya kasi ako mag laro daw kami ng video game.
" ayaw ko nga, pandaraya yun" sabi ko naman. sumalampak naman sya sa kama sumuko na ata.
" ang boring naman wala man lang akong magawa" tumingin ako sa kanya at nakita ko nanamang parang nagiging intransparent nanaman sya parang malabo.
" Jaydon"
" bakit?"sya bigla namang bumalik yung kalinawan nya. bakit ganun? lumalala na ba ang pagkalabo ng mata ko?
" wala, wala naman" sabi ko.
" hay kala ko pa naman makikipag laro ka na sa akin" di ko na lang sya pinansin at nag aral na lang ako.
kinaumagahan , exam na namin at ang nangyari? wala puro si Jaydon ang sumagot sa exam ko at lalo na sa algebra naku kung wala sya siguradong bokya,ako lang ang taga sulat at taga bilog sa multiple Choices.
" oh, anong nangyari sa pag aaral mo kagabi? sakin mo rin naman kinuha lahat ng isinagot mo?" sabi nya.
" oo na ikaw na, salamat sa tulong mo" sabi ko. i accept the defeat.
" heh, kung nakipag laro ka na lang kasi sakin, di ka na nastress nag enjoy ka pa" sabi nya. ang yabang talaga ng isang to, pero buti na lang tapos na ang final exam, mag ki-clearance na lang kami next week.
" Aya! Aya" napalingon kami pareho ni Jaydon sa tumatawag sa akin at si Aling Susan lang pala.
" oh, aling susan bakit ho" tanong ko kay Aling Susan ng makalapit sya sa amin.
" may maganda akong balita" sabi nya.
" talaga ho,? ano po ba yun?" tanong ko naman ano kayang magandang balita ang sasabihin nya.
" si Jaydon" sabi nya nagkatinginan kami ni Jaydon sa sinabi ni Aling Susan.
" bakit ho? ano po anong meron kay Jaydon"
" mukhang malapit na syang bumalik, kahapun nakita kong gumalaw yung daliri nya, at sabi ng doktor kung magpapatuloy daw ang ganun hindi magtatagal at gigising na sya" sabi ni Aling Susan, nagkatinginan ulit kami ni Jaydon at ngumiti sa isat isa. mabuti naman kung ganun, magandang balita nga yun.
" magandang balita nga ho yan Aling Susan, bibisitahin ko po sya Bukas" sabi ko. tumango naman sya sa akin at masayang nagpaalam na babalik na sya sa Ospital by Chance lang palang nakita nya kong naglalakad ngayon pauwi. at hinabol nya pa talaga ko para sabihin ang balitang yun.
" oy, tignan mo kawawa naman ang tutang to, mukhang inabanduna na sya ng may ari sa kanya" sabi ni Jaydon ng makita nya yung tuta malapit sa basurahan.
" iuwi natin sya Aya" sabi nya, napatingin naman ako dun sa tuta, ang cute nya pero nakakaawa sya, naalala ko tuloy si Jaydon kaya pumayag na kong
iuwi yung tuta, pinaliguan ko yung tuta pagdating namin ng bahay. nung matapos ko nang paliguan yung tuta hinanap ko si Jaydon nasaan nanaman kaya yung mokong na yun.hahanapin ko na sana sya ng makasalubong ko sya at daladala nya yung lumang gitara ni papa.
" oi saan mo nakuha yan?" tanong ko sa kanya.
" saan pa edi sa bodega nyo" sabi nya at saka pumasok sa kwarto.
" ang hilig mong mag halungkat ng gamit dun ah" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...