Pagdating ni Kiefer agad siyang umupo sa tabi ko, malapit sa lolo niya, tapos sumunod naman sina Josh, Angela at Bryan.
Bumeso sila sa family ni Kiefer.
Pati na rin tong si Angela, kala mo naman FAMILY eh.
"Oy Kiefer, saan ka ba galing ha?" Sabi ko sa kanya ng maangas.
"Uyyy galit na ang girlfriend ng anak ko oh"biro naman ng daddy niya.
"Hahhaa daddy di po, BOYfriend ko po"sabi naman ni Kiefer
Shyete talaga tong lalake to .
"Sapakin talaga kita eh" sabi ko sa kanya.
"Hoy, sige na nga nakakahiya oh"sabi ni Bryan.
Sabay nagtawanan silang lahat.
Nagsimula na kaming kumain, pero tong lolo ni Kiefer, panay tanong.
"So ilang taon na kayo?"-lolo.
"Di ko po alam" sabay kami ni Kiefer napasabi.
Nagtawanan ulit KAMING dalawa ni Kiefer.
Kami lang talaga ha, kami lang ang tumawa.
"Ahh bago lang po sila, month pa lang." sagot naman ni Angela.
"Ahh ganun ba, Rain, ano naman nagustuhan mo sa apo ko ha. Hahaha"sabi ni Lolo Ali sabay tawa.
Nagulat ang lahat sa sinabi niya.
What? RAIN? bakit niya alam yun?
Naatingin sa akin si Angela.
Tapos yung tumawa na sila, kami lang ni Angela ang nakatulala.
"Oh bakit kayo tumatawa?"tanong ni lolo.
"Dad, Aitchy, hindi Rain. Saan mo naman nakuha yan, eh sobrang layo sa pangalan niya"sabi naman ni Tita Claire.
"Awww sorry huh, naalala ko lang kasi yung batang, pinagmaamlaki noon ni Kiefer eh"sabi naman ng lolo.
"Ahh sino po lolo?"ta ong naman ni Kiefer.
"Yung si Rain, yung batang crush na crush mo noon. Patay na patay ka eh"
Sabi naman ng lolo niya."Si Freah po ba yun?" Tanong ko naman.
"Ah hindi, mga grade 3 or grade 4 or 5 si Kiefer nun eh, hindi ko na maalala kung saang school siya nanggaling eh"sabi naman ng daddy niya.
"Oo may nakwento sa amin si Kiefer tungkol sa babaeng yan si Rain"sabi ni Bryan na punong puno ang bunganga.
"Tinatawag pa nga niya yung Raindrop eh, pagkinukwento niya sa amin. Dahil, dahil daw sa ulan kaya sila nagkakakilala"sabi ni Josh.
Tapos si Kiefer patuloy lang sa pagkain at yung mommy at daddy at lolo niya, ay nakikinig sa amin
"May sinulat pa nga siya eh. Sumulat siya ng kanta, para kay Raindrop. Maganda naman kasi boses ni Kiefer at magaling siyang tumugtog ng acoustic guitar, kaso di niya passion ang music."sabi naman ni Kent.
"Tska alam mo ba iha, na may ginawa pa siyang scrapbook, pero binuo niya lang yung scrapbook, nung hindi na sila nagkita ni Rain. Yung iniwan siya ni Rain"sabi naman ng daddy niya.
"Mahilig kasi siyang kumuha ng mga pictures eh, tska magaling naman siya, sa katunayan nga, ang dami na niyang awards at trophies sa photography, pero tumigil lang siya ng nagbreak sila ni Freah"sabi naman ng mommy niya.
"Pero alam mo kung bakit, mahal na mahal niya si Freah dahil iniisip niya na. Si Rain yun, sobrang nagassume siya na si Rain ay si Freah, kahit hindi."sabi naman ng lolo niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Fake PlayBoyfie
Fiksi RemajaLove don't define of who you are and what you are. Kung feeling mo talaga na siya na, wag mo nang itago ang feelings mo at magkunwari pa. You don't need to be fake just to be a pure girl lover.