AYA
sabado ngayon at nandito ako ngayon sa money rimittance para kunin yung perang pinadala sakin nila mama at para may pambili ng groceries, hindi ko kasama si Jaydon dahil ibinilin ko sa kanya na bantayan yung bahay, wala kasi si Mamala dahil mag aattend sya ng reunion nila ng friendship nya.
ng makuha ko na yung pera ay papunta na sana ako ng mall para mamili ng makasalubong ko si Aling Susan kaibigan ni mama. nakita kong nagkalat at gumugulong yung mga pinamili nya kaya tinulungan ko na sya.
" Aling Susan mukhang tinatakbuhan ata kayo nitong pinamili mo"
" ay naku Aya ikaw pala, pambihira nga eh nasira kasi yung plastick bag" sabi nya.
ng mapulot na namin lahat ng pinamili nya ay nagusap kami saglit.
" hay salamat Aya ha, naku ang laki mo na dalagang dalaga ka na" sabi ni aling Susan.
" wala ho yun, kamusta na ho kayo?"
" eto ok naman ako,ikaw ba?"
" ok lang din po, saan nyo ho ba gagamitin yang mga prutas nyo?" tanong ko kay Aling Susan.
" ah dadalhin ko ito sa alaga ko, anak ng amo ko, naaksidente kasi" sabi nya.
" ganun ho ba?"
"alam mo sa tingin ko ay kasing edad mo lang ang batang yun"
" talaga ho? ano hong pangalan ng alaga nyo?"
" Jaydon ang pangalan nya" sabi ni aling Susan. Jaydon ang pangalan? hindi kaya si Jaydon na kilala ko ang tinutukoy nya?
" Jaydon Standford po?" paninigurado ko.
" ay oo eneng kilala mo pala ang alaga ko, Kaibigan mo ba sya?"
"ah--------o-opo, kaibigan ko po sya" sabi ko medyo nag dalawang ipsip ako kung sasabihin kong kaibigan ko si Jaydon.
" ah, ganun ba, gusto mo ba syang bisitahin" alok sakin ni Aling Susan, ayaw ko sana pero nacurious ako sa kalagayan ng Katawan ni Jaydon kaya sumama na ko.
nakarating kami sa pinakamalaking ospital dito lugar namin, hindi na nga nakakapagtakang dito dinala si Jaydon dahil Mayaman naman ang pamilya nya. tumigil kami sa harap ng isang pinto na may nakalagay na private room dito sa third floor ng ospital.
" ah, aling Susan mauna na ho kayo tumatawag po kasi si mama" sabi ko kay aling susan ng biglang mag ring ang phone ko pumasok naman na si Aling Susan sa loob at sasagutin ko na sana yung phone ko ng biglang nag call ended na, kaya ipinasok ko na sa bag ko yung phone.
binuksan ko na yung pinto at pumasok na ko sa loob, mula dito sa pinto ay naririnig ko na ang pag beep ng machine na tumutukoy sa life wave ni Jaydon. hindi ito tulad ng ibang room na pag bukas mo kwarto agad, kakaiba ang room na to parang may hallway pa. dahan dahan ako naglakad papasok at para bang nanghihina ako at kinakabahan sa makikita ko sa loob, sunod sunod din ang paghinga ko ng malalim ng malapit na kong makapasok ay ipinikit ko ang mga mata ko at nag relax ako.
beep! beep! beep! beep!
napahawak ako sa bibig ko ng makita ko ang kalagayan ni Jaydon, grabe nanginginig ang tuhod ko, ang daming swero ang nakapasak sa kanya maraming benda sa katawan at nakasimento pa ang paa.
"oh my God" sambit ko na lang.
" marami nang bumisita dito at parepareho kayo ng naging reaksyon, maging ako hindi makapaniwala sa nangyari sa batang yan, pero malaki pa rin ang pasasalamat ko at nakaligtas pa rin sya" sabi ni Aling Susan na halos mag Crack ang boses nya.
" Grabe ho" napahawak ako sa dibdib ko, ang layo ng itsura ni Jaydon sa Katawan nya. i cant Believe na ganito ang kalagayan nya ngayon sa Jadon na nasa bahay, I wonder kung anong magiging reaksyon nya kapag nakita nya ang sarili nyang nakalatay ngayon dito sa ospital na to.
" sa tinagal tagal ko nang naninilbihan sa pamilya ng batang yan ay masasabi kong napakabait nyang bata, hindi nga lang halata sa kanya dahil maloko ang batang yan pero ako bilang nakakakilala sa kanya ng lubos ay talagang masasabi kong napakabuti nyang bata" sabi Ni aling Susan na mangiyak iyak na, ngayon ko lang nalaman na sa pamilya pala ni Jaydon sya nag tatrabaho.
"ng malaman kong naaksidente ang batang yan, halos magulo ang isipan ko, grabe ang pagaalala ko sa kanya at ang sakit makitang nasa ganyan syang kalagayan" para syang isang tunay na ina kay Jaydon.
" napakalungkot ng batang yan,alam ko yun sa sarili ko kahit hindi nya ipakita alam kong malungkot ang batang yan, kaya nga hindi ko mapagtanto kung ano bang nangyari sa kanya bago ang aksidente"
" ano ho ang ibig nyong sabihin aling Susan?" clue less ako sa sinasabi ni Aling Susan. bakit naman malungkot si Jaydon eh parang wala namang pinoproblema ang mokong na yun, pwera na lang sa pagiging mahangin nya.
" hindi sila magkasundo ng papa nya, dahil bata pa lang sya ay pakiramdam nya kinamumuhian sya ng papa nya" sabi ni Aling Susan. kinumumuhian sya ng papa nya?
" bakit ho?"
" namatay kasi ang mama nya sa panganganak sa kanya, ng mamatay ang mama nya nagbago ang ugali ng papa nya, mahal na mahal kasi ng boss ko ang asawa nya kaya ng mamatay ito, parang si Jaydon ang sinisisi nya sa pagkawala ng asawa nya."
kwento ni Aling Susan napahawak ako sa bibig ko for the second time hindi ako makapaniwala sa ikinukwento sa akin ni aling Susan, si Jaydon na mukhang walang pinoproblema may mapait na karanasan pala sa buhay." lumaki si Jaydon na malayo ang loob ng ama nya sa kanya, ni minsan ay hindi nito ipinaramdam kay Jaydon na mahalaga sya sa papa nya. alam ko na ginagawa ni Jaydon ang lahat para maging proud ang papa nya sa kanya, para mapansin at maipag malaki sya ng papa nya, pero ni minsan ay hindi nito nakita si Jaydon bilang anak nya, kaya nga ako na lang ang tumayong papa at mama nya" tuloyan nang umiyak si aling Susan, pati ako naiiyak na sa mga kwento nya naramdaman ko ngang tumulo na ang luha ko.
" ang batang yan, mukha lang masayahin pero alam ko sa loob ko na sobra syang nalulungkot, alam ko rin na minsan nya nang tinangkang magpakamatay"
" a-ano tinangka nyang magpakamatay?" gulat na tanong ko hindi kasi ako makapaniwala, parang wala naman kasi sa ugali nya ang ganung klaseng bagay.
" oo tinangka ng batang yan na magpakamatay at alam kong ilang beses nya nang ginawa yun, nakikita mo ba ang mga sugat sa ilalim ng kamay nya?"
tumingin naman ako sa kamay ni Jaydon at nakita ko ngang may mga scratch lines dun.
" sinadya nyang hiwain ang pulso nya, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ng batang yan. alam kong mahal nya ang papa nya at umaasa sya na balang araw mapapansin at ipagmamalaki sya ng ama nya kaya siguro tinitiis nya hanggang ngayon ang sakit na nararanasan nya, tinitiis nyang pakisamahan ang ama nya, kahit alam nyang nahihirapan na sya dahil pinanghahawakan nya na balang araw matatanggap din sya ng papa nya" sabi ni Aling Susan.
grabe hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan lahat ng sinabi at ikinuwento sa akin ni Aling susan. hindi ko talaga lubos maisip na masyado palang mapait ang pinagdadaanan ni Jaydon. napaka galing nyang magtago ng feelings.
biruin nyo, kaya nyang ngumiti at tumawa na parang wala syang problema, pero ang totoo napaka lungkot nya, kaya nyang umakting na parang ang cool at malakas, pero ang totoo mahina sya, deep in side sobra ang sakit na nasaloob nya.
lahat pala ng ipinapakita nya ay panlabas na anyo lang sa totoong sya, dahil ang totoong sya ay nasa kulungan ng kalungkutan.
parang kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon nya, parang ang hirap hirap tanggapin na sarili mong ama, kinamumuhian ka.
hindi ko akalain na mas masaklap pa pala ang karanasan nya kesa sa karanasan ko, at least ako kahit walang kaibigan may pamilya akong nagmamahal sa akin, eh sya? may kaibigan nga pero hindi nya naman sigurado kung totoo nga ba silang kaibigan o hindi. at walang ibang umaasikaso sa kanya kundi si Aling Susan.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...