Chapter 11: Anak?

546 37 0
                                    

Hannah's POV

Kahit kelan nakakainis talaga tong si Kiefer.

Grabe naman tong asar niya parang di pangkaraniwan.

As in sa mommy niya talaga?
Pinakilala ang isang tulad ko na ordinaryong babae lang? Medyo mahaba buhok, walang kataste taste sa pananamit, di kilala si make-over, makapal kilay. Medyo lang maganda hehe. Lakas ng loob ko dun ah.

Nagsimula na kaming kumain. Kasama tung mommy nang engot na lalake sa buhay ko.

"Ahm yaya pwede po bang pakainin niyo pong mauna si baby Mitch para po makatulog na siya, ang aga kasi niyang gumising eh. Salamat nalang po"

"Ahmm sige po ma'am"
Tapos umalis na yung yaya nila.
Grabe ang bait ng mommy niya.

"Ahmm anak, ano ba work mommy mo?" Tanong sa akin ng mama ni Kiefer.

But what?. ANAK talaga. Grabe naman to si tita oh.hehe

"Ahm Business woman po tita and nasa US siya ngayon para sa isa naming company" sinabi ko nang pasmile sa kaniya.

Di ko nalang sinabi na nanay ko yung pinakasikat na business woman baka paghinalaan pa ako na ampon.

"Ehh yung daddy mo?"tanong uli niya sakin.

Hindi ako kumibo. Hindi ko talaga sinagot yung tanong niya, maiinis lang ako eh. Baka mamaya di ko napapansin na tumutulo na luha ko noh.

Pero bigla nalang iniba ni Kiefer ang usapan, tapos tinignan niya ko.

"Ahm ma meron pa bah dun?  Baka kasi makulangan tung GIRLFRIEND ko eh  ang takaw kasi neto"

Aba kung makapagsalita ka ah. Inimphasize mo talaga yung pagkakasabi mo nang GIRLFRIEND.

Ang sarap batukan eh.

"Ayy ok naman anak. Ano gusto mo pa ba?.. by the way ano nga palang pangalan ng girlfriend mo Shone?" Tanong niya sa napakagaling niyang anak.

"Ahmm ano po.." hahaha tingnan mo nagmamayabang. Eh di naman alam full name ko. Wahahaha

Kaya ako nalang nagsabi. Na awa ako sa unggoy eh.

"Hannah Chy Divera po tita"pa smile kong sabi.

Ang yabang kasi masyado ng Shone na to.

"Ahh nice name anak"

Ba't niya ba ako tinatawag na anak. Di naman siya nagluwal sa akin ah.
At isa pa, naiilang ako eh.

"Masanay ka na wa'g ka nang mailang" sabi ng epal.

Mukang napalakas ata pagkakasabi ko sa isip ko. Kainisss.

Pagkatos namin kumain. May hinanda pang dessert.
Grabe. Tataba ako neto eh.

"Uyy kumain ka pa nak"

Ayan na naman tayo huhu. Pwede po bang tama na.

Tsk tsk tsk

Kung di lang sa lalakeng yan eh.

"Ahmm sige po tita." Sorry di ko mapipigilan sarili ko eh ang sarap tingnan ng Leche flan lalo pa yung katabi ko ay ang LECHE flan ng buhay ko. Hayst.

Pagkatapos naming kumain, niligpit niya mga pinagkainan namin. Kaya tinulungan ko nalang siya.

"Uyy wag na nga. Ako na dito, panget ka"

"Alam mo, ikaw na nga tong tinutulungan eh. Bahala ka nga dyan"

Nakakainis naman oh. Kaya umupo nalang sa sofa sa kanilang sala.

Accidentally Inlove With My Fake PlayBoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon