AYA
" oi saan ka ba galing kahapon? bat ang tagal mong dumating?"
" wala kumain lang ako sa labas ng Ice cream naglakwatcha at nanuod ng sine" sabi ko sa kanya habang hinihiwa yung karne.
" wow ang sarap naman pala ng buhay mo kahapon samantalang ako dito pumuti na ang buhok kakahintay sayo, ginawa mo pa kong guard ng bahay nyo" sabi nya.
" ah, so nag rereklamo ka? oh sige the door is wide open for you to go out, umuwi ka na lang sa bahay nyo" sabi ko sa kanya.
"ayaw, dito na lang ako kahit magdamag pa kong magbantay ng bahay nyo" sabi nya.naalala ko tuloy yung kwento sa akin ni Aling Susan.
" Jaydon"
" humm?"
" matanong ko lang, hanggang kailan mo ba balak maging ganito?" sabi ko.
" anong ibig mong sabihin?" sabi nya.
" ito, itong kalagayan mo ngayon, bakit di ka pa bumalik sa katawan mo, wala ka bang balak bumalik?" sabi ko.
" hummmn ewan" sabi nya.
" anong ewan ang sinasabi mo? hindi naman pwedeng habang buhay kang ganyan, habang ang katawan mo nakalatay sa ospital" sabi ko, natahimik naman sya kaya medyo na akward ako sa atmosphere..
" hindi ko kasi alam kung dapat pa ba kong bumalik" sabi nya.teka sinabi nya na sakin to dati ah, bakit ba puro ewan ang sagot nya.
" ano?" sabi ko. bigla namang pumasok si mamala at kinausap ako kaya natigil ako sa pakikipag usap kay Jaydon.
" oh apo ikaw ba ang mag luluto ngayon?"
" ah, o-opo mamala" napatingin ako kay Jaydon at sumenyas sya sa akin na aakyat sya.
" ano bang klaseng putahe ang lulutoin mo?"
" syempre yung paborito mo po mamala"
" ay talaga? mukhang mapaparami ang kain ko ngayon ah"
" haha, sisiguraduhin ko pong masarap ang luto ko" sabi ko kay mamala.
ng matapos ako sa pagluluto ay umakyat muna ko sandali para tignan kung ano nang ginagawa ni Jaydon sa kwarto ko baka mamaya kasi ay kung ano na ang ginagawa nya sa loob.
" Jaydon?" tawag ko sa kanya pagpasok ko s kwarto ko wala kasi sya sa paligid, kaya hinanap ko na sya pati sa guest room pero wala sya. kaya bumaba ako at tinignan ko sa sala baka nandun sya minsan kasi nagpupunta rin sya sa sala at naunuod ng TV.
" nasan na sya?"
" sinong hinahanap mo?" tanong sakin ni mamala.
" ah, w-wala ho mamala" palusot ko kay mamala, babalik na lang sana ko sa kusina ng matigilan ako dahil sa sinabi ni mamala.
" kung hinahanap mo yung lalake, nakita ko syang lumabas ng bahay" sabi nya, nanlaki pa yung mata ko at napatingin ako kay mamala.
" nakikita nyo rin po sya mamala?" gulat na tanong ko kay mamala.
" Oo kanino ka pa ba magmamana kundi sa akin" sabi ni mamala.
" bakit ngayon nyo lang ho sinabi na nakikita nyo rin ho sya?"
" aba hinihintay ko kasing ipakilala mo sya sa akin"sabi nya.
" mamala naman, syempre hindi ko po gagawin yun, kasi iniisip kong hindi nyo sya nakikita, magmumukha lang akong tanga" sabi ko.
" haha, oo nga naman,pero sino nga ba ang lalaking yun?" tanong sa akin ni mamala.
" schoolmate ko po sya mamala, naaksidente po sya at nasa comatose po ang katawan nya"
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...