15

67 4 0
                                    

(hola!! malapit na tayo sa ending!! , tuluyan na nga bang magigising si Jaydon? maaalala nya pa kaya si Aya? heto na ang Chapter fifteen) 

AYA

nagising ako sa ingay na naririnig ko sa loob ng kwarto ko at pag dilat ko ng mata ko nakita ko si Jaydon na nakikipag biruan sa tuta, mukhang close na close sila nung tuta. nakita nya namang gising na ko.

" oh, Gising ka na pala, sige batiin mo mommy mo ng good morning" sabi no Jaydon dun sa tuta, Mommy? parang tumaas yung kilay ko sa sinabi nya.

" Arf! Arf!!" Nagulat naman ako ng biglang tumahol yung tuta, ano yun naintindohan nya si Jaydon?

" haha good boy! Oo nga pala Aya bigyan natin sya ng pangalan, ano Gusto mo?" masayang tanong nya sa akin na parang hindi kami nag talo kagabi, ok lang kaya sya?

" ah, ikaw ano bang gusto mo?" tanong ko naman sa kanya.

" ikaw na mag isip, wala akong maisip na magandang pangalan para sa kanya" sabi nya. nagisip naman ako at, naisip kong pangalanan na lang sya ng Cloud since pure white ang kulay nya.

" Cloud na lang, ok ba yun?" sabi ko.

" aba ok yun, bagay sa kanya since puti ang Kulay nya" sabi nya.

" simula ngayon Cloud na itatawag namin sayo, gusto mo rin ba yun?" si Jaydon na kausap yung tuta.

" Arf!" sabi ng tuta.

" ang galing naman naiintindihan ka ba nya?" tanong ko kay Jaydon.

" siguro, sumasagot sya eh, haha matalino ang asong to,mana sa akin haha" sabi nya pa.

" haha, talagang mana sa iyo no?, Oo nga pala Jaydon tungkol sa nangyari kagabi" pag open ko sa nangyari kagabi, gusto ko kasing humingi ng sorry narealize ko kasi na baka napaka mean ko naman dahil sa ginawa ko kagabi.

" wag mo nang isipin yun, kalimutan na lang natin yun, ok lang" sabi nya habang nakikipag laro kay Cloud.

"pero Aya, hindi ko na babawiin kung anong sinabi ko kagabi, at papatunayan ko sayong totoo yun, at wala akong kakalimutan sa lahat nang nangyayari ngayon." seryusong sabi nya. parang gusto kong panghawakan ang lahat ng sinasabi nya ngayon, pero walang kasiguraduhan kung anong mangyayari pag gising nya.

nung hapun na napagdesisyunan kong pumunta na sa ospital para alamin ang kalagayan ni Jaydon, pero nagkakagulo sa ospital pagdating namin, papunta na sana kami sa room ni Jaydon ng makita namin si Aling Susan na parang nagmamakaawa sa isang lalaking naka business attire.

" Sir maawa po kayo, wag nyo pong gawin to, anak nyo si Jaydon maawa kayo sa kanya?!"

" Aling Susan! tumigil na kayo! kung ayaw nyong mawalan ng trabaho, umayos kayo, at isa pa wala akong pakialam sa batang yun!!" singhal ng lalaking kausap ni Aling Susan, napatingin ako kay Jaydon parang wala akong emosyong nakikita sa kanya ngayon, napakaplain pero yung kamay nya naka fistform.

" Sir!" hindi na ko nakapag pigil at naglakad na ko oalapit sa kanila, at parang babaon sa sahig yung paa ko dahil sa bigat ng bagsak nito.

" Aling Susan, Ano pong Problema?" tanong ko kay aling Susan pagkalapit ko.

" Aya, si Jaydon, balak na ni Sir Arthur na itigil ang pagpapagaling ni Jaydon,ipapaputol nya na ang oxygen ni Jaydon" nanlaki yung mata ko sa narinig ko kay Aling Susan parang hindi ata ako makapaniwalang kaya tong gawin ng ama nya kay Jaydon.

" Hindi nyo po Pwedeng Gawin yun Kay Jaydon!" singhal ko sa lalaking kaharap ko, wala akong pake kung sino pa sya ang sakin lang mailabas ko kung anong nasa loob ko.

IM INLOVE WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon