❤ ❤ ❤Hannah's POV
Sobrang nanibago ako sa sarili ko, matagal na rin kasi yung last na nagganito ako eh.
And eto na, papalabas na kami ng cottage.
Nakakakaba, kung ano bang tingin sa akin ng mga tao.
Lumabas na kami ng cottage at pumunta sa party zone. Hind naman masyadong marami ang tao pero nakakahiya pa rin eh.
Habang naglalakad kami at hinahanap ni Angela kung nasaan sina Kiefer, ako naman tinatakpan ang mukha ko ng aking mga kamay .
Nakakahiya kasi eh.
"Asan na kasi sina Kiefer. Angela?"tanong ko kay Angela.
"Ayun na sila oh"
Hinila ako ni Angela.
"HEY CHI, ASAN NA SI PANGET!!?"
Narinig kong tanong ni Kiefer.Tinatakpan ko pa kasi ang mukha ko eh.
Panget mo mukha mo Kiefer, tingnan natin, tutulo talaga yang laway mo.
"Hey Chi,wag ka nga magtago... OHH ETO NA SIYA.... Daraaaaa"
Kinuha ko yung kamay ko sa mukha ko and pagtanggal ko pa lang kitang kita ko sa mukha nina Josh at Bryan na naninibago sila at di makapaniwala.
At siyempre, chicks pa ang sayo. Ang daming mga babaeng sobrang sexy sa gilid nila. Silang apat talaga.
Pagkakita pa nga lang sa akin nina Josh at Bryan bigla nilang tinulak yung mga babae sa paligid nila.
Playboy nga talaga. Hayst.
Gulat na gulat sina Josh at Bryan na yung dating inaasar nila, ngayon natulala na sila.
Si Kent naman, di siya natulala pero nakatitig at nakangiti siya sa akin.
Nagsmile na rin ako kay Kent, killing smile rin kasi siya eh.Tapos eto naman si Kiefer, walang reaksyon, tiningnan niya lang ako sandali tapos tumingin agad siya sa phone niya.
Di lang naman napansin na gumanda na yung tinatawag niyang panget.
Pero may napansin ako sa mukha niya, kumunot naman ang noo tapos magkasalubong ang kilay.
Problema niya?
Reaksyon niya kasi yung hinihintay ko eh, pero wala talaga. Di ba siya pwedeng maging happy sa akin?
Mabuti pa sina Bryan and Josh parang mga bata. Nagpalakpakan sila sa akin habang nakatulala hahaha ang cute talaga nila.
Pero si Kent talaga eh, ang gwapo niya sheytt... Nakapolo siya tapos bukas yung buttones niya yung kita kita yung abs, nagheart heart pa nga mata ko eh. Tapos naka beach shorts pa siya. Ganun din namna sa ibang boys. Pero sa kanya ako naaattract eh.
Narinig kong di na pangdisco yung music at pinalitan ng romantic music kaya niyaya ni Josh si Angela sumayaw and ganun din yung iba.
Pinikit ko muna mga mata ko sandali at huminga ng malalim.
Ngunit pagbukas ko sa mga mata ko di ko na nakita si Kent, umepal kasi sa harapan ko tong taong to eh.
Pag angat ko sa ulo ko...
"May I have a dance with this beautiful lady?" ahhhhhhh s-si K-kent.
Inabutan pa niya ako ng kamay niya para maisayaw.
Oh my God...
Yung feeling na isasayaw ka ng crush mo?? Ayiieeee.
Di ko kaya..
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Fake PlayBoyfie
Fiksi RemajaLove don't define of who you are and what you are. Kung feeling mo talaga na siya na, wag mo nang itago ang feelings mo at magkunwari pa. You don't need to be fake just to be a pure girl lover.