"Chy, ready ka na?" Tanong ni Ms. Agatha sa akin.
Time for make over na kasi eh.
3 hours pa before magstart ang program kaya nagprepare na kami lahat ng contestant."Opo, always ready po ako eh. Motto ko po yun"sabi ko pagkatapos ay ngumiti.
Nang minake upan na ako ng make up artist ay di pa ako handa, una niya kasing inahitan yung kilay ko eh.
"Wait lang po!!!"sigaw ko.
"Oh bakit iha?"tanong niya.
"Di po ako ready eh"
"Bakit di ka ready? First time mo?"
"Di naman po, pero kasi naalala ko yung sinabi ng lalakeng pinakaimportante sa akin. Na sobrang laki na daw po ng pinagbago ko, pati po daw yung ugali ko nagbago din. Eh kahit di naman po. Siguro po pagbaguhin ko yung itsura ko mas lalong sasama ugali ko. Sa kanya lang po kasi ako laging galit eh, pero mahal ko po siya"paliwanag ko.
"Alam mo kung bakit galit ka sa kaniya? Dahil ayaw mo siyang mawala sa iyo. At kung bakit niya nasabi yun dahil, he just wanted to stay with you always. Yung parang di ka niya pakakawalan, kaso ikaw yung gumagawa ng mga kilos na labag sa kaniya, na ayaw niya. Nakikita ko kasing sobrang sweet niyo ni Kent lagi tapos chineer mo pa siya dun sa laro niya kanina. Ni hindi mo nga alam na laro rin pala ng boyfriend mo"
"Yun na nga po eh, siya chineer ko pero yung boyfriend ko wala, nanalo lang sila ng walang dahilan. Sabi niya sa akin, naglaro lang siya kanina ng puro galit at pag aalala. Ehh di ko naman alam po eh, na laro nila o soccer pala sport niya"
"Ganito, inotice mo siya mamaya. Yung isali mo siya sa sagot mo dahil siya yung taong insperasyon mo. Pero kung siya talaga. Siya ba yung dahilan kung bakit kasumali dito?"
"Hindi po, natatakot nga akong sabihin na sumali ako dito eh kaya hanggang ngayon di niya alam"
"Edi gawin mo siyang insperasyon mamaya dahil mahal mo siya, di dahil kailangan mo siya.... Okay?"
"Opo"
"Handa ka na ba?"
"Always ready nga po eh" sabi ko tapos ngumiti.
Sinimulan na akong make upan ng make up artist, wala na akong pake kung anong gawin niya sa mukha ko, basta may tiwala ako sa kanya. Ganda nga ng advice niya sa akin eh.
Tama siya noh, inotice ko kaya siya mamaya... Ayokong magalit si Kiefer sa akin, gusto kong manalo yung dahil sa kanya...
Kiefer's POV
Nasa kwarto lang ako, nagmumukmok pagkatapos ng laro namin kanina. At pagkatapos ng nangyari sa amin ni Aitchy kanina.
Ang sakit kaya sa feeling na nang dahil kay Aitchy nanalo sina Kent.
Ehh kitang kita ko nga yung pagcheer niya kay Kent, tska paghug niya at pagbuhat.
Tsssssss nakaka inis....
Hinawakan ko pisngi ko naramdaman kong parang tumutulong tubig, di ko lang naman alam na umiyak na pala ako.
Huh? Bakit ako umiyak? Urghhhhh stop acting like that Kief, sa gwapo mong to? Wala pang babaeng nakapagpaiyak sa gwapong mukhang toh.. ayy si Freah. Umiyak lang naman ako nun dahil time na yung nakipagbreak na siya sa akin. Pero etong si Aitchy na walang feelings sa akin iniyakan ko sa simpleng bagay?
Baka nga kaibigan lang sila...Kasalanan ko rin naman kasi eh di ko sinabi yung mga gusto ko o kung ano yung rules ko.
Tssssss pagnagkaroon kami ng oras ni Aitchy, yung kami lang dalawa gusto kong mag usap kami ng masinsinan. At dapat lagi kaming magkasama. Pero sa nangyari kanina, mahirap ng makausap si Aitchy.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Fake PlayBoyfie
Roman pour AdolescentsLove don't define of who you are and what you are. Kung feeling mo talaga na siya na, wag mo nang itago ang feelings mo at magkunwari pa. You don't need to be fake just to be a pure girl lover.