Chapter 22 - SPACE ?

243 1 0
                                        

Hindi ko po alam kung nao talaga ang kalalabasan ng chapter na 'to. Salamat po sa mga nagbabasa ng story ko. :))

Les' POV

Musta naman kaya yung outing nila? Bakit ako hindi sumama? Eh, kasi tinatamad ako. Saka may meeting daw kami sa baranggay, wala din kasi ako hilig sa ganyan e. Nakilala ko lang naman yang mga 'yan dahil kay Mycko e, yung friend din nila na umalis sa banda nila. Hindi na kasi niya kaya daw ihandle yung sched niya e, pero pag may time naman nag bobondin pa din kami. Parang naaano na din ako kay KAth, ayoko naman siyang maging malungkot. Kaya lang, wala talaga ako hilig e. Kaya nga gumagawa lang din ako ng dahilan e. Sama kong BF noh? Hindi ko nga talaga alam kung bakit ko naligawan si KAth nun e. Oo, maganda siya. Mukha ngang siyang anghel kaya nga hindi ko siya kayang saktan. Kahit gusto ko ng makipaghiwalay saknaya, hindi ko magawa. Hindi ko din kasi kaya makita siyang umiyak sa harap ko. Kung makikipag breaak din siguro ako ay yun yung sa text nalang. Pauwi na nga daw sila ngayon e, kaya ako eto ngayon. Naghihintay na dumating sila KAth, andito naman yung mommy ni Kath e. Close kami, dahil nga yun sa banda namin. Alam naman na din yata niya yung about samin ni Kath e. Puro KAth na ako, speaking of Kath. Nakikita ko na yung van nila. Pati na yung kotse ni Seth.

"Mga bregs, balita? Musta ba outing? Enjoy ba?" Bati ko sakanila na mukhang ayaw akong kausapin

"Andito ka pala, Les. Okay naman yung outing, kahit WALA ka." Inemphasize ko talaga yun. Kasi talagang nilakasan pa 'yun ni DJ e.

"Oh, nice. Si Mhie nasan?"  Turo naman sila sa van

Pumunta naman ako sa van. Andun sila Juls, Kath, EJ at Kiray. Agad-agad ko naman ginising si Kath at yung apat. Sinenyasan ko yung apat na bumaba na. MAguusap lang kami. Agad naman silang bumaba. At eto kami, tahimik. Gising na siya, pero nakatanaw lang sa may bintana. Malayo ang tingin, at mukhang malalim ang iniisip. Sisimulan ko na sila pero inunahan niya ako.

"Oh? Kamusta naman ang mga raw mo? Busy ba?" Bungad niya, without looking at me

"Ah, okay naman. Oo e, he-he-he. Eh. Yung outing niyo ba musta?" Yan nalang nasabi ko

"NAPAKASAYA nga e, SOBRA! Kahit WALA ka dun. Ang SAYA ko!" Napasigaw niyang sabi at mukhang maiiyak na at akma naman siyang aalis na. Pero pinigilan ko siya, ayaw na niya akong kausapin. Niyakap ko siya patalikod, pero pumapalag pa rin siya. Nagulat nalang ako sa bigla niyang sinabi bago pa talaga siya kumalas sakin...

"Give me SPACE! COOL-OFF muna tayo. PLS lang, baka dun makapagisip-isip tayo. Maisip mo din kung ano ang RELASYON. Hindi lang dapat isa ang nagwowork-out sa isang relasyon, kaya nga relasyon e. Sana sa pagbigay ko din sayo ng SPACE, marealize mo ano ang kulang. Kung ano ang kailangan dito sa RELASYON na 'to. Let go of me! PLS!" Pagkasabi niya nun, hinyaan ko na siya. Sasabihin ko na sana kung ano talaga ang gusto ko ng mangyari, inunahan naman niya ako. Tama siya, dapat ko nga marealize kung ano ang kulang. Dami ko na talagang pagkukulang sakanya. Sobra! Ayoko ng nakikitang ganun si KAth. Tuluyan na pala umalis si KAth, naiwan akog tulala dito. Lalabas na sana ako, bigla naman akong ..

BOGGGGGGSHHHHH!

Kats' POV

Bumaba na silang lahat except for Kath and LEs. Siguro naguusap yung dalawa dun, kaya hinayaan ko nalang. Pinasok ko na sa loob ang mga gamit namin ni Kath, saka lam ko naman pagod yun at hindi nakatulog. Maawa naman ako sa kapati dko, kung siya pa gagawa neto. Saka alam ko naman hindi papaawat yan, gusto  niya din kasi siya ang nagaayos ng gamit namin e. Hindi naman na kasi kami gaano naasikaso ni mommy, kaya kami nalang ni Kath ang nagtutulungan. Napasok ko na lahat, at kami nasa loob. Si DJ at Juls nandun lang sa labas, hinhintay siguro yung dalawa. Mukha ngang medyo natatagalan yung dalawa e. Edi eto kami ngayon, nagchichikahan pa rin. Hindi kami nauubusan noh? HAHA!

Count On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon