JAYDON
nandito lang kami ngayon sa bahay nila Aya at magdamag lang kaming nanuod ng TV ngayon. hindi na muna kami pumunta sa school dahil ayaw ni Aya.
wala rin ang lola nya ngayon dahil may pupuntahan daw so kaming dalawa lang ngayon dito.
"ang tahimik mo ata ngayon Jaydon?" biglang sabi ni Aya.
" wala naman, bakit?"
" wala naman" sabi nya.
" Aya, Samahan mo nga ako" sabi ko.
" Jaydon ayaw ko ngang pumunta sa school ngayon, ayan ka nanaman eh" sabi nya.
" hindi naman sa school ang pupuntahan natin eh" sabi ko naman sa kanya. sa tingin ko may kailangan ako ngayong gawin.
" saan?"
" samahan mo ko sa ospital" sabi ko sa kanya.
" pupuntahan mo katawan mo?" tanong nya sa akin. kaya nagnod na lang ako.tumingin sya sa akin ng ilang sandali saka tumayo din.
" sige maliligo lang ako" sabi nya saka ay pumasok na sa banyo, I made up my mind, I'm going back, kagabi kasi parang may nag udyok sa akin na gawin ang desisyon na to.
FLASH BACK
Tumigil na sa kakaiyak si Aya, akala ko nga hindi na sya titigil ano kayang nangyari sa kanya nung umalis sya, tinatanong ko sya kung bakit pero hindi nya naman ako sinasagot kaya pinabayaan ko na lang,dahil kaya sa pagod, kaya sya nagkaganun?pero parang hindi naman eh, ang higpit pa ng yakap nya sa akin kaya eninjoy ko muna yung moment, pero nung nangalay na ko syempre kumalas na ko, pero tulog na pala sya, kaya pala hindi ko na sya naririnig na nag sa-sob.
pinahiga ko na sya sa kama nya tinanggal ko yung salamin nya at saka ko nilagay sa lamesa, hinawi ko rin yung buhok na humaharang sa mukha nya.
namemesmerize talaga ko sa mukha nya, ewan ko ba, sa lahat ng babaeng nakikita ko sa school sa kanya lang ako tumitig ng ganito, kakaiba ang mukha nya napakasimple at napaka inosente, maganda kahit walang make up, iba ang feeling ko kapag nakikita ko ang mukha nya ng ganito kalapit, parang gusto ko ako lang ang nakakakita sa kanya ng ganito kalapit, gusto ko syang ipag damot, oo gusto ko syang ipagdamot, gusto ko..gusto ko akin lang sya. Yeah, thats it, I fell in love with her for a long long time, pero hindi ko alam kung kelan nag simula, basta narealize ko na lang sa sarili ko na mahal ko na sya.
" Jaydon" napatingin ako sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ko.
" bakit?" sagot ko kahit tulog sya, malay natin baka sumagot haha.
" Bumalik ka na" sabi nya, kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya at napalunok ako ng sarili kong laway.
" bumalik ka na..bumalik ka na..Jaydon" sabi nya the way nyang sabihin ang mga salitang yan pakiramdam ko, gustong gusto na nya talaga kong bumalik parang, ang tagal na nyang naghihintay sa pagbabalik ko at gustong gusto na nya kong makita, nakita ko pang tumulo yung luha nya sa kanang mata nya.
" bakit? bakit mo ko gustong bumalik Aya?" tanong ko sa kanya tapos pinahid ko yung luha sa mata nya. and with that nabuo ang desisyon ko na bumalik na sa katawan ko.
END OF FLASH BACK
babalik na ko at gagawin ko to para sa kanya, hindi ko sure pero parang ako ata ang dahilan ng pag iyak nya kahapun.
AYA POV
nandito na kami ngayon sa ospital at naglalakad na papuntang private room nya.pagdating namin nakita namin si Aling susan na Kalalabas lang.
" oh, Aya bibitahin mo ba si Jaydon?" tanonv nya sa akin ng makita nya ko.
" ah, opo."sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)
RomanceLife is too short para sayangin, di natin alam kung hanggang kelan lang tayo mananatili sa mundo.But what if bigla ka na lang nainlove sa maling pagkakataon? paano kung tumibok ang puso mo sa taong di na nakikita, naririnig at nahahawakan ng mga tao...