AYA
" aya attend tayo sa night ball" sabi ni Jaydon.
" ayoko, tinatamad ako, ano namang gagawin natin dun?" sabi ko.
last day na kasi ngayon ng schoolfest at mamayang gabi may night ball para sa closing ng festival, at syempre wala akong balak pumunta kaya dito lang ako sa bahay, at isa pa wala rin ako sa mood para pumunta pa dun dahil ang dami dami kong iniisip, iniisip ko yung napag usapan namin ni lola kagabi.
FLASH BACK
" bakit nya ho gustong mamatay mamala?" tanong ko kay mamala na halos mag crack ang boses ko.
" siguro may mabigat na pinagdaraanan ang batang yun, at pakiramdam nya, walang nakakaintindi sa kanya, wala syang karamay sa problema nya, kaya nya gustong mamatay"
naalala ko tuloy yung mga kwento sa akin ni Aling Susan, pati ni Marco. hindi ba nararamdaman ni Jaydon na may mga tao sa paligid nya na may pake alam sa kanya at gusto syang tulungan? bakit hindi nya alam yun?
"ang tao kahit gaano pa katapang kung titignan, ay mahina parin kahit anong gawin, lalo tayong manghihina kung pati puso natin ay mabilis sumuko at bumigay sa laban, lalo na kung wala tayong rason na pinanghahawakan para maging matatag sa hamon ng buhay" sabi ni lola.
" paano ko po sya matutulungan lola, para lumaban sya at maging matatag paano ko po gagawin yun"
sabi ko, nagbuntong hininga muna si mamala bago sya nag salita.
" mahaba habang proseso ang gagawin mo apo, pero kung desidedo ka ay sasabihin ko" tumango naman ako kay mamala.
" tayong mga tao, tulog man tayo ay may parte sa ating katawan ang nananatiling gising at kahit kailan ay hindi natutulog, yun ay ang ating pandinig, isip at puso" sabi ni mamala habang itinuturo nya ang mga binabanggit nyang parte ng katawan.
" kapag narinig ng tenga, mag po-process sa utak, at maihahatid ang mensahe sa puso, ganun yun apo, kailangan lang nya maramdaman ng katawan nya,na hindi sya nag iisa na may mga taong nakaka alala sa kanya, na laging nandyan at handang tumulong sa kanya, at maramdaman nya na may taong nagmamahal sa kanya."
END OF FLASH BACK
"oi, nakikinig ka ba sa akin?" untag nya sa akin kaya napabalik ako sa reyalidad.
"ano?" tanong ko sa kanya.
" sabi ko last day na ngayon ng school fest, ano mag mumukmuk ka lang dito?" tanong nya sa akin.
" eh, ano ka ba Jaydon, tinatamad nga ako, wala naman akong gagawin dun eh"
" manuod tayo mamayang gabi ng fireworks display, kung ayaw mo ng night ball" sabi sakin ni Jaydon, fireworks diaplay? di ko ata alam yun.
" may fire works display?" tanong ko sa kanya.
" di mo alam? grabe nasaan ba yung kaluluwa mo nung nanunuod tayo ng Cheerdance di ba inannounce yun pagkatapos?" sabi nya. di ko talaga alam.
" di ko narinig eh, pasensya" sabi ko na lang.
" so ano punta tayo?, sakto sa 30 min daw ang fireworks display." sabi nya. ganun katagal?. parang nagdalawang isip tuloy ako kung pupunta o hindi, kaso first time ko atang makakapanuod ng fire works display ng ganun katagal.
" oi payag na yan" sabi nya.
" oh sige na nga, anong oras daw ba mag start yang fireworks display na yan?"sabi ko nasilaw tuloy ako sa fireworks display na yan.
" 8:30 sige mauna na ko sayo, hihintayin na lang kita sa school sa pool ka dumiretso dun tayo mag kita, may dadaanan lang ako" sabi ni Jaydon.
" saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomansaLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...