5

88 5 0
                                    

AYA

" ano nang plano mo ngayon?" tanong ko Kay Jaydon nandito kami ngayon sa open field since P.E namin ngayon at kakatapos lang naming mag laro ng volleyball.

" wala" sabi nya. kahapon kasi hindi nya ko tinantanan hanggat di ko natatanong yung dalawa nyang kaibigan kung saan sya nakalibing, este naka confine pala I mean.

hindi ko nga alam kung papaano ako magtatanong kahapun dun sa dalawa since hindi naman kasi kami Close. sa totoo lang hindi ko naman talaga nagawang tanungin yung dalawa may nauna lang na mag tanong sa akin at narinig ko yung usapan. kaya nalaman namin kung saang ospital sya nakalatay.

" anong wala, wala ka bang balak puntahan ang katawan mo, kamustahin kung ano nang kalagayan?" sabi ko sa kanya.

" di na muna siguro, hayaan mo na muna syang matulog, saka bakit ba mas problemado ka pa sa akin? sabihin mo nga.." sabi nya at saka tumingin sa mga mata ko.
at hindi ko alam kung bakit parang hindi ko magawang bawiin ang tingin ko sa kanya.

" Inlove ka na ba sa akin?" tanog nya. hindi muna ko nakasagot agad sa tanong nya parang nagprocess muna sa utak ko bago ako naka sagot sa kanya.

" mukha mo ewan ko sayo, bahala ka na nga sa buhay mo." sabi ko saka uminom ng tubig, narinig ko naman syang tumawa ng mahina. pakiramdam ko nauhaw ako sa pag tingin ko lang sa mga mata nya.

" alam mo, hindi ko kasi alam kung dapat pa ba kong bumalik" biglang sabi ni Jaydon kaya napatingin ako sa kanya. anong ibig nyang sabihing hindi nya alam kung babalik pa sya.

" anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

" wala" sabi nya tapos ay tumingin na sa malayo. ano kayang ibig sabihin nya dun. the way nya kasing sinabi ang bagay na yun parang may pag aalinlangan sya.

nung hapun na, syempre syesta time na, pero may klase pa kaya pinigil ko yung antok ko, pero dahil talagang dinaanan ako ng antok ngayon di ko na napigilan at nakatulog na ko.

" Ms. Mendoza! Ms. Mendosa!!" nagising yung natutulog kong kaluluwa ng marinig kong may sumigaw sa last name ko. at pagtingin ko sa unahan nakita ko yung Instructor namin sa Mathematics. PAKTAY! kanina pa pala tapos yung Filipino.

" Good Afternoon Ms. Mendoza kamusta naman ang paglalakbay mo?" tanong ng Instructor namin na mas mataas pa yung kilay sa mounth everest.

" sorry po sir"

" Sir!! oh my gosh!" sabi nya na namaypay pa, oo nga pala bakla ang sir namin kaya ganyan yan mainit ang ulo saming mga babae.

" since gising ka na, I ask you to answer number five" sabi ni sir.

napatingin ako dun sa blackboard ang dami nang numbers ang nakasulat at feeling ko mag nonose bleed na ko.

" ano? wag kang tumanga lang dyan, sagot na! gosh! nasisira beauty ko sayo eh" sabi nya. nag lakad naman ako papuntang unahan kumuha ng Chalk at tumitig sa black board, syempre ano namang isusulat ko? hindi ko naman alam kung paano ko gagawin to. bahala na nga, nagsimula na kong magsulat ng kung ano ano sa blackboard.

" Ms, Mendoza! ano bang ginagawa mo!? thats wrong formula! wrong operation! and wrong  Answer! Oh my Gosh!!"  galit na sabi ni Sir pinagtatawanan na ko ng mga Classmates ko, nahihiya na ko parang gusto ko nang lamunin ng lupa.

" sorry sir" paumanhin ko. naglakad naman sya papunta sa lamesa nya at uupo sana sya ng biglang umatras yung upoan, pagtingin ko si Jaydon.

nagtawanan yung buong klase, pati si Jaydon tawa ng tawa ako naman hindi ko alam kung makikitawa rin ba ko sa kanila.

IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon