Chapter 20 : First Secret to Know

509 32 0
                                    

Hindi na ako pumasok ng last subject. Eh sumatotal inutusan din naman ako ni Ms. Rhea na tumulong na magdesign for the program tommorow.




Kaya hindi rin ako nakapasok.

Mabuti na rin yun. Di ko sila makikita.

Kami lnag tatlo ni Feah at Angela ang inutusan, best in designing kasi ako. Tapos pinapili ako kung sino kasama ko.


Papunta pa lang kami sa stage, panay tanong na si Angela at si Freah naman eh nakikinig lang.

"Ba't di mo sinabi na kayo na pala" sabi ni Angela na humarap sa amin habang naglalakad.


"Kasi kagabi lang naman yun eh"

"Akala ko ba. You don't believe in love. Ba't ngayon?"

"Angela. Long story basta ikukwento ko nalang sayo maya. And Freah, di ka ata umiimik?"

Sabagay, hindi pa naman niya sinabi sa amin na naging ex niya si Kiefer.


Nalaman na rin namin ni Angela sa tsismis.


Buti nalang hindi sinabi ni Angela na mag ex sila. Para kunwari hindi ko alam.


"Nothing. Nabobother lang kasi ako. Diba dati, hate mo sila?"


"Mababait naman kasi sila sa akin eh. Hahaha" fake tawa ko yun.


Nang dymating na kami sa stage ng Gym.

Pinatulong na kami.


Actually, yung program namin bukas. Ay pagpili ng mga clubs na sasalihan namin.


Maraming clubs ang pagpipilian namin. At dapat isa lang ang pipiliin namin.


Extra curricular activity points kasi namin to eh.


"Anong club ka Frey?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm gusto ko sa 'Sayaw Kabataan Club' or SKC. Dati pa kasi akong mahilig umindak eh"

Sabagay, yung katawan nga niya eh ang sexy dahil siguro sa pagsasayaw niya.

"Ikaw Angela?"tanong ko.

"Gusto ko sa 'Paganda Kabataan Club' siyempre mahilig akong magpaganda. Hehehe"

Ehh bagay din naman sa kaniya yan eh.

Dahil sa mukha niya na parang hinampas ng mga kolorete sa mukha niya. Ang kakapal.

"Ehh ikaw?"tanong nila sakin.

"Ahmm di ko pa alam. Pero kasi gusto ko sa 'Awit Kabataan Club' kasi alam mo na Angie"

"Ahh oo, bagay ka dun friend. Alam mo ba Frey na magaling kumanta to si Aitchy. Kaso di siya kumakanta pagmaraming tao eh. Pero wag mong sabihin kahit kanino ah. Na maganda ang boses niya. Ayaw kasi niya eh"

"Bakit naman?" Tanong ni Freah.

"Nahihiya kasi ako eh" sabi ko.

"Wag kang mahiya. Alam ko na, gumawa ka na lang ng channel sa youtube tapos magcover ka ng song" sabi niya.


At sabay naman kaming napatingin sa isa't isa ni Angela.

"Meron siyang channel tskka nagkocover siya ng song. Search mo BlueBLURRY. Tinatabunan niya ng bangs ang mga mata niya para hindi siya makilala. Ako naman talga ang nagpupumilit sa kaniya niyan eh"

Accidentally Inlove With My Fake PlayBoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon