AYA
"hummnn,..ano ba...hihihihi wag dyan may kiliti ako dyan"
" ah dito pala ang kiliti mo"
" oo kaya wag dyan, ano ba hihihi"
" hahaha ngayon alam ko na kung saan ang kiliti mo"
" hihihihohohohahaha!!!!!"Teka!?
" ano ba sinabi nang wag dyan eh!!!" napabalikwas ako sa kama ng marealize kong may tao sa kwarto ko at pinaglalaruan ako napatingin ako sa gilid ng kama ko at nakita ko si Jaydon na abot tenga ang ngiti nito.
"Aaaaaaahhhhhhh!!!!!!"
pinagbabato ko sya ng unan at ng kung ano pang mahawakan ko pero sya nakatayo lang at tumatagos lang lahat ng ibinabato ko sa kanya ibabato ko na sana sa kanya yung matigas na bagay na nahawakan ko ng bigla nya kong pigilan." hep! hep! wait sigurado ka bang ibabato mo sa akin yan? im sure mahal yan!" sabi nya kaya napatingin ako sa hawak ko.
" oh my gosh! cellphone ko!!"
" Aya! Aya! ok ka lang ba apo?" napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni mamala sa labas ng kwarto ko.
" ah, opo mamala wag po kayong mag alala may ipis po kasi dito sa kwarto ko." sabi ko naman
"wow ang gwapo kong ipis ah"
tinignan ko sya ng masama tumahimik naman sya, pero nakangiti parin." ah ganun ba? oh sya mag ayos ka na at may pasok ka pa"
" opo mamala" sabi ko. sinilip ko pa si mamala sa nakakawang na pinto ko at ng makita kong bumaba na sya ay sinara ko na ulit yung pinto at saka ko niratrat si Jaydon
" hoy ikaw! ano ginagawa mo dito bakit nandito ka sa kwarto ko pano ka nakapasok dito!!" sabi ko pero tinakpan nya yung tenga nya
" grabe ka naman, ganito ka pala kadaldal kapag nasa bahay pero pag nasa school ka para kang hindi makabasag ng pinggan"
" eh ano naman ngayon sayo? so ano na, bakit nadito ka sa kwarto ko pano ka nakapasok dito? anong ginagawa mo dito?"
" di tumagos sa pader"sabi nya natahimik naman ako dun, oo nga pala nakalimutan kong multo nga pala sya ngayon.
" oo alam ko naman yun, eh bakit nandito ka? ano nanaman kailangan mo sakin?" sabi ko.
" wow, kung makapagsalita ka parang lagi akong may kailangan sayo ah." sabi nya.
" tse! ano ba kasing kailangan mo?" sabi ko naman.
" wala naman, naisip ko kasi wala akong mapuntahan kaya sinundan kita kahapun."
"bakit di ka na lang pumunta dun sa mga kaibigan mo? at akong binubulabog mo?"
" pinapaalis mo na ba ko? wala ngang ibang nakakakita sa akin kundi ikaw lang" sabi nya.
" oh eh ano naman ngayon?" sabi ko ng nakacross arms pa pero parang may kumurot sa akin ng makita kong parang may lungkot sa mukha nya.
" hay! bakit kasi di ka na lang bumalik sa katawan mo? " sabi ko.
" yun na nga eh, di ko.mahanap yung katawan ko kaya,..."
" kaya?"
" kung pwede tulungan mo ko"
" pano ko naman gagawin yun?"
" simple lang, tanungin mo yung dalawa kong kaibigan." naku kung di lang ako tinulungan nito nung isang araw wala akong balak tulungan ang isang to.pero dahil hindi ako ganun ka sama, mahina ang sestema ko sa mga ganitong pagkakataon kaya hindi ko sya matangihan.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
Storie d'amoreLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...