9

66 4 0
                                    

AYA POV

nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata kaya bumangon na ko,biglang may nahulog na towel mula sa noo ko at napatingin naman ako sa bedside ko at nakita ko si Jaydon na nakasandal sa kama ko at mukhang tulog.

sya bang nagasikaso sa akin kagabi? nagbantay ba sya sa akin buong gabi. pinagmasdan ko lang si Jaydon habang natutulog sya parang ang payapa ng kalooban nya para syang walang pinagdaraanang problema.

parang nakakakunsensya tuloy na ang sama sama ng tingin ko sa kanya dati. hindi ko lubos maisip kung bakit sya ang sinisisi ng papa nya sa pagkawala ng mama nya, anong alam nya? kawawa siguro si Jaydon kung walang Aling Susan na nagasikaso at  gumabay sa kanya sa paglaki, I wonder kung saan nga ba pupulutin si Jaydon Kung wala si Aling Susan. kung iisipin ko ang bagay na yun parang gusto kong umiyak.

" Aya"

" J-Jaydon!" gulat na sambit ko sa pangalan nya, gising na pala sya di ko man lang napansin.

"bakit umiiyak ka? anong nangyari may masakit ba sayo?" worried na tanong nya sa akin saka ay dinampian nya yung noo ko.

" mababa naman na ang lagnat mo ah, bakit umiiyak ka pa,? may masakit pa ba? gusto mo ng pagkain? sandali ikukuha kita" sabi nya aalis na sana sya pero bago pa sya makaalis ay niyakap ko na sya sa likod nya. hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to, ang tanging alam ko lang gusto ko syang yakapin.

" Aya" sambit nya sa pangalan ko, pero hindi ako sumagot.

" ano bang problema?" tanong nya sa akin.

" wala" sabi ko saka ako kumalas.

" masama lang ang napanaginipan ko." sabi ko.

" ah, akala ko kung ano na, hahaha kinilabutan tuloy ako sayo, akala ko sinapian ka na ng masamang Espiritu" sabi nya.

" sino ba kasing masamang Espiritu ang nandito ngayon, ikaw lang naman di ba?" sabi ko sa kanya.

" aba ayus ah, pagkatapos kitang alagaan kagabi tas ako pa ngayon ang masamang espiritu, ang bilis mo naman atang maka recover" sabi nya.

" hahaha biro lang, Thank you sa pag alaga mo sa akin kagabi" sabi ko sa kanya. pero para syang natameme at nakatingin lang sa akin.

" oh bat natahimik ka?" tanong ko sa kanya, inilagay nya naman yung kamay nya sa likod ng batok nya.

" ah, wala ok lang yun, kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit" sabi nya.

" oo nga pala wag ka na munang pumasok ngayon at baka bumalik ang lagnat mo" sabi nya.

kaya naman buong magdamag lang kaming nasabahay, wala naman talaga akong balak na pumasok ngayon dahil busy na sa school para sa darating na school fest alam kong nag reready na ang buong school para sa okasyon na yun.

nung hapon na nakita ko si mamala sa sala at nag gaganchilyo. iniwan ko muna si Jaydon sa taas dahil masyadong busy sa kakalaro ng games sa Cellphone ko, nagpaalam naman ako sa kanya na bababa muna ko para kumain.

" mamala, ang galing nyo po sa ganyan" sabi ko kay mamala.

" oh apo ok na bang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni mamala pagkalapit ko sa kanya.

" ah, opo mamala magaling na po ako" sabi ko.

" mabuti naman, mukhang inalagaan ka nya ng mabuti kagabe" sabi nya.

" oo nga pala mamala, nabanggit po pala sa akin kanina ni Jaydon, nung sinubukan ka raw nyang kausapin para humingi ng tulong kagabi, parang hindi mo naman raw sya nakikita at naririnig" sabi ko.

IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon