Chapter 15

346 11 1
                                    

Chapter 15
Atraksyon


"Yes! Bakasyon na! We're going to explore in that one week vacation. Any plans guys?"

"We'll go to cebu, that's my mother's hometown e."

"How about you, Judy?"

" Ah, sa bahay lang siguro."

" What? How boring..." sabay irap ng isa kong kaklase.

" Serra." Napabaling ako kay jannah.

Katatapos lang mag announced ng prof. That this will be the last week of our first semester, And we'll be having a short break after.

"Any plans, for next week?"

"I don't have plans jannah. sa oriental lang naman ang Puwede ako. Don't tell me, 'di mo parin gets ang status namin ng pamilya ni dad?." Nakataas ang kilay kong tugon.

Pumungay ang mata n'ya. I don't want her to think how pitiful I was... so, I smirked.

" I'm okay! don't think too much about me."

" About... last night? Dumeritso kaba... sa apartment mo?."  Alanganin niyang tanong.

Natigilan ako sa naging tanong n'ya. Tumikhim ako, at kaswal siyang sinagot. Yo'n nga lang nag-iwas ako agad ng tingin.

" Yup! Why? "

"Wala lang, nag-alala lang ako."

I just smiled at her dismissively. It's been three days na hindi kami nagkita ni Ryely. Umalis ako pagkaalis niya. He left a note saying- I should wait till he comes back. But, i didn't obey it! Umalis ako at nag-iwan din ng mensahe. I said thank you, and goodbye.

For the past three-days, he didn't show up!  Hindi rin naman ako nakibalita kay jannah. Siguro sumunod siya sa napagkasunduan namin.

I don't want any attachment with him, but i can't fool myself. May parte sa puso ko ang nanghihinayang. Masaklap, Kahit pagkakaibigan ay hindi Puwede sa amin.

I know myself better. kung, patuloy kaming maglalapit, hindi malabong mas lalong umusbong ang ano mang atraksyong namumuo sa'min ngayon. nakakapangilabot isipin pero, may parte ng pagkatao ko ang Dahan-dahang nahuhulog...

I tried to control it, but it's like a strong force of energy that keeps pushing me to surrender on something... something that I can't understand. I can't stop it! Natatakot ako sa pinaparamdan niya sa'kin. Dahil, baka naglalaro lang siya, at ako ang napili niyang paglaruan.

Nakakapanghina ng loob, dahil alam ko sa sarili ko. namimiss ko ang presins'ya niya. Sa nagdaang dalawang buwan, nang maging malapit kami sa isa't-isa kahit pilit ay walang linggong hindi kami nagkikita aksidenti man o sadya. Nakakainis aminin sa sarili na pag nand'yan siya'y pilit kos'yang tinataboy. Pero, ngayon na wala siya'y lihim kong dinarasal na sana magpakita siya.

Sa cafeteria. Sa agribusiness building. Sa dancer's club. Kung saan lagi akong nagugulat sa presens'ya niya. Alam kong tinapos ko na ang larong gusto niyang simulan. But, even from afar I still want to see him. Magulo ang isip ko, 'sing gulo ng buhay na meron ako.

Hindi ko alam bakit kahit anino niya'y 'di ko mahagilap. Noon Kahit wala siya'y laging usap-usapan ang pangalan niya. noon, naiirita ako sa mga babaeng baliw sa kanya. ngayon, hinihiling ko na sana'y may masagap akong impormasyon sa pamamagitan nila. Pero nakapagtatakang wala akong naririnig na usap-usapan patungkol sa kanya.

Ika-limang araw na ngayon. Na cu-curious na ako kung nasa'n siya. So on our last day for the first semester ay nagdesisyon akong maglakas loob na tanungin si jannah. Nasa cafeteria kami ngayon, and jannah is so drown of whatever she's doing with her phone.

BROKEN SERRA (Oriental Girls Series-#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon